KC Concepcion on relationship with Paulo Avelino: "He’s not my boyfriend yet."

Ipinaliwanag ni KC Concepcion kung bakit hanggang ngayon ay ayaw pa niyang makipagrelasyon. "I don’t wanna be hurt, kakapagod. I’m taking it slow. Talagang very slow."


"Paulo Avelino is not my boyfriend yet." Ito ang pahayag ni KC Concepcion tungkol sa nali-link sa kanyang aktor na si Paulo Avelino.

Sa panayam ng The FilAm, isang magazine para sa mga Filipino-American sa New York, at isinulat ni Elton Lugay, kinlaro ng aktres na hindi pa siya handa sa pakikipagrelasyon. Ang ulat ay pinost noong May 3, 2014 sa website na thefilam.net.

"I’m not committing to anyone right now. I have no commitments to anyone."

Pagpapatuloy pa niya: "It’s not my priority right now. But it will be soon enough.

"Honest naman ako, e, alam ng mga taong involved kung ano yung state of mind ko ngayon or kung ano yung mga limitations ko."

Sinabi rin ng anak ni Megastar Sharon Cuneta ang dahilan ng pagkakaroon niya ng agam-agam pagdating sa pag-ibig.

"I don’t wanna be hurt, kakapagod.

"I’m taking it slow. Talagang very slow. I’m very careful with my heart right now.

"I’m being good to myself, welcoming enough but also putting limits kasi masyado akong nagbigay dati, so [dapat] mag-iwan para sa sarili."

Noong Abril, nag-post si KC sa kanyang Instagram account (@xtina_ontherocks) ng larawan na magkasama sila ni Paulo, na lumipad pa sa US para puntahan ang dalaga.

Lalong umugong ang mga bali-balitang may namamagitan nga sa dalawa.

Gayunpaman, sumunod ang isa pang matalinghagang post ni KC mula sa kantang "Somewhere Down The Road" ni Barry Manilow.

Read: Paulo Avelino visits KC Concepcion in New York

May mga naintriga sa kahulugan ng status na iyon, at inisip ng iba kung ang ibig bang sabihin niyon ay ang pagkaudlot ng nag-uumpisang relasyon.

Nasa New York si KC ngayon para mag-aral at paghusayin pa ang kanyang pag-arte.

Sa nasabing ulat sa The FilAm ay tinanong si KC tungkol kay Piolo Pascual, ang dati niyang boyfriend, subalit tumanggi siyang pag-usapan ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



DENIES PREGNANCY. Ayon pa rin sa nasabing ulat, kaya raw nasa US si KC ay upang itago ang kanyang pagbubuntis, pero mariin itong itinanggi ng dalaga.

Aniya, nasa Amerika siya para magbakasyon dahil sa nakakapagod niyang schedule sa Pilipinas.

"After doing Boy Golden, I had pneumonia," lahad ni KC. "The doctors here said run-down yung katawan ko."

Pagpapatuloy pa niya, "I just realized my body was screaming for a bit of rest...

"I’ve always been the type to need rest ’cause it’s so difficult to do that in the Philippines. It’s a different world out there and everyone knows your whereabouts.

Lahad pa niya: "Here, I can read three books in one week. In the Philippines, wala akong time magbasa ng libro kasi, di ba, parang itutulog mo na lang."

Idinagdag pa ni KC sa nasabing ulat na paminsan-minsan ay babalik pa rin siya sa Pilipinas habang nag-aaral dahil may mga commitments pa siya.

"I will be flying back and forth for work, [I’ve] been doing a lot of shoots for my endorsements and guestings because I still have many contracts that I need to fulfill."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN