Marian Rivera denies making demands on GMA; organizes Mother’s Day contest on Instagram

Nag-enjoy raw nang husto si Marian Rivera sa nakaraang bakasyon nila ni Dingdong Dantes sa Japan. Saad ng Kapuso Primetime Queen, "Kapag bakasyon, iyon kasi ang totoong buhay. Kapag nandito, trabaho talaga. So, first time namin ni Dong na hindi mag-shopping. Wala kaming ginawa kung hindi maglakad, kumain."


Nakatirintas lang ang buhok at casual lang ang suot ni Marian Rivera nang humarap sa entertainment press sa pocket presscon ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw, noong May 1, Huwebes, sa GMA Network Center.

Ngunit sa kabila nito ay hindi maipagkakailang napakaganda pa rin ng Kapuso Primetime Queen.

Natatawang pahayag ni Marian tungkol dito, “E, in love ako at sobrang saya ko ngayon.

"Ganoon talaga ako kapag sobrang saya ko.”

Pero ang totoo raw, "Umuwi ako kanina, mag-a-alas-siete na from the taping."

Iyon daw ang dahilan kaya itinirintas na lang niya ang kanyang buhok.

“Let it go lang!” natatawang sagot niya, at saka kinanta ang ilang linya mula sa awiting "Let It Go" ng animated film na Frozen.



INTRIGUE. Sa kabila ng extended ang pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA, ang Carmela, may lumalabas pa ring ilang intriga.

Nandiyang bilang reyna raw ng Kapuso, kaya niyang mag-demand at magdikta kung ano ang gusto niyang gawin.

Sagot ni Marian dito, “Well, nagde-demand, hindi.

"Pero sa lahat ng ginagawa ko, very thankful ako sa GMA-7 dahil lahat ng gusto nilang ipagawa, pini-present muna nila.

“At ang katotohanan niyan, ako ang namimili ng mga gagawin ko.

"Yun ang katotohanan. At hindi ko hiniling yun, sila ang nagbibigay sa akin.”

Sabi pa niya, “Kung manghihingi ako ng extension para sa Carmela, e, di sana, hanggang December pa ako. Hanggang December ang hihingin ko.

"Okay na nga yung nag-four months, ’tapos binigyan pa ng three weeks.

"Okay na yung four months, hindi katulad noong araw na eight months, nine months... iba na ngayon ang tao.”

Ano ang reaksiyon niya na pinag-usapan at marami ang kinilig sa kissing scene nila ni Alden Richards sa Carmela?

Tugon niya, “Ang trabaho kasi ay trabaho para sa akin.

"Kung anuman ang kissing scene na naganap dun, hiningi ng director namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At malinaw sa akin na ang trabaho ay trabaho.

"Kaya hindi ako ilang na gawin yun kay Alden, kasi malaki ang respeto niya sa akin, higit lalo kay Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend].

“Yun ang isa rin sa nagustuhan ko kay Alden, malaki ang respeto niya sa akin at lalung-lalo na nga kay Dong.”

MOTHER’S DAY CONTEST. Excited namang nagkuwento si Marian tungkol sa kanyang pa-contest sa Instagram para sa mga mag-iina ngayong parating na Mother’s Day.

Aniya, “Isa kasi sa mga sine-celebrate ko, like itong year na ito, ay Mother’s Day.

“I see to it na every time na magma-Mother’s Day, wala akong trabaho.

"Kasi, gusto kong bigyan ng special treatment si Lola ko at saka si Mama.

“Kaya naman nakaisip ako na magpapa-special contest ulit ako sa Instagram.

"Bilang Mother’s Day, gusto kong i-tag nila ako ng picture nila kasama ang mama nila at sasagutin nila ang question ko na: ’Gaano mo kamahal ang iyong ina at ano ang kaya mong gawin para sa kanya?’

"’Tapos may hashtag ako na #YanAngNanayKo.

“Ang mananalo ay pupunta sa set ng Carmela, meet and greet sa cast ng Carmela.

"At saka in fairness sa mga endorsements ko, nakiisa sila."

Magbibigay raw ng papremyo ang mga ini-endorse niyang mga produkto.

Malapit at mahal na mahal daw ni Marian ang lola at ang nanay niya, kaya naman naglalaan daw talaga siya ng panahon upang makasama ang mga ito.

At madalas, ipinu-post niya sa Instagram ang mga larawan ng kanilang bonding moments.

“Oo, sabi ko nga, isa ‘yan sa ise-celebrate ko talaga. Hindi puwedeng hindi.”

Paano niya ipagdiriwang ang Mother’s Day kasama ang lola at mommy niya?

“Ang binabalak ko nga, pupunta kami sa Bataan, sa isang resort,” sabi ni Marian.



NEXT PROJECT. Isang dance program ang susunod na proyekto ni Marian sa kanyang home network pagkatapos ng Carmela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto na nga raw sana ng GMA na magsimula na ng taping si Marian sa bago niyang show, pero nakiusap daw ang aktres kung puwedeng mabigyan kahit isang linggong bakasyon muna.

“Sabi ko, baka puwedeng bigyan ako kahit one week para maka-bonding ko ang lola ko, nanay ko, para bago ako magsimula.

“At saka sa June aalis pa ako papuntang U.S. para sa event ng PLDT.

"Ang dami kong gagawin. One week lang, after that, dire-diretso na ako.”

Kinumusta rin ng PEP kay Marian ang naging bakasyon nila ni Dingdong sa Japan noong nakaraang Holy Week.

Nakangiting sagot niya, “Ang saya ko!

"Nasa rurok ng... kasi looking forward talaga ako.

"Kapag bakasyon, iyon kasi ang totoong buhay.

“Kapag nandito, trabaho talaga.

“So, first time namin ni Dong na hindi mag-shopping.

"Wala kaming ginawa kung hindi maglakad, kumain."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN