Dion Ignacio lets go of crush on Max Collins because of work and Pancho Magno

Matagal nang crush ni Dion Ignacio si Max Collins. Pero nang makatrabaho niya raw ito, nag-let go na raw siya sa pagka-crush niya rito. Bukod pa sa dahilang ito ay meron daw kasing Pancho Magno na nanliligaw kay Max. “Opo, may ganun din. At saka, kaibigan ko si Pancho, kaya parang respeto lang.”


Masaya si Dion Ignacio dahil ang panghapong serye nila na Innamorata sa GMA-7 ay isa sa nakakapagtala ng mataas na rating kung kaya’t na-extend na sila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion sa taping nila sa Alpadi Estate sa Antipolo City, kamakailan.

Ayon kay Dion, “Yung istorya kasi, nakatsamba ng magandang story at character.”

Matadero ang karakter niya sa Innamorata.

Nakaka-identify ba siya sa karakter niya?

Nangiti ito at saka sinabing, “Siguro nakikita ko sa mga palengke, ina-apply ko kapag may mga eksenang ganun. Ino-observe-observe. Palagi akong naka-puti rito. Hindi na nagbago. Siguro purity.”

Masaya rin naman daw si Dion kung career niya ang pag-uusapan.

Pero, kung tatanungin siya, ano ba ang mas gusto niya, sumikat o tumagal?

“Tumagal po,” ang mabilis niyang sagot.

“At saka, gusto kong gumaling po. Kahit hindi po sumikat, basta may trabaho lang po palagi.”

Yun nga lang, maganda nga ba na sa isang artista, naka-focus na lang doon sa hindi nababakante at may trabaho palagi kesa yung maghangad pa na sumikat o maging bida sa bawat proyektong ginagawa?

“Kung mabigyan naman po ng pagkakataon, bakit naman po hindi?” sabi niya.

NO ENVY OR JEALOUSY. Simula nang makasama siya sa StarStruck batch 1, napakarami nang dumating na ibang artista sa GMA-7.

Nagbibida na sina Aljur Abrenica, Rocco Nacino, at Alden Richards. Wala ba sa kanya yung selos o inggit?

“Wala naman, e. Wala po,” saad niya.

“Siguro kung merong inggit, magandang inggit. Yung pagsisikapan mo.

“Nainggit ako, gusto kong magkaroon kung meron silang ganun. Ang gagawin ko, pagsisikapan ko, gagalingan ko sa bawat character na meron ako na napunta sa akin.”

Wala sa kanya yung, ‘Bakit nauna pa sila kesa sa akin?’

“Wala naman po, pangit kapag may ganoong ugali. Ewan, pero, hindi ko po trip yung ganoong ugali.

“At saka, hindi naman po ako nagrereklamo kung anuman ang ibigay. Maliit po o malaki, kasi, yung character naman, nakaka-enjoy na i-portray.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malaki na rin daw ang pasasalamat ni Dion dahil sa mga nanggaling sa StarStruck batch 1, kasama pa rin siya sa masasabing aktibo pa rin hanggang ngayon.

“Thankful ako kasi hanggang ngayon, may tiwala sa akin ang GMA. Wala rin naman akong manager. Artist Center [ang nagma-manage sa akin], pero, wala ako noong magtatanggol sa akin.”

STILL ENJOYING SINGLE LIFE. Marami sa original batch ng StarStruck, may mga anak na.

Sagot naman agad ni Dion, “Ako, parang hindi pa, parang nag-e-enjoy pa ‘ko. Parang ngayon pa lang ako na yung gusto ko, kahit paano nakukuha ko.”

Nang malaman daw niyang ang ka-batch niya na si Mark Herras ay tatay na rin, nagulat daw siya.

“Siyempre nagulat po ako, bakit ganun? Pero, siyempre, suporta kasi, kaibigan mo, e.”

CRUSH ON MAX. Ilan na rin naman ang nagawa niya nang naging leading man siya, kay Bela Padilla noon sa Magdalena at ngayon naman sa Innamorata, triangle sila nina Max Collins at Luis Allandy.

Pero, kapag napapanood niya ang Kapuso female stars, may nasasabi ba siya sa sarili niya na gusto niyang makapareha sana?

“Dati palagi kong bukambibig si Max, e. Ngayong nangyari na, kapag tinatanong ako, si Max ang sinasagot ko.”

Hindi naman itinanggi ni Dion na noon pa man, may “crush” na nga raw siya sa bida ng serye nila.

Pag-amin niya, “Dati pa, nagka-crush ako sa kanya.”

Nang makasama at makapareha niya si Max, mas humanga ba siya rito?

“Hindi, parang ni-let go ko na lang pagka-crush ko, then, work. Pero nandoon pa rin kaya ginagamit ko na lang sa acting ko.

“Kunwari, kapag kaeksena ko siya, nagagandahan ako sa kanya. Tinitingnan ko sa parte na—like ano maganda sa kanya, yung mata. Ginagamit ko yun, mai-in love ako.”

Nawala na ba ang pagka-crush niya kay Max dahil sa balitang may Pancho Magno na umaaligid dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Opo, may ganun din,” natawang sabi niya.

“At saka, kaibigan ko si Pancho, kaya parang respeto lang.”

Bukod kay Max, gusto rin daw niyang makaparehang muli si Bela dahil nakakahugot daw siya rito ng emosyon kapag magkaeksena sila.

DION’S STEPFATHER. Muli naman naming kinumusta kay Dion ang tatay niya na may sakit at pinapa-dialysis niya.

Sabi naman ni Dion, “Okey na po, maintain na lang sa gamot. Pero, hindi masyadong nagda-dialysis. Ewan ko kung bakit nahihiya? Pero, gamot na lang daw po.”

Ang tinutukoy na tatay ni Dion ay ang stepfather niya. Ang tunay niyang ama ay hindi raw niya alam kung nasaan.

“Yung stepfather ko po, siya po talaga ang nakagisnan ko na. Siya rin po yung Ignacio.”

Pacheco raw ang apelyido niya sa biological father niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN