Benjamin Alves on "friendship" with Jennylyn Mercado: “Basta happy.”

Masaya naman daw si Benjamin Alves kahit single siya ngayon. Mas nagpo-focus daw siya sa kanyang sports at mga bagong projects na nakatakda niyang gawin.


Hangga’t maaari ay ayaw magbigay ng detalye ni Benjamin Alves tungkol sa napapabalitang closeness nila ngayon ng kapwa niya Kapuso na si Jennylyn Mercado.

“Magkaibigan po kami. Opo,” matipid niyang tugon sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nakausap ng PEP si Benjamin sa media rounds nito—kasama ang dalawa pang taga-GMA Artist Center na sina Miguel Tanfelix at Bryan Benedict—sa Summit Media office, sa Pioneer, Mandaluyong City, kaninang umaga, April 24.

Nitong nakaraang buwan, lumabas kasi ang balitang may espesyal na namamagitan kina Benjamin at Jennylyn.

Nililigawan na nga ba niya ang aktres?

Sagot ni Benjamin, “Magkaibigan po kami.”

"Getting to know each other" lang muna sila ngayon?

May pag-alinlangan nitong sagot, “I dunno if there is a stage [like that].

"Kasi, when you say that, it has to go somewhere.

“Ayoko pong pangunahan, ayoko po sagutin yung mga ganung bagay.

"Kasi, ayoko pong mapangunahan kung whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta po we’re friends."

Nang naospital si Jennylyn, may tatlong linggo na ang nakararaan, isa sa mga dumalaw sa kanya si Benjamin. Pero sabi rin ng actress-TV host, marami naman daw dumalaw sa kanya kaya hindi ito dapat bigyan ng anumang kulay.

Read: Jennylyn Mercado confirms Benjamin Alves’s hospital visit

“Special” na ba para sa kanya si Jennylyn?

Natatawang tugon ni Benjamin, “We’re friends.

"Kasi ayokong magdagdag… baka po mabigyan po ng ibang kulay yung ano, e, yung friendship po, e."

Pareho naman sila single, kaya wala naman sigurong hadlang kung ligawan niya si Jennylyn, ’di ba?

Nakangiti pa ring sabi ng Kapuso actor, “Basta we’re friends.”

Dagdag pa niya tungkol sa kanilang pagkakaibigan, “I dunno... basta happy.”


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close