Wowie de Guzman’s wife dies one month after giving birth

Wowie de Guzman’s Facebook post about his wife’s passing: "d ko alam Kung nananaginip lang ako coz gusto ko na magising or Kung isang eksena lang to sa isang taping ko dahil gusto ko na tapusin para makauwi na ako sayo....panginoon ano po ba kasalanan ko na ginawa at nangyayari to sa akin...Kung meron man po parusahan nyo po ako kahit na ano ibalik nyo lng po asawa ko parang awa nyo po....sherryl sherryl bumalik ka na dto nahihintay ma Kame ng anak mo...pls lang sh


Biglaan ang pagpanaw ng misis ng dating teen idol at Universal Motion Dancers member na si Wowie de Guzman.

Pumanaw si Sherryl Ann Reyes, 26, halos isang buwan lamang ang nakalilipas pagkatapos nitong isilang ang panganay na anak nila ni Wowie.

Nalaman ng writer na ito ang pagkamatay ng asawa ni Wowie sa pamamagitan ng Facebook at Instagram posts ng aktres na si Gladys Reyes.

Madalas magkasama noon Wowie at Gladys sa mga pelikula noong kasagsagan ng kasikatan ng loveteam ni Wowie kay Judy Ann Santos, na nagsimula sa soap opera na Mara Clara.

Napag-alaman din namin mula kay Gladys na sa Lubao, Pampanga—sa mismong compound ng mga magulang ni Shery—nakatira si Wowie at ang yumao nitong asawa.

Ayon pa kay Gladys, dalawang beses ikinasal sina Wowie at Sheryl—sa huwes at sa simbahan.

Kuwento pa ni Gladys, “Yung wedding nila, ipinalabas pa namin sa show ko na Moments sa Net 25.”

Nalaman daw niya ang nangyari sa misis ni Wowie sa dating UMD dancer mismo.

Aniya, “Nag-message siya sa amin noong nangyari, na wala na nga raw si Sheryl.

“Nangyari yun, 11 p.m. ng April 26 Kinabukasan [April 27], nagpunta kami, dinalaw namin yung wake niya.

“Nakakaawa, kasi ang baby pa ng anak nila, one month pa lang simula nang manganak si Sherryl.

“Baby girl yung anak nila na ang cute-cute, kamukha ni Wowie.

“Noong makita kami ni Wowie, umiyak.”

Tinanong namin si Gladys kung ano ang ikinamatay ng asawa ni Wowie, ngunit hindi pa raw direktang matukoy dahil biglaan ang nangyari.

“Parang nabinat siguro pagkatapos manganak, kasi one month pa lang.

“Noon kasing buntis siya, nagkaroon siya ng gestational diabetes at tumaas din ang blood pressure.

“Yung gestational, nawala naman pagkapanganak.

“Sumakit lang daw ang katawan, then, yun na.

“Pero nadala pa ni Wowie sa hospital, pero wala na rin daw,” lahad ni Gladys.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



WOWIE’S MESSAGE. Sa pamamagitan naman ng Facebook account ni Wowie, doon makikita ang mensahe ng pangungulila at pagmamahal niya sa namayapang asawa.

Ito ang post ni Wowie noong April 27:

“Para sa asawa ko..sa boss ko...sa honey ko sa kaagaw ko sa remote..at sa bestfriend ko...d ko alam Kung nananaginip lang ako coz gusto ko na magising or Kung isang eksena lang to sa isang taping ko dahil gusto ko na tapusin para makauwi na ako sayo....panginoon ano po ba kasalanan ko na ginawa at nangyayari to sa akin...Kung meron man po parusahan nyo po ako kahit na ano ibalik nyo lng po asawa ko parang awa nyo po....sherryl sherryl bumalik ka na dto nahihintay ma Kame ng anak mo...pls lang she pipikit ko ma mga mata ko sana pag gising ko nandito ka na hon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN