Nora Aunor welcomes opportunity to work with new breed of stars; shrugs off rumored debt from Coco Martin

Nora Aunor works for the first time with Kapuso young actor Rocco Nacino in the Cinemalaya 2014 entry Hustisya. “Hinihintay ko ang mga eksena naming darating dito sa pelikulang ito. At ang mangyayari nito, marami ako siguradong matututunan sa kanya dahil alam kong magaling na artista si Rocco at magkakatulungan kami,” says Nora.


Dream come true para sa bagong henerasyon ng mga artista ang makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Ilan sa mga ito ang nakasama na niya, gaya na lang nga nina Sophie Albert at Vin Abrenica sa teleseryeng Never Say Goodbye (2005) ng TV5; si Lovi Poe sa pelikulang Thy Womb; at si Coco Martin sa upcoming indie film na Padre de Pamilya.

Ngayon naman, si Rocco Nacino ang makakasama ng Superstar sa Cinemalaya 2014 entry na Hustisya, na ididirek ni Joel Lamangan.

Ito ang panibagong proyektong sisimulang i-shoot ng Superstar ngayong linggo.

May advice ba siyang naibabahagi sa bawat bagong sibol na artistang nagkakaroon ng pagkakataong makatrabaho siya?

Sagot ni Nora, "Wala naman. Actually, magagaling sila kaya hindi na kailangan na turuan."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nora sa story conference ng Hustisya sa Max’s Restaurant, sa Roces Avenue, Quezon City, noong Lunes ng gabi, May 5.

Pero kapag mga bagong artista nga, may tendency na kabahan kapag siya na ang makakaeksena.

“Hindi!” bulalas ng batikang aktres.

“Sinasabi ko naman sa kanila ‘yon kapag naramdaman kong medyo kinakabahan sila. Sinasabi ko na huwag silang kakabahan.

“Kasi ako, hindi lang nila halata, pero ninenerbiyos din ako!” sabay tawa ni Nora.

“Bawat eksena, ninenerbiyos din ako talaga.”



ROCCO NACINO. Si Rocco, may naging pahayag na talagang pinaghahandaan daw nito ang kanilang magiging eksena. Gusto nga rin daw sana ng aktor na makapag-usap sila.

Reaksiyon dito ni Nora, “Naku, iyon din ang hinihintay ko—ang magkaeksena kami dito sa pelikulang ito.

“Hinihintay ko ang mga eksena naming darating dito sa pelikulang ito.

“At ang mangyayari nito, marami ako siguradong matututunan sa kanya dahil alam kong magaling na artista si Rocco at magkakatulungan kami.”

Nakakatuwa namang marinig mula sa tinitingalang Superstar ng bansa na may mga natututunan din siya sa mga bagong henerasyon ng mga artista na nakakatrabaho niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman!” muling nangiting sambit ng aktres.

“Pakiramdam ko, marami pa rin akong mga dapat na matutunan.

“Hindi naman ako si Superwoman na, ‘di ba? Hindi ako perpektong tao.”



REBULTO NI NORA. Pinagawan ng rebulto sa Paoay, Ilocos Norte ang karakter ni Nora bilang si Elsa sa critically-acclaimed film na Himala. Nakatakda itong i-unveil sa May 10.

Saad ni Nora tungkol dito, “Alam mo, first time na nangyari kasi sa industriya ng pelikulang Pilipino na nagkaroon ang isang artista ng rebulto, kaya excited ako dito.”

Magiging landmark sa nasabing lugar ang rebultong ito, at hindi malayong maging tourist attraction din.

“Opo, doon mismo, kasi iyon sa lugar na pinag-shooting-an namin ng Himala noon. Doon inilagay ni Ms. Imee Marcos sa Paoay.”



NATIONAL ARTIST. Maingay rin ngayon ang clamor para maging National Artist si Nora. Ano ang damdamin at reaksiyon niya hinggil dito?

Sabi niya, “A… hintayin na lang natin. Kung darating, darating.

“Salamat! Kung hindi naman, salamat din.”

Pero marami naman ang naniniwala na deserving siyang maideklarang isang National Artist na rin.

Natatawnag sabi ni Nora, “A, hintayin na lang natin… kung sakali!

“Kung sakali, iyon, utang ko sa mga fans at saka sa lahat ng mga naniniwala.

“At sa lahat din ng mga nagtiwala sa akin bilang artista. Yung mga director… lahat-lahat na naniwala sa akin.”



RIVALRY WITH VILMA. Binubuhay na naman ngayon ang rivalry nila ni Vilma Santos. Ano ang kanyang masasabi hinggil dito?

“Mas maganda sa industriya ‘yon,” maikling tugon ni Nora.

Sunud-sunod din ang mga proyekto niya ngayon.

Tatlo na ang natapos niyang pelikula—ang Padre De Pamilya, Dementia, at Whistle Blower. Ika-apat nga itong Hustisya na sisimulan na niyang i-shoot.

Bukod dito, sisimulan na rin niya ang taping ng bagong teleserye niya sa TV5, ang Trendera.

Pinaghalong comedy at drama ang tema nito na may pagka-musical din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



INTRIGUES. Kasabay ng pagiging aktibo niyang muli sa pag-arte ay hindi pa rin nawawala ang mga intriga sa kanya.

Lately nga ay kumalat ang balitang may utang diumano siya kay Coco Martin.

Hindi ba niya ikinasasama ng loob ito? Hindi siya naaapektuhan?

“Hindi ko na pinapansin ang mga intriga, bakit ko pa papansinin ‘yon?

“Dyusko, sa edad kong ito, hindi na dapat ‘yon!” natawang sabi ng Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN