Eula Caballero-Dan Marsh loveteam: They’re comfortable with each other

Eula Caballero (left) finds Dan Marsh (right) attractive; Dan thinks Eula is girlfriend material. The couple, both from Cebu, make up TV5’s newest loveteam.


Kasabay ng paglu-launch ng TV5 sa bagong sitcom na One Of The Boys ay inilunsad din ang bagong tambalan nina Eula Caballero at Dan Marsh ng BritPinoy group na Juan Direction.

Nagsimula nang umere ang nasabing sitcom nitong Sabado ng gabi, May 3, 2014.

Hiwalay na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Eula at Dan sa presscon ng One Of The Boys noong Abril 29 sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

EULA SAYS. Ayon kay Eula, wala raw problema sa kanya kung sakaling i-push ng TV5 ang loveteam nila ni Dan. Inamin ng dalawa na madali silang nagkasundo dahil pareho naman silang taga-Cebu.

Aniya, “No problem. Kasi of all the guys [sa Juan Direction], siya talaga yung... easy to penetrate. Actually, nakita n’yo naman kung paano siya sumagot, he is very honest.

"He opens himself to everyone... Hindi ka mahihirapan kung paano ko ba kakausapin ito, ano bang pag-uusapan namin, paano ba ako makaka-establish ng rapport.

"Wala ka ng problema sa kanya, kasi siya mismo gumagawa naman siya ng effort na maging kumportable kayo sa isa’t isa.”

Kumportable na raw sila sa isa’t isa pero wala pa namang ligawan at date na nangyayari kahit na aminado si Eula na magandang lalaki si Dan.

“Date po? Hindi po, wala namang ganun. We are comfortable as co-stars, co-actors in the show, pero we’re not going out," ang sabi ni Eula.

"I consider him my friend, my barkada. Yes, he is attractive. But right now, friends muna kami.”

DAN SAYS. Natanong naman ng PEP si Dan kung ano ang mga magagandang katangian ni Eula.

Sagot ni Dan, “We get along well because we’re both from Cebu. She’s funny, I like talking to her. She’s ganda also.”

Girlfriend material ba si Eula para sa kanya? Ngayong single siya, posible kayang magustuhan niya at ligawan si Eula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yeah, she’s girlfriend material. Definitely I want to hang out with her more and see what happens. I like hanging out with her all the time and we get along together, so let’s see what happens.”

Sinegundahan din ni Dan ang sinabi ni Eula na kumportable na sila sa isa’t isa.

“Oh yeah, very comfortable. I really like her a lot. She’s really guwapa. I just want to take it easy with her, I don’t want to force her. I’m just taking things slowly and let’s see what happens.”

Nagpapasalamat nga raw si Dan kay Eula sa pagiging matiyaga nito sa Juan Direction lalo na sa kanya. Ang young actress kasi ang nagtuturo ng Tagalog sa kanila sa set. Si Eula rin ang takbuhan nila kapag hindi nila maintindihan ang mga linya nila sa script.

“Eula is very helpful and very patient. Kahit sobra makulit kaming mga boys, she’s always there to help us with our lines, with our Tagalog, and with our acting. She’s really a very good actress. Magaling na, maganda pa, ’di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN