Rocco Nacino bares plan for next trip abroad with Lovi Poe; status of their relationship still vague

Rocco Nacino says his European sojourn with rumored girlfriend Lovi Poe has refreshed and recharged him physically, emotionally, and spiritually. "It makes you richer inside."


Dahil sa magkasamang pagbiyahe nila sa Europe, iniisip ng marami na totoong mag-on na nga sina Rocco Nacino at Lovi Poe.

Isa pa, bagamat kababalik lang ng dalawa mula sa kanilang bakasyon ay tila nakaplano na ang mga susunod pa nilang trips abroad.

Dahil open naman sina Rocco at Lovi sa kanilang pagsasama sa malalayong lugar, kulang na lang ang direktang pag-amin ng dalawa tungkol sa estado ng kanilang relasyon.

Pero pahayag ng Kapuso actor, “We’re not saying anything.

"Itong matter na ‘to, we want to keep it private.

“Well, kitang-kita naman na we’re proud of what’s happening with us.

"So, ano… the thing is we just wanna keep it to ourselves lang.

“Siyempre lahat, alam na ng mga tao!

“But then, this is one thing na we can treasure.”



REFRESHED. Kapansin-pansin ang ibang aura ni Rocco matapos makabalik sa Pilipinas mula sa sampung araw na bakasyon nila ni Lovi sa Europe. Refreshed ang hitsura niya.

“Ang lamig dun, grabe!” sabi ng aktor nang makausap ng PEP.ph (Philipine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, May 4.

“Araw-araw nagdya-jogging kami dun. Ang hirap magpawis doon, e.

“Saktong birthday ng daddy ko nang dumating ako.

"’Tapos I left for Boracay para sa wedding ng kaibigan ko.

“Si Lovi naman, balik-trabaho agad-agad para sa taping ng bagong soap niyang Ang Dalawang Mrs. Real.

"Kahit may jet lag pa siya, pero kinaya naman niya.”

FREE FLOW. Masaya naman daw para sa kanilang dalawa ang mga pamilya nila, lalo na raw ang mga magulang ni Rocco.

“Happy sila na pagbalik ko, parang… very fresh daw ako!” tawa ulit ng StarStruck alumnus.

“Yeah, parang very fresh daw kami. Very happy, very positive.

“Maganda raw yung aura namin pagbalik namin.

“Kasi ano… we got to refresh naman kasi talaga.

"We got to recharge physically at lalo na spiritually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang maganda, the whole experience was an adventure talaga."

Kuwento pa niya, "Naiwan kami ng train!

“Naglalakad lang kami around Rome, bumabase lang kami sa map.

“Free-flowing lang, we got to talk a lot.

"Uusually, dito [sa Pilipinas], si Lovi ang nagsasalita, ako yung nakikinig.

“Doon, may time na ako ang nagsasalita at nag-o-open up.

"‘Yon, we got to bond a lot.

“Lalo na nung island-hopping kami, habang nasa boat kami, nag-o-open up kami at nagkukuwentuhan.

“So, we got to bond a lot.

“Masaya, nakapunta kami sa apat na bansa, so magandang adventure.

“At ngayon, pagbalik namin, parang may motto na rin kami na ’work hard to travel.’

“At least, gutom kami na magtrabaho ngayon.

"And nalaman namin na, through travelling, nakaka-recharge ng spirit at ng sense of ano… yung work ethics.

“At saka yung pagiging enthusiastic sa trabaho.

"It makes you richer inside na, in your mind, you come back na refreshed ang sarili mo."

NEXT TRIP. Sabi nga, one good thing deserves another. At, heto nga, may plano na ang dalawa para sa susunod nilang biyahe.

Ayon kay Rocco, “Sabi nga niya [Lovi], ’Mag-Asia nga muna tayo.’ Nag-Europe kami agad, e.

“Maganda nga sana yung Asian cruise, e. But Japan is on our list.

“And maybe L.A. [Los Angeles sa California].”

Sa isang taon, ilang beses ba nila planong mag-travel together?

“Once a year lang, medyo marami rin kasing trabaho.

“So, next year na yung susunod.

"Maybe after her show or my show, kapag nagsabay kami na matapos.

“Ngayon, busy ako sa business namin,” pagtukoy ni Rocco sa ilang branch ng gym kung saan kasosyo niya ang ilang kaibigan.

“We just put up a new one kasi. So, busy kami sa pagpu-promote nun."



NEW MOVIE. Naghahanda na rin daw si Rocco sa shooting ng Cinemalaya 2014 entry na Hustisya, kung saan makakasama niya for the first time ang Superstar na si Nora Aunor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “First time na makakasama ko si Nora, so excited.

"Getting into character. Nabasa ko na yung script.

"It’s a different character. I play a lawyer dito. Iba ang dating.

“Hindi ko pa nasusubukan na gumanap na isang lawyer, so I have to do my research.

"And have to get into the character as soon as possible.

“Very dark, actually, may twist.

“May pagka-political yung tema ng pelikula.

"It’s very nice dahil makikita mo yung totoong buhay.

“Second time ko na to work with Direk Joel [Lamangan].

"Yung first ay sa Burgos, so excited na akong makatrabaho siya ulit.”

Mayroon na rin ba siyang bagong soap na gagawin sa GMA?

Tugon ni Rocco, “May sinasabi sa akin, pero pinag-uusapan pa ng managers ko.

“’Tapos yung Ibong Adarna, inire-ready na ring ilabas, finally…

“Also, I’m getting ready for Bench fashion show.”

SEXY AND DARING. Tiyak na marami ang mag-i-expect na sexy at daring siya sa nasabing event.

“Sana, oo!” sabay ngiti ni Rocco.

“Wala pa akong ganun kalaking confidence para gawin ‘yon, at ‘yon ang dapat abangan ng tao.

"I have something coming up.

“So, right now, diet, ’tapos balik sa Jujitsu training and Muay Thai.”

Ano ba ang diet na sinusunod niya ngayon?

“More vegatables, actually. Na hirap akong gawin so challenge ito para sa akin.

“No pork. Yung rice, kailangan ko ring tanggalin.

“Pero kailangan may alternatives ako, like cereals, potatoes, sweet potatoes.

“Ayun, may trainor naman akong tumutulong sa akin kaya happy naman ako.”

Nagtsi-cheat ba siya sa kanyang diet kung minsan?

“Eto nga… kami ni Lovi, tulungan kami, e. May challenge kami.

“Every Sunday is a cheat day!” tawa ulit niya.

“Kaya the whole week ano… we will look forward to every Sunday. Para may cheat day kami.

“Na kinakain namin kung ano ang makita namin... anything!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang madalas na paborito nilang kainin?

“Ako, ma-burger ako, e. So, malamang mamaya, burger and steak.

“Ang bigat na pagkain niya. So, malamang din, back to the gym kinabukasan.

“Okey naman, kasi gugulpihin ko naman ang sarili ko sa training nga ng Jujitsu at Muay Thai.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN