Mark Bautista eyeing to woo a model he saw on TV: “Napaka-private niyang tao so hindi puwedeng biglain.”

Mark Bautista is confident of Rachelle Ann Go’s success in London. Quoting Lea Salonga, the original Miss Saigon, he said, ’Wala nang kailangang ihabilin kay Rachelle.’ To which he added, “I’m sure marami na rin siyang natutunan sa tagal ng rehearsal niya."


Nakakausap at nakakabalitaan daw ni Mark Bautista si Rachelle Ann Go na naghahanda na sa pagbubukas ng bagong production ng Miss Saigon sa London pagpasok ng Mayo.

“Sa phone, meron kaming group chat. So do’n kami nag-uusap at nangungumusta siya lagi.

“And siyempre sa Instagram niya, pinu-post niya yung mga pictures niya with other artists also.

“Excited kami para sa kanya,” pahayag ni Mark nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, April 27.

Gaganap si Rachelle bilang si Gigi na ginampanan dati ni Isay Alvarez sa Miss Saigon na pinagbidahan ni Lea Salonga sa orihinal na produksiyon nito.

Ayon kay Mark, kabado raw ang kaibigan sa Miss Saigon dahil sa costume na napaka-sexy raw.

“Iyon ang gusto naming mapanood din, kung ano ba talaga.

"Itotodo na ba niya talaga sa London?

“Aabangan natin ‘yan, sana mapanood ng lahat.”

May tour si Mark kasama si Sarah Geronimo sa London ngayong taon.

Aniya, "By September or November, nando’n kami.

“Sana mapanood namin siya.”

Hindi kaya ma-concious si Rachelle kapag nando’n silang mga kaibigan at pinapanood siya na suot ang sexy o revealing costume ng character ni Gigi?

“Siyempre, isu-surprise namin siya.

“Pero hindi naman ‘yon maku-concious kapag nando’n na siya sa stage.

"Nakakahiya naman sa mga foreign artists din.

“Naka-focus na’yon, iba yung feeling niya kapag nasa stage na siya.”

LUCKY CHARM. Alam daw ni Mark na hindi nawawala kahit kaninong artist yung kaba sa bawat performance lalo na kapag isang malaking production, gaya nga ng Miss Saigon.

“Ako, naglalagay ng maraming coins sa dalawang paa sa mga ganyang major events.

“Para medyo malamig at para ma-divert yung kaba mo.

“Yung atensiyon mo, hindi na do’n sa kaba, do’n na sa coins.

“Makakalimutan mong kinakabahan ka pala, gano’n yung effect no’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa ngayon, bukod sa Sunday All Stars ay mas nagku-concentrate daw si Mark sa music.

Nagku-concert tour nga sila ni Sarah at kagagaling lang nila ng Abu Dhabi.

Masaya raw ang pagpunta nila roon pero kinabahan din daw sila sa pagkalat ng coronavirus sa mga bansa sa Middle East.

Kuwento ni Mark, “So pag-land namin, iyon ang una naming itinanong. Pero hindi naman daw gano’n kalala doon [sa Abu Dhabi].

“Exaggerated lang daw yung mga nakakarating dito sa Pilipinas na news."


Sa ngayon raw ay gumagawa si Mark ng isang single at may plano sila nina Christian Bautista at Eric Santos na mag-concert sa mga probinsiya.

ACTING. Sa afternoon series na Yesterday’s Bride huling napanood si Mark sa TV. Nami-miss na rin daw niya ang acting.

Pahayag niya, “Hinihintay ko lang yung next na ibibigay aa akin ng GMA.

“Gusto kong mag-acting ulit kasi matagal na akong hindi na-practice. So gusto kong i-exercise ulit.

“Kung mag-start ulit ako sa acting, sana sa Magpakailanman.

"Para maibalik ko lang nang medyo ang acting ko, kung bibigyan ako ng chance.

"Nangalawang na yata ako sa acting!” sabay tawang biro pa niya.

STILL LOOKING. Ang kanyang lovelife, kumusta naman sa ngayon?

“Naghahanap pa rin, pero may ina-eye ako.

“Crush-crush pa lang naman.

“Sana magtagumpay ako!” nangingiting sambit ni Mark.

“Model siya. Pinapangarap ko lang… sa ngayon!” sabay ngiti ulit niya.

Ayaw niyang banggitin ang pangalan ng nasabing model.

Aniya, “Basta… malalaman n’yo rin. Malalaman n’yo.”

Nililigawan na niya ito?

“Hindi pa naman.

“Pero gusto ko ngang mag-start ng panibagong lovelife. Naks!” tawa na naman niya.

“Actually una ko siyang napanood sa TV. At hinanap ko talaga siya sa mga social network sites.

“Wala siya sa Twitter. Sa Instagram pala siya nando’n.

“Naka-private pa, so medyo private na tao.

“Nagbakasakali lang ako na baka i-accept. In-accept naman niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos ni-like-like ko lahat ng pictures niya, naging stalker ako!

“Ngayon lang. Iba ito, e. Iba.”

Nakapag-date na ba sila?

“Hindi pa. Ayoko namang biglain.

“Nagbibigay muna ako ng hint o motibo do’n sa social network.”

Gano’n ba siya dumiskarte sa babae? Mabagal o hinay-hinay lang?

“Hindi. Kasi… iba ito, e.

“Hindi kami nag-meet somewhere. Sa TV ko lang siya nakita. So… alam mo ‘yon?

“Napaka-private niyang tao so hindi puwedeng biglain.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN