Raymart Santiago camp: No truth to Claudine Barretto’s physical abuse allegation

Raymart Santiago’s legal counsel, Atty. Ruth Castelo, reacts to the result of the preliminary investigation in Claudine Barretto’s physical abuse complaint against her client: “...we are resolved in having this accusation dismissed for being just one of the countless untruths told about Mr. Santiago.”


Nanindigan ang kampo ni Raymart Santiago na walang katotohanan ang alegasyong ginawan niya ng karahasan si Claudine Barretto noong nagsasama pa sila bilang mag-asawa.

Kaugnay ito ng desisyon ng Marikina Prosecutor’s Office na mayroong “probable cause” upang maharap si Raymart sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.

Read: Marikina Prosecutor’s Office finds probable cause to charge Raymart Santiago for physical abuse

Ayon sa legal counsel ni Raymart na si Atty. Ruth Castelo, kapansin-pansing hindi nakasaad sa resolusyon ang dalawang partikular na insidente kung saan nakaranas ng pisikal na pang-aabuso si Claudine mula sa aktor.

“Among the many incidents of alleged abuses filed by Ms. Barretto against Mr Santiago, the Marikina Prosecutor’s Office found probable cause to indict the latter on two counts of physical abuse.

“The resolution, however, failed to state which particular incidents constituted the same.

“Curiously, this resolution contains findings of fact in favor of Mr. Santiago until the last paragraph that says he is being charged for phyical abuse on two (2) counts,” panimulang saad ni Atty. Castelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpadala si Atty. Castelo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng opisyal na pahayag tungkol sa kasong kinahaharap ni Raymart sa pamamagitan ng e-mail ngayong gabi, April 29.

Umalma rin ang abugada sa pagbasura ng prosekusyon sa mga inihaing ebidensiya ni Raymart, na magpapatunay na hindi totoo ang mga akusasyong ibinabato sa aktor ng kanyang estranged wife.

Bunsod nito, nakatakdang maghain ng motion for reconsideration ang kampo ni Raymart hinggil sa kaso.

“It is rather unfortunate that the Marikina City Prosecutor’s Office totally disregarded the direct and positive testimony of several eyewitnesses close to complainant herself and gave more credence to unidentified documents [obtained one year after the alleged incident] and self-portraits submitted by Ms. Barretto.

“Nevertheless, we are resolved in having this accusation dismissed for being just one of the countless untruths told about Mr. Santiago.”

Sa huli, inihayag ni Atty. Castelo na inirekomenda ng prosekusyon na maaaring makapagpiyansa si Raymart sa halagang P2,000 para sa bawat bilang ng kasong pang-aabuso na isinampa ni Claudine laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kabuuang halaga ng piyansa na babayaran ng aktor ay P4,000.

Matatandaang nagsampa si Claudine ng kasong paglabag sa VAWC Act laban kay Raymart noong August 29, 2013.

Ito ay sa kadahilanang nakaranas diumano ang aktres ng “physical abuse,” “psychological abuse,” at “sexual abuse” mula kay Raymart mula 2005 hanggang 2013.

Read: Claudine Barretto files violation of R.A. 9262 against husband Raymart Santiago

Ngunit sa panayam ng PEP kay Raymart noong August 30, 2013, mariing itinanggi ng aktor na ginawan niya ng karahasan si Claudine.

Sabi ni Raymart: “Puwede naman niya ibigay ang mga litrato o ebidensiya kung meron man siya.

“Ang tanong: Totoo ba ‘to at mapapatunayan ba niya?”

Read: Raymart Santiago on Claudine Barretto’s evidence against him: "Ang tanong totoo ba ’to at mapapatunayan ba niya?"


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN