Robi Domingo says "pikunan issue" with Rayver Cruz was all about miscommunication

Robi Domingo on "pikunan issue" between him and Rayver Cruz: “It wasn’t expected, pero after the whole show, wala na. Nag-sorry ako, nag-sorry siya. Sabi ko, it’s something na ’di na dapat inuungkat.”


May balitang nagkapikunan daw ang Star Magic artists na sina Robi Domingo at Rayver Cruz.

Naganap daw ang insidente sa isang episode ng musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP ilang linggo na ang nakalilipas.

Nagsimula ito dahil sa pagbibiro raw ni Robi kay Rayver on-air na "tutok na tutok" ito kay Sarah Geronimo, habang kinakanta ng Pop Princess ang “Let It Go” sa production number nito.

Sa pagkapikon nga raw ni Rayver ay sinabihan nito si Robi: “Gusto mo tutukan ko yung mukha mo mamaya?”

Kahit nakangiti at tila nagbibiro lang si Rayver matapos niyang sagutin si Robi, naramdaman pa rin ng mga nakapanood ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.

Matatandaang nagkaroon ng relasyon sina Rayver at Sarah, subalit hindi ito tuluyang umusbong at nauwi sa paghihiwalay noong 2010.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Robi, ikinuwento ng young TV host ang nangyari.

“Last Sunday, on ASAP kasi, you know me and my antics.

"Minsan talaga, I come out really wacky and wild, to the point na hindi nila maintindihan.

“Ako naman, I would rather be risky with my job than be safe all the time.

"Kasi kung safe ka, wala... you’re part of the ordinary pool. When you risk it all, wala lang."

Tiniyak naman ni Robi na naayos na kung anuman ang naging problema sa pagitan nila ni Rayver.

Sabi niya, “It wasn’t expected, pero after the whole show, wala na.

"Nag-sorry ako, nag-sorry siya.

"Sabi ko, it’s something na ’di na dapat inuungkat," pagtukoy niya sa nakaraan nina Rayver at Sarah.

“I’m not the right person para itanong that questions about that relationship, kasi ’di ko naman talaga alam.

“For all the Sarah fans out there, for all the Rayver fans out there na napikon sa akin, I’m really, really sorry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m only doing my job. Sinabihan lang ako ng mga director, writers, ’Dude, just play around with the whole relationship thing.’

"Kasi that’s my job, e, trabaho ko yun. Kumbaga, walang personalan."



MISCOMMUNICATION. Ayon pa kay Robi ay mabait na tao si Rayver at miscommunication lang ang nangyari sa kanila.

“Hindi... hindi naman kasi si Rayver yung nagagalit.

"Napipikon siya, pero to the point na nang-aasar lang, ’sapakin kita.’

"Pero mabait si Rayver, sobra.

“Miscommunication na lahat naman nagagawan ng paraan.

"No big issues right here, move on, and forget it," sabi pa niya.

Hindi raw inaasahan ni Robi na lalaki ng ganito ang balita, pero tanggap niyang bahagi ng buhay nilang mga artista ang ganitong mga intriga.

Sabi pa niya, “Tawa kami nang tawa kasi the issue got really big to the point na na-Bulgar kami, na-tabloid and all.

“Yun ba talaga dapat patulan?

"I mean, I’m really happy na nandun kami. Kasi, once you make it there, you’re there."

ADMIRATION FOR KRIS. Samantala, sa interview ni Boy Abunda kay Robi kamakailan, nabanggit ng TV host na may paghanga siya para kay Kris Aquino.

Hindi kaya nila ito pag-awayan ng girlfriend niyang si Gretchen Ho?

Sagot naman ni Robi, “It’s both a petty joke and attraction, kasi who will not fall in love with Kris Aquino’s personality?

“She’s really witty, she’s really up there, and she’s the truth.

"When Kris Aquino tells something, yun siya. Para sa kanya, yun ang totoo.

"Yun ang gusto ko sa isang babae.

“It’s also a petty joke kasi kung ako nagsalita ng ibang pangalan dun, I will get a big mark here on my face from Gretchen Ho.

“Siguro, okay lang may banter siya at the same time, admiration. She’s Kris Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At the same time, parang ayaw mo lang masampal ng girlfriend mo.

"Kasi siyempre, ’pag sinabi kong Kim Chiu or ibang pangalan, lagot ako kay Gretchen!

“’Pag sinabi kong Kris Aquino... kasi malayo sa generation namin.”

THANKFUL. Nagsimula na ang Pinoy Big Brother All In, kung saan isa sa mga host si Robi.

Bukod dito, isa rin siya sa mga host ng The Voice Kids.

Dahil dito, labis-labis ang pasasalamat ni Robi sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN.

“I’m really happy and blessed.

"Sobra, sobra! Nagpapasalamat ako, sobrang pasasalamat ko sa management, sa Star Magic for tapping me with my hosting career.

“It’s something that I want and something that’s what needed right now.

"Timing lang, kung ano ang gusto kong mangyari, nangyayari sa buhay ko right now—serendipity."

Dagdag niya, “Very excited ako sa PBB kasi ibang team ito, doing another season na first time gagawin sa buong mundo, na maghahalo lahat ng teens, mga regular, celebrities.

"It will gonna be a big riot sa Bahay ni Kuya.

“Lahat na... ang daming materyal, ang daming challenges, ang daming mga games, ang daming usapan na mangyayari... interesting.

"Then, mag-i-start na rin yung The Voice Kids."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN