Julie Anne San Jose when asked about Alden Richards: “Next question please.”

“Ayoko pong magsalita,” ang pahayag at pakiusap ni Julie Anne San Jose nang banggitin sa kanya kung may isyu sa kanila ng Kapuso actor na si Alden Richards.


Sa presscon proper ng latest endorsement ni Julie Anne San Jose na Careline cosmetics, naitanong sa kanya ang balitang pinag-iisipan diumano niya na lumipat ng ibang network.

Posible nga kaya siyang umalis sa Kapuso network?

“Wala, wala pa po talaga,” saad niya.

“Nagulat nga po ako na may ganoong lumabas na isyu pero so far, wala po.”

Dalawang taon pa rin daw ang alam ni Julie na kontrata niya sa Kapuso network.

May offer ba sa kanya ang ABS-CBN?

“So far, wala pa naman po. I don’t know, let’s just see sa mga susunod na taon pa. I’m open naman din po.

“Pero, siguro, if it’s God’s will na rin kung saan man akong network mapadpad or kung saan man akong path mapadpad, ‘di ba?”

DANIEL AND ANNE’S CONCERTS. Muling tinanong kay Julie Anne ang tungkol sa pagko-concert niya sa Smart-Araneta Colisuem at ang kagabing concert ni Daniel Padilla at ang susunod naman ay si Anne Curtis.

Ano ang reaksiyon niya sa concert ng dalawa?

“Wala naman po akong problema ro’n, I’m very happy for them.”

Kumpara sa dalawa, siya raw ang masasabing lehitimong singer talaga, pero, sina Anne at Daniel ay nakakayang punuin ang Araneta.

“Siguro po kasi, management decision na rin po. At saka sina Anne at Daniel, marami po silang fans, maraming sumusuporta sa kanila and I would like to believe na ganun din naman po sa akin.

“Yun nga lang, right timing ang kailangan.”

Sa ngayon, masaya naman daw siya sa takbo ng singing career niya sa pamamahala ng GMA.

Pagdating sa acting career, napag-alaman din ng PEP.ph (Philippine Entetainment Portal) kay Julie Anne na magkakaroon siya ng bagong soap opera sa third quarter ng taon.

JULIELMO FANS SUPPORT JANINE? Sa ngayon, may balita naman na nagkakailangan daw sila ni Janine Gutierrez, ang rumored girlfriend ni Elmo Magalona na dati naman niyang ka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi ito ni Julie Anne.

Aniya, “Wala po, wala naman pong ilangang nagaganap.

“At saka, kami naman po ni Janine, bihira lang din po kaming magkita sa Sunday All Stars, every Sunday. So kumbaga dati, parang ‘Hi’ and ‘Hello,’ pero, we’re okay.”

Kailan lang ay birthday ni Elmo. Pero, wala raw siyang naging birthday gift sa dating ka-loveteam.

Kung nagkataon at sila pa ang loveteam ngayon, may regalo kaya siya rito?

“Opo, malamang po sa malamang. Kasi, palagi kaming nagkikita.”

Maganda ang rating na nakukuha ng serye nina Elmo at Janine. Naikukumpara ito sa naging serye naman niya sa ibang leading man.

Naitanong tuloy kay Julie Anne kung mas sinuportahan daw ba ng Julielmo fans ang team-up nina Janine at Elmo?

Nakangiting sabi ni Julie Anne, “Hindi ko po masasabi ‘yan. But, I can say na nandiyan pa rin po ang ibang fans namin ni Elmo and I thank them. I thank them na nandiyan sila. At todo-support pa rin po ako kahit nasaan ako, kahit nasaan man siya.

“At least, nandoon pa rin po yung support.”

Tanggap din naman daw niya kung tila mas sinuportahan ang team-up nina Elmo at Janine.

Aniya, “Wala naman pong problema kasi. Lahat naman po ng tao, may kanya-kanyang taste, may kanya-kanyang gusto sa buhay. So, wala rin pong problema sa akin yun kung sila po ba ni Janine o ako.

“Basta ako po, trabaho lang pong talaga.”

Noon pa man, isa na sa masasabing “passionate” na fans ay ang fans nila ni Elmo, lalo na sa social network.

Nanggagaling din daw ang diumano’y ilangan sa pagitan nila ni Janine dahil sa mga pangba-bash dito ng mga fans?

“Well, in-terms of the bashing, wala po akong control dun. Yun na nga lang po, nagugulat na lang po ako, may nababasa po ako sa Twitter, sa social networking sites, ‘di ba? And kumbaga, I can’t do anything about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sila naman po yun at hindi naman po ako sila.

“And I think, kasi ako po, marami rin naman po akong mga bashers.”

Nami-miss pa ba niya ang loveteam nila ni Elmo?

“Yung sa loveteam po, namI-miss ko yung like mga performances. Okey sa akin ang mga performances. But for now, I’m happy. I’m happy with my career right now.”

ISSUE WITH ALDEN. Kung sinasagot naman ni Julie Anne ang lahat ng tanong sa kanya, nang ang kamustahin na namin sa kanya ay ang Kapuso actor na si Alden Richards, halata na hindi na ito kumportable sa pinag-uusapan.

Nakangiti man, sumagot si Julie Anne nang, “Next question please.”

Na-link dati sina Julie Anne at Alden at bigla na lang, pareho na silang tila ayaw mapag-usapan o mabanggit ang isa’t isa.

Hanggang ngayon, parang hindi pa rin sila okey?

“I don’t know, siguro may rason din po kung bakit. Pero, tapos na rin po ang isyu. Tapos na rin po ang mga pangyayari.”

Nagkaroon ba sila ng relasyon dati o nanligaw lang si Alden?

“Hindi ko po alam, ayoko pong magsalita,” nakangiti niyang sabi.

Pero, nanligaw?

“Ayoko pong magsalita,” sagot niya ulit sa pangungulit namin.

Pero naging close ba sa kanya si Alden?

“Lahat naman po ng nakakatrabaho ko, nagiging close ko. Nagiging attached sa akin.”

Pagdating kay Alden, kahit noon, halata sa kanya na may “apprehension” siya na pag-usapan ito.

Bakit nga ba?

“Wala po, wala lang, I just don’t want to comment on that muna,” saad niya.

Kapag nagkikita sila ni Alden, nagbabatian ba sila?

“We see each other, sa work, Sa SAS [Sunday All Stars] nagbabatian po, civil, casual.”

Diretso ng tinanong si Julie Anne kung hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move-on talaga kay Alden dahil hindi nga niya ito mapag-usapan?

“Hindi naman po, hindi naman po sa ganoon. I just find it useless din kung itatanong na rin kasi, tapos na nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May isyu rin kasi na na-offend siya nang diumano’y i-unfollow siya ni Alden?

“If that’s the case, siya na lang po ang tanungin n’yo. Kung may certain reason man po siya, ‘di ba? Basta po ako, I’d rather not comment on that.”

Dugtong din niya, “Basta ako, I became really good friends with him. Wala po akong masamang intention. Anything na masama na ang dating sa kanya ay ganoon.

“Basta ako, naging nice naman po ako at sa part ko, wala namang naging problema. But then again, I just didn’t know what happened.”

Kaibigan pa rin ba ang turing niya kay Alden?

“Yeah, yeah... colleague, co-worker.”

Kung pagtatambalin sila ni Alden ng GMA, papayag siya?

“Wala pong kaso sa akin yun, wala pong problema,” nakangiting sabi niya.

Sa tingin niya, papayag si Alden?


“Yun po ang hindi ko alam,” natawang sabi niya.

“Ako po, wala namang problema sa akin. Basta trabaho at professionalism po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN