Kristoffer Martin not ready to accept daring roles: “Pakiramdam ko kasi physically, wala pa akong puwedeng mai-offer!”

Kristoffer Martin is ready for offbeat roles, but he’s not taking off his clothes. “Bigyan pa siguro nila ako ng two more years para maging handa ako physically. Ngayon kasi, wala, e. Kulang pa sa laman!”


Nanghihinayang ang Kapuso leading man na si Kristoffer Martin dahil hindi siya nakapunta sa ginanap na open audition for various roles para sa mga official entries ng Cinemalaya Independent Film Festival 2014.

Gusto ulit nitong makagawa ng isang magandang indie film tulad nang ginawa niya noon na Oros (The Coin Bearer) sa Cinemalaya noong 2012.

Nanalo ng award si Kristoffer sa kanyang role sa Oros kabilang na ang Honourable Mention Award for Best Supporting Actor mula sa 16th Annual Long Island International Film Expo in New York.

Noong magkaroon raw ng open audition ay abala siya sa taping ng teleseryeng Paraiso Ko’y Ikaw.

“Noong mabalitaan ko po yung open audition, nanghinayang ako kasi gusto ko talagang magkaroon ulit ng indie movie sa Cinemalaya.

“Pero that time yata sunud-sunod ang taping po namin for Paraiso Ko’y Ikaw kaya imposible rin akong makapunta.

“Sayang nga po kasi ang gaganda raw ng mga entries this year.

“Hopefully next year makagawa ulit ako,” pahayag pa ni Kristoffer nang makapanayam siya ng media kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa GMA Network Center.

IMPROVING HIS CRAFT. Maraming offbeat roles ang gustong gampanan ni Kristoffer para mag-improve siya bilang isang aktor.

Nasimulan na niya ito sa pagtanggap ng gay role sa isang episode ng Magpakailanman kunsaan umani siya ng maraming papuri.

“’Yon ang mga gusto kong roles. Hindi naman po kailangan gay roles parati—basta yung makaka-create ako ng sarili kong character. Yung pag-aaksayahan ko talaga ng panahon.

“Ilang acting workshops na ang nagawa ko at nakatrabaho ko na ang mga maghuhusay na directors sa TV at pelikula like sina Direk Gina Alajar and Direk Maryo J. delos Reyes.

“Feeling ko po ay ready na talaga ako for offbeat roles.”

Pero hindi naman daw ibig sabihin na porke’t offbeat ay puwede na na siyang magpaka-daring sa mga tatanggapin niyang roles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi sa ayaw ko magpaka-daring, pero diyan po ako hindi handa.

“Pakiramdam ko kasi physically, wala pa akong puwedeng mai-offer!” saad niya.

“Tinigil ko nga po ang pag-workout ko kasi mas gusto kong bumalik sa usual na exercise ko. Yung running, swimming. Ngayon pag-akyat ng bundok ang nakakahiligan ko.

“Bigyan pa siguro nila ako ng two more years para maging handa ako physically.

“Ngayon kasi, wala, e. Kulang pa sa laman!” tawa pa niya ulit.

LOVELIFE. Sa personal na buhay ni Kristoffer ay wala naman daw masyadong excitement.

Inamin ni Kristoffer na meron na siyang ibang girl na nai-date pagkatapos ng relasyon nila ni Joyce Ching.

“Friendly date lang po iyon. I’ve known the girl for a long time. School mate ko.

“It’s nothing serious. Gusto ko lang ma-experience ulit ang may maka-date. Kumbaga, no commitment date ‘yon.

“Noong maging kami ni Joyce, I never dated anyone else. So ngayon lang ulit ako nagbibinata!” tawa pa niya.

May nababalitaan ba siyang may dine-date din si Joyce?

“Hindi ko pa alam. Ayoko namang magtanong sa kanya.

“If she’s dating, why not?

“Single at maganda siya. Hindi ako magugulat kung marami silang gustong makipag-date sa kanya,” deklara niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN