Gretchen Ho excited about hosting stint with Piolo Pascual and Gerald Anderson

Makakatrabaho ng dating lady spiker ng Ateneo na si Gretchen Ho sina Piolo Pascual at Gerald Anderson, hindi sa isang acting project, kundi sa isang hosting job. Aniya, first time niyang makakatrabaho ang dalawang big stars ng Kapamilya network.


Excited si Gretchen Ho sa upcoming sports show na Team U.

Makakasama niya rito ang Kapamilya hunks na sina Piolo Pascual at Gerald Anderson, at ang magkapatid na football players na sina Anton at Armand del Rosario.

Magsisimula ang nasabing programa sa June at ipalalabas sa ABS-CBN Sports and Action Channel (dating Studio 23).

Bukod sa Team U, may dalawa pang hosting stints ang former Ateneo Lady Eagles spiker sa sports channel ng ABS-CBN, kabilang na ang The Score.

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gretchen sa Nestea Beach 2014 Yacht Party, na ginanap sa Boracay noong May 2, Biyernes.

WORKING WITH BIG STARS. Nasimulan na raw nina Gretchen ang taping para sa Team U.

Ano ang pakiramdam na makatrabaho ang dalawang sikat na aktor ng ABS-CBN?

Sagot ng volleyball star turned TV host, “Natuwa ako kasi first time ko talaga to work with big names.

“I was observing them the whole time, tingnan ko nga kung paano sila mag-host.

“Natuwa ako kasi very relaxed sila.”

Tinanong din daw niya sina Piolo at Gerald kung ano ang pagkakaiba ng hosting at pag-arte.

“I kept on asking them, ‘How do you prepare for the script? Do you memorize it? Do you stay with your own words?’

“They gave me tips naman, like you have to get the gist.

"So, I think they have a different take to it, parang siguro mas may acting nang konti."

Dagdag pa ni Gretchen, “Natuwa ako sa kanila, masaya sila katrabaho.

"Tawa lang kami nang tawa the whole time.

"Nagulat ako, very humble silang dalawa... it was nice."

Kuwento pa ni Gretchen tungkol sa kanilang show, “We’re gonna go to Manila, Cebu, GenSan to get kids with athletic potentials.

"And then we’re gonna train them and we’re also gonna train the coaches or give them something to modify their program with... para better version.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Then, yung mga kids na mapipili naming may potential, at the end of the journey, will get an athletic scholarship.

“So, sila yung mag-i-start ng sports school with a dream, set up by private group.”

NO TO ACTING. Dahil dalawa sa Kapamilya actors ang makakasama niyang maghu-host, inusisa si Gretchen kung wala ba siyang balak na tumawid sa pag-arte.

Sagot niya, “I don’t know. I really don’t know.

“But now, hosting is what I’m focused on.

“I want to improve on my craft. I feel like it brings out that side of me that wants to say so many things.

“I observe so many things at dito ko nailalabas ang ibang personality ko.”

ON BOYFRIEND ROBI. Hindi itinanggi ni Gretchen na mas nawalan sila ng oras ng boyfriend niyang si Robi Domingo dahil pareho silang busy ngayon sa kani-kanilang proyekto.

Habang abala si Gretchen sa kanyang hosting stints sa sports channel ng ABS-CBN, pinagtutuunan naman ng pansin ni Robi ang pagiging isa sa mga host ng reality show na Pinoy Big Brother All In.


Paliwanag ni Gretchen tungkol sa oras nila ni Robi, “Medyo it’s kinda hard with our schedule—I’m busy, he’s busy.

“But we make time. We really make time.

“Right now, he has PBB, he has PBB in the morning with updates; in the afternoon, [PBB] Uber.


"So, we make it a point to see each other for lunch or after Uber.

“He goes to me, so we make time.”

Sinabi rin ni Gretchen na hindi naman nagrereklamo si Robi kahit abala siya dahil “driven” daw ito sa trabaho.

Nakatutulong daw na marami rin siyang ginagawa para may iba rin siyang pinagkakaabalahan.

“I like keeping myself busy, and it’s a good thing I have a business,” sabi ni Gretchen, na ang tinutukoy ay ang kanyang The Inspired Project, na nagbebenta ng inspirational items.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have blog also, gretchenho.com, so I’m keeping myself busy and trying to establish my own mark.”

Read: Gretchen Ho sets up business that will empower people


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN