Rayver Cruz clears "pikunan issue" with Robi Domingo: “Hiritan lang namin yun.”

Rayver Cruz on "pikunan issue" between him and Robi Domingo: “Hindi, hiritan lang namin yun. Ganun naman talaga ako humirit sa kanya, pero siguro mali din ang pagkahirit ko, mami-misinterpret talaga siya ng mga tao. Pero ganun naman talaga kami.”


Hindi lang pala sa tabloids kumalat ang balitang pikunan sa pagitan nina Rayver Cruz at Robi Domingo, kundi maging sa social media rin.

Kung pagbabasehan daw ang naging reaksiyon ni Rayver sa pagbibirong ginawa ni Robi—na tutok na tutok daw si Rayver habang kinakanta ng ex-girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang “Let It Go” sa ASAP—halata raw na napikon ito.

Sa pagkapikon nga raw ni Rayver ay sumagot ito kay Robi ng: “Gusto mo tutukan ko yung mukha mo mamaya?”

Kahit ngumiti at tila nagbibiro lang si Rayver, naramdaman pa rin ng mga nakapanood ang tensiyon sa pagitan ng dalawa.

NO ISSUE. Agad namang binigyang-linaw ni Rayver na walang pikunang naganap sa kanila ni Robi.

Paliwanag ni Rayver sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi, hiritan lang namin yun.

“Ganun naman talaga ako humirit sa kanya.

"Pero siguro mali din ang pagkahirit ko, mami-misinterpret talaga siya ng mga tao.

"Pero ganun naman talaga kami.

“For a while lang, nakalimutan ko na nasa kamera pala kami. Ganun lang yun.”

Ayon pa kay Rayver, napalaki lang ito ng ibang tao, lalo na ng media, pero wala talaga silang problema ni Robi.

"Maayos naman, pinapalaki lang. Magkaibigan kami ni Robi.

“Ako naman, ang dami kong nakita sa Twitter na napikon daw ako, pero hinahayaan ko na lang, kasi ’di naman totoo.”

TAKING A BREAK. Sa ngayon ay medyo maluwag ang schedule ni Rayver dahil pahinga muna siya sa paggawa ng pelikula at teleserye.

Sabi niya, “ASAP lang, pero kababalik pa lang namin galing sa States.

“Okay naman ang mga shows namin, masaya naman.

"Every year naman, nakakapunta kami dun para magpasaya ng mga Kapamilya natin dun.

"Very warm naman ang pagtanggap sa amin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN