Phoemela Baranda gets emotional as daughter Nichole enters PBB house

by Rose Garcia
Apr 28, 2014
Naging madamdamin ang saglit na pamamaalam ng mag-inang Phoemela at Nichole Baranda dahil sa pagpasok ng huli sa Bahay Ni Kuya kahapon, April 27. Si Nichole ang isa sa housemates sa bagong season ng Pinoy Big Brother.

Isa sa housemates sa Pinoy Big Brother All In ang 15-year-old daughter ni Phoemela Baranda na si Nichole.

Bago pa man ang actual launch ng PBB All In kagabi, April 27, ay isa si Nichole sa mga unang ipinakilalang housemates sa Buzz Ng Bayan kahapon.

Inihatid ni Phoemela ang anak bago ito pumasok sa Bahay Ni Kuya.

“My God, kinakabahan na ako!” mangiyak-ngiyak ngunit nakangiting sabi ni Phoemela nang tawagin siya pagkatapos ipakilala si Nichole.

At hindi na nga napigilang maluha nang tuluyan ni Phoemela ilang sandali bago pumasok ang anak sa Bahay ni Kuya.

Sabi ng host na si Boy Abunda, naiiyak daw si Phoemela dahil tila hindi ito sanay na mawalay sa anak.

Pagsang-ayon ng model-TV host “Oo, saka siyempre kinakabahan ako na papasok siya dun.

“Siyempre ano, yung character niya kasi… nasa getting-to-know-each-other stage kami.

“Kanina ko pa siya pinapanood at sabi niya, gusto niyang mahanap ang sarili niya kaya pinayagan ko siya.”

Continue reading below ↓

Si Nichole ang itinagong anak ni Phoemela sa loob ng mahabang panahon.

Read: Phoemela Baranda reveals 15-year-old secret: "Naging dalagang ina ako at a very young age."

Mami-miss naman daw ni Nichole ang ina, lalo na‘t nagiging malapit na sila sa isa’t isa.

Sagot naman ni Phoemela sa anak, “I’ll miss you, too.

“Huwag kang masyadong mahiyain sa loob. Be like me!”

Okay lang kaya kay Phoemela kung sakaling ma-in love ang anak sa loob ng Bahay ni Kuya?

Mabilis niyang sagot, “Okay lang, basta alam niya kung hanggang saan lang ang puwede.”

Hanggang saan lang ang puwede?

“Naku, Kim [palayaw ni Nichole], alam mo naman ‘yan, pinag-usapan na natin ‘yan kung ano ang priorities mo, ano ba talaga ang gusto mo.

“Hindi ko naman kasi siya pinipilit o pine-pressure.

“Siya talaga kasi ang may gustong pumasok sa Pinoy Big Brother, pero gusto rin niyang mag-school.”

Si Nichole ang may gusto, pero siya ang may “resistance”?

Continue reading below ↓

“Siyempre, natatakot ako na ma-expose siya,” pag-amin ni Phoemela.

Read Next
Read More Stories About
Phoemela Baranda
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging madamdamin ang saglit na pamamaalam ng mag-inang Phoemela at Nichole Baranda dahil sa pagpasok ng huli sa Bahay Ni Kuya kahapon, April 27. Si Nichole ang isa sa housemates sa bagong season ng Pinoy Big Brother.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results