Romnick Sarmenta comments on negative reaction to Mayor Herbert Bautista-Kris Aquino romance

Romnick Sarmenta on joining politics: "Hindi ko nai-imagine ang sarili ko na papasok sa politics. Hindi talaga, e. At saka mas gusto ko yung tahimik. Ayoko yung nag-aalala ako na may kaaway akong hindi ko alam, yung gano’n. E, ang politics, gumawa ka ng mali, ang daming galit sa ‘yo. Gumawa ka ng tama, galit pa rin sa ‘yo yung iba."


Hindi maiwasang matanong si Romnick Sarmenta tungkol sa napabalitang short-lived romance ng bayaw niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista at ng TV host-actress na si Kris Aquino.

Ang misis ni Romnick na si Harlene Bautista ay nakababatang kapatid ni Mayor Herbert.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Romnick sa story conference ng Cinemalaya 2014 entry na Hustisya kahapon, May 5, sa Max’s Restaurant, Roces Avenue, Quezon City.

Dito tinanong si Romnick tungkol kina Mayor Herbert at Kris.

Saad ng aktor, “Ako kasi, ang dami kong mga barkadang lalaki, ‘di ba?

“Usually sanay ako sa amin na… kapag nagsabi na ako sa ‘yo, dun lang natin puwedeng pag-usapan.

“Pero kahit makita mo, kapag hindi ako nagsasabi sa ‘yo, huwag mo akong tatanungin. Parang gano’n kami, e.

“Kahit sa kanya [Mayor Herbert], ganun ang trato ko.

“Kapag wala kayong sinasabi, wala akong alam, parang gano’n.”

Hindi ba sila na-excite nang pumutok ang balita hinggil sa pagkakamabutihan nina Mayor Herbert at Kris?

“Nung lumabas yung picture at nakita namin, ‘Oo nga, ano?’ Nandun siya,” pagtukoy ni Romnick sa larawang ipinost ni Kris sa Instagram kung saan kasama ng mga Aquino si Mayor Herbert sa kanilang family dinner.

Patuloy na kuwento niya, “’Tapos nagtatawanan kami ni Harlene na, ‘Ano kaya ang meron?’

“E, wala namang binabanggit sa amin. So, hinayaan lang namin.

“And then, things started coming out.

“Parang may binasa yatang announcement si Ms. Kris sa show niya, ‘di ba?

“Na according to that statement, parang, ‘We both feel that we should be left and given our privacy.’

“Kaya parang, ‘A, okay! Gano’n lang.”

Read: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista



NEGATIVE REACTION. Ngunit hindi pa nagtatagal, may nai-post si Kris sa social media ulit na “best friend” na lang daw sila ni Mayor Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Kris Aquino on relationship with Herbert Bautista: "Not a couple but best of friends."

Nagulat din ba sila na parang naudlot ang love affair sa pagitan nina Mayor Herbert at Kris?

Sabi ni Romnick, “Hindi. Kasi after nung initial statement, lahat na yata ng social media, binaha na ng mga reactions, e.

“So, parang kami, nung nabasa namin yung mga reaksiyon, ‘Ang bilis niyo namang magsalita.’ Gano’n.

“Kasi siyempre, whatever happens, like you said, we’re family, e.

“And we think it’s highly unfair for people to express their negative opinions.

“As early as nung madinig pa lang nila, meron na kaagad silang reaksiyon—whether it be for the mayor or for Kris Aquino.

“Kasi hindi mo naman sila personal na kaibigan o kakilala, e.

“And usually, yung mga personal friends, hindi naman mag-i-statement ‘yan sa mga social media. Kakausapin muna yung tao, ‘di ba?

“If you’re close to them, you can probably tell them what you think or what you feel.

“Pero to flood social media with negative reactions for both parties, unfair sa kanilang dalawa ‘yon.

“Parang gano’n. Iyon yung feeling namin.”

Nalungkot ba sila na naunsiyami ang Mayor Herbert-Kris romance?

Sagot ng dating child actor, “Hindi naman sa nalungkot.

“It’s… I think, sa akin, more than anything, parang hayaan niyo muna.

“Give them space. Give them time to work on it.

“Yung parang, hayaan niyo lang. Tingnan natin kung saan pupunta, ‘di ba?

“Hindi yung… yung iba, parang minamadali.

“Yung iba, nagdya-jump na into conclusions na, ‘May mga plano ‘yan, maggagamitan ‘yan.’

“Or sasabihin ng iba, hindi sila bagay na, ‘Ay, hindi dapat si Mayor, hindi dapat si Kris.’

“Puro mga ganun kaagad. Anong alam niyo, ‘di ba?

“Ako, bilang siguro dahil matagal na akong medyo private na yung buhay ko… Anong alam niyo? Bakit?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What gives you the right to say na hindi dapat? Or what gives you the right to say na madaliin niyo na ‘yan.

“Let them go through the process., bahala sila.”



JOINING POLITICS. May posibilidad bang ma-inspire o ma-influence siya ng bayaw niyang si Mayor Herbert na pumasok din sa pulitika?

Tugon ni Romnick, “Wala, pero nai-inspire ako sa kanya.

“Pero hindi naman siya yung tipo na mang-iimpluwensiya na, ‘Pasok ka rito, ganyan.’

“Ako, naniniwala ako na calling ‘yan, e.

“And nakikita ko na iba yung ibinibigay na niyang oras niya sa tao, e. At hindi ko kaya ‘yon, e.

“Parang, yun nga, iniwan ko yung trabaho ko bilang artista, kasi gusto ko yung oras ko para sa pamilya ko, e.

“E, siya [Mayor Herbert], wala siyang private time, e.

“Even nung vice mayor siya, kapag concern ng Quezon City at ng mga tao sa ilalim niya, kahit anong oras, umaalis siya ng bahay, e.

“Kahit anong oras na may kailangan siyang asikasuhin, harapin or pag-isipan o desisyunan, on the go siya.

“Hindi ako gano’n, e.

“Kaya hindi ko nai-imagine ang sarili ko na papasok sa politics. Hindi talaga, e.

“At saka mas gusto ko yung tahimik.

“Ayoko yung nag-aalala ako na may kaaway akong hindi ko alam, yung gano’n.

“E, ang politics, gumawa ka ng mali, ang daming galit sa ‘yo. Gumawa ka ng tama, galit pa rin sa ‘yo yung iba.

“So, hindi ako para sa politics.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN