Elmo Magalona has mixed feelings on letting rumored girlfriend Janine Gutierrez wear swimsuit or do kissing scene with other male stars

“’Ayun, ako okey lang sa akin yun, kasi… hindi ko alam pala. Like, siguro ano, alam mo yung... Okey, kailangan mo itong gawin pero kung may choice, sana hindi na lang. Parang ganun. Pero eksena lang naman yun, so okey lang sa akin,” ang may kaguluhang pahayag ni Elmo Magalona nang tanungin kung payag ba siyang mag-two-piece swimsuit at makipag-kissing scene sa ibang leading man ang rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez.


Dahil twenty na si Elmo Magalona, handa na ba siyang magpaka-daring bilang isang artista?

Elmo turned twenty last Sunday, April 27.

Papayag na ba siyang rumampa nang hubad sa Cosmo Bash tulad ni Alden Richards na dati niyang kasamahan sa Tween Hearts?

“Kuya ko naman si Alden, e. Mas matanda naman siya sa akin, pero…”

Tutal naman ay nagwo-workout siya.

“Before yun, pero nag-stop ako sa pagwo-workout, naging busy po kasi.

“Sa near future, babablik ako. Pero right now... gusto ko pa tumangkad, actually. So ayokong magbuhat.”

May narinig kasi siya na kapag sobrang magbuhat ang isang kaedad niya ay hindi na tumatangkad.

“Gusto ko pang tumangkad talaga, e. Puwede pa daw, sabi sa akin puwede pa.”

Five-foot-nine-inches ang height ni Elmo.

Kaya hindi muna raw siya rarampa sa Cosmo Bash this year.

Kahit daw ang paghuhubad sa isang beach scene kung sakaling magkakaroon sa Villa Quintana—ang seryeng kinabibilangan niya—ay hindi pa siya handa.

“Masayang mag-taping [sa beach], pero baka hindi muna [ako maghuhubad]. Hindi ako ready ngayon, e,” sabi pa ni Elmo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday presscon niya sa 17th floor ng GMA Network Center nitong Martes, April 29.

HOW ABOUT JANINE IN TWO-PIECE? Si Janine Gutierrez, kung sakaling may eksenang magsusuot ng two-piece bathing suit, papayagan ba ni Elmo?

“Siya kaya niya ngayon, ako hindi ako ready, e,” at natawa si Elmo.

Pero papayagan niya si Janine?

“Ahhh... hindi ko alam, baka hindi.”

Pero dati sa isang interview namin kay Elmo, sinabi niyang papayagan niya—at ie-encourage pa—si Janine kung sasali ito sa Binibining Pilipinas at magsususuot ito ng swimsuit.

Bakit ngayon ay iba na ang sagot niya?

“Hindi ko alam,” at muling natawa ang young actor.

“Ewan ko, kasi iba yung ‘pag sa taping.”

Bakit tila mahigpit na siya ngayon kay Janine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi. Wala lang,” ang tila hindi siguradong sagot ni Elmo.

May mga pagbabawal na ba siya kay Janine na napapabalitang girlfriend niya although wala pa silang diretsahang pag-amin kung may relasyon na nga sila.

“Hindi. I think lang siguro, baka ano, baka kasi hindi... feeling ko hindi rin naman niya gusto ngayon. Hindi rin niya gusto ngayon.”

Halimbawang okey lang kay Janine, papayagan ba ito ni Elmo na magsuot ng two-piece swimsuit sa Villa Quintana o sa isang project?

“Okey lang, okey lang.”

Kanina lang ay sinabi niyang hindi siya papayag.

“Hindi. Okey lang,” at tumawa muli si Elmo.

“Okay lang sa akin because depende rin naman sa eksena kung ano yung mas maganda sa eksena. Lagi namang iyon yung sagot, e.”

Kung may kissing scene si Janine sa ibang male star?

“’Ayun, ako okey lang sa akin yun, kasi… hindi ko alam pala.

“Like siguro ano, alam mo yung... Okey, kailangan mo itong gawin pero kung may choice, sana hindi na lang,” ang natatawa pa ring sinabi ni Elmo.

“Parang ganun. Pero eksena lang naman yun, so okey lang sa akin.”

Parang may pormalidad na ang relasyon nila, dahil dati ay okey lang kay Elmo ang mga ganoong bagay.

Pero ngayon ay hindi na siya basta-basta papayag.

Alam ba ni Janine na ayaw niya?

“Hindi. Wala naman akong sinabi sa kanya na ayaw ko. Kung ano lang yung parang okey ring tingnan sa iba.”

SERIOUS AND FOCUSED. At ngayong twenty years old na siya, sino na si Elmo Magalona?

“Siguro yung pag-iisip ko lang, na mas seryoso po ako ngayon sa work ko, and mas dedicated lang po talaga ako.

And I’m super-serious with this, and wala lang... Gusto ko lang sana one of my birthday wishes din na tuluy-tuloy din po yung success [ko] and support ng mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Next year na raw siya magpa-party kapag twenty-one years old na siya.

“Siguro next year puwede. Kasi hindi ko rin naman napagplanuhan na mabuti.

“Iniisip ko, e. Na parang puwede rin, parang okey din naman na mag-party. Kasi ang dami ko ring gustong pasalamatan na mga tao, na gusto ko silang i-invite sa party ko.

“Pero hindi lang ako nagkaroon ng time this year. Hopefully, next year magawa ko yun para nga ma-invite ko all of my friends, the people who’ve been there for me since day one.”

Ano ang mga natutunan niya kay Janine para maging seryoso siya at maging focused sa trabaho?

“Lagi niyang nakikita yung positivity sa mga bagay. And wala lang, nakakagaan sa loob how Janine is as a person. Masaya lang siyang kasama.”

BASHERS VS. JANINE. Tinanong naman namin si Elmo kung ano ang masasabi niya na sa kabila ng tagumpay ng Villa Quintana at ng loveteam nila ni Janine ay may bashers pa rin si Janine na diumano ay mga fans ni Julie Anne San Jose na dating ka-loveteam ni Elmo?

Aware naman daw si Elmo tungkol dito.

“Yeah, I see it but…

“Well parang ako rin naman kapag magsasalita ako, parang ayoko ring mag-take ng sides, because siyempre, supporters ko rin po yun.

“But then ako ayoko lang ng... kunyari may mga nag-aaway-away, parang siyempre nakakalungkot nga when you see that, na hindi nakikita yung maganda sa mga bagay, unlike other people na maganda yung nakikita sa mga ganito.

“Pero ‘ayun, nakakalungkot kapag may ganyan…”

Hindi niya kinakausap ang fans na namba-bash?

“Yung mga alam ko lang. Wala, sinasabi ko na, not directly, ha, but then yung as a general lang na ayoko ng may away.

“Kasi siyempre parang gusto ko masaya lang tayong lahat because we’re all naman like a team here and ayoko nung may mga kaaway.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya kino-comfort si Janine?

“Si Janine naman she’s like, she’s really strong naman and alam niya yung dapat niyang gawin sa situation na ‘yan.”

Wala raw regalo sa kanya si Julie Anne.

“Hindi pa naman kami [nagkikita], siyempre sobrang busy rin si Julie ngayon.”

Binati naman daw siya ni Julie Anne sa Sunday All Stars noong mismong kaarawan ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN