Iwa Moto clarifies speculations about rumored breakup with Pampi Lacson

Wala raw problema ang samahan nina Iwa Moto at Pampi Lacson. Ginawan lang daw ng maling interpretasyon ng Netizens ang isang quotation post ni Iwa sa Instagram.


Lumikha ng ingay ang isang quote na nai-post ng aktres na si Iwa Moto sa kanyang Instagram account (iwamoto0829), noong May 1, Huwebes:

“God sometimes removes people from your life to protect you. Don’t run after them.”

Dahil dito, nagkaroon ng espekulasyon ang ilang followers ng StarStruck alumna na baka hiwalay na sila ng kinakasama nitong si Pampi Lacson.

May isang follower ni Iwa ang nagsabing baka wala na sila ng ex-husband ni Jodi Sta. Maria dahil matagal-tagal na ring walang post si Iwa na litrato kasama si Pampi.

Upang linawin ang isyung ito ay minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingan ng pahayag si Iwa.

Sa pamamagitan ng text messaging noong madaling-araw ng May 2, Biyernes, sinagot ni Iwa ang mga katanungan ng PEP.

Sabi niya tungkol sa kanyang post: “Ay, yun? Pinost ni Nanay yun kanina sa Facebook. Ni-repost ko lang…”

Ang tinutukoy na "Nanay" ni Iwa ay ang kanyang business manager na si Omar Sortijas.

Tungkol naman sa mga nag-aakalang hiwalay na sila ni Pampi, sabi ni Iwa, “Hindi ko pinapansin. Magkasama kami ngayon kumakain dito sa BF Homes.”

Wala raw problema sa pagsasama nila ni Pampi, kung saan mayroon na siyang seven-month-old baby girl—si Eve.

Tungkol naman sa hindi na niya pagpu-post ng larawang magkasama sila ni Pampi, sabi ni Iwa, busy ang kanyang boyfriend sa trabaho.

Sa panig naman ni Iwa, madalas din daw siyang rumaraket ngayon sa iba’t ibang shows sa telebisyon, kaya hindi sila ganun kadalas magkasama ni Pampi.

Noong Sabado, May 3, sa pamamagitan ng Instagram, sinagot na rin ni Iwa ang mga katanungan ng kanyang followers tungkol sa estado ng relasyon nila ni Pampi.

Aniya, “Ok dahil last pic namin ni pampi dto sa instagram ko was 8 weeks ago at ang dami ng tumatawag sakin asking if we’re still together.. Hope this pic will answer your question.. In a relationship there will always going to be ups and downs.. But 2 people who really LOVE each other will find a way to make it better.. Tsaka dapat talaga mahaba pasensya esp samin dalawang malakas ang sapak! Hahahah”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kalakip nito ang collage ng kanilang mga larawan ni Pampi.



MAY 5, 2014. Kaninang umaga, May 5, tinawagan ng PEP si Iwa sa telepono upang muling kumustahin.

Sabi niya, “Nagulat nga ako, e, kagabi din may nagtanong na rin sa akin tungkol diyan.

"Pero, ’di ba, nag-post na ako ng larawan naming dalawa?"

Ano naman ang reaksiyon ni Pampi tungkol sa balitang hiwalay na raw sila?

“Wala, natawa lang siya, kasi alam naman niyang hindi totoo, e.”

Tinanong na rin namin si Iwa kung may plano na silang magpakasal ni Pampi.

Aniya, wala pa silang konkretong plano dahil nasa proseso pa ang annulment ng kasal nila ng dating asawang si Mickey Ablan.

Sa kabilang banda, annulled na ang kasal ni Pampi kay Jodi Sta. Maria, na may bago na ring karelasyon ngayon sa katauhan ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN