Kim Chiu touched by Xian Lim’s efforts for her surprise birthday parties

Walang problema kay Kim Chiu ang naging pahayag ng kaparehang si Xian Lim na siya ay "single and ready to mingle." Ayon kay Kim, ipinaalam daw ito ni Xian sa kanya na bahagi lamang daw ng trabaho ng aktor.


Noong April 19 ay nagdiwang ng kanyang 24th birthday si Kim Chiu.

Nasa Amerika siya noong mismong kaarawan niya, pero naghanda ng surprise birthday party sa kanya doon ang kanyang ka-loveteam na si Xian Lim.

Pagbalik naman ni Kim sa Pilipinas, may inihanda ring surprise birthday party para sa kanya ang pamilya niya, kabilang na ang kanyang ama na si William Chiu na galing pa sa Mindoro.

Sa lahat ng birthday surprise na ibinigay sa kanya ngayong kaarawan niya, ano ang naging pinaka-memorable?

Sabi ni Kim sa Buzz Ng Bayan, “Actually, lahat.

“Hindi ko talaga inaasahan. E, San Francisco, hanggang 1 p.m., sarado na lahat.

“Sabi ko, ‘Huwag na lang, matulog na lang tayo, bukas na lang natin i-celebrate.’

“’Tapos yun, nandoon sina Xian, Tita Lerma [dela Cruz], nagpa-surprise party sila para sa akin, hindi ko alam.

“Sabi ko, ito namang mga ito, hindi man lang nagpaplano na kumain o anuman.

“’Tapos yun, nagulat din ako.

“Lalo na noong nandoon ang papa ko, galing ako ng pictorial, dalawang photo shoot na inumaga na rin kami, so parang pagod na pagod ako.

“’Hindi natin ise-celebrate ang birthday ko, matatapos na ang April?’

“’Tapos yung ate ko, sabi ko, ‘Kumain naman tayo kahit konti. Pa-blow naman ng candle kasama kayo.’

“Sabi, ‘Ayaw namin, busy, gabi na.’

“Tinext ko si Xi [Xian], ‘Xi, kumain na lang tayo.’ Ayaw rin niya.

“Sabi ko, ‘A, si John Paul!’ Alam kong papayag siya kasi may hinihingi siya sa akin. Sabi ko, ‘John, kain tayo.’ Ayaw rin niya.

“Sabi ko, ‘Huwag na nga lang, uwi na lang tayo.’

“So, noong pag-uwi, nandoon silang lahat.

“Nagulat ako, nandoon ang mga friends, family.

“Yung Papa ko, lumuwas galing Mindoro. Yung kuya ko, nag-land travel, kasi walang airplane.

“Pati yung ate ko na FA [flight attendant], na minsan lang namin makita, nandoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kumpleto kaming lahat.”

Pagkatapos nga ng mga pinagdaanan ng pamilya ni Kim ay okay na muli.

Nag-usap ba sila ng papa niya nang magkita sila?

Sabi ni Kim, “Ako kasi, kapag may mangyaring something na hindi maganda, after ilang months or year, parang walang nangyari.

“Hindi ako yung one-on-one, nothing happens, parang wala.”

XIAN LIM. Ano naman ang naramdaman niya na isa si Xian sa naging punong-abala sa surprise birthday party niya?

Ayon kay Kim, “Sobrang happy at sobrang nakakatuwa.

“He never fails to surprise me kahit nasaan man kami.”

Sa isang press conference, nagbitiw ng pahayag si Xian na “I’m single and ready to mingle.” Isang pruweba na wala talagang namamagitan sa kanila ni Kim higit sa pagiging magka-loveteam at magkaibigan.

Nagulat ba siya sa naging pahayag na ito ni Xian?

Natatawang sagot ni Kim, “Tumawag siya actually before siya sumalang, ’May pinapasabi sa akin na ganito, ha…’

"‘Okay, sige, mag-work ka diyan…’ parang ganun.”

Parte ito ng trabaho?

“Yes,” nakangiting sabi ni Kim.

MAJA SALVADOR. Tinanong din si Kim tungkol sa pagkakaayos nila ni Maja Salvador pagkatapos ng matagal din nilang hindi pagkakasundo.

May gusto ba siyang sabihin?

Ayon kay Kim, “About that, wala siguro… everything is okay.

“And thank you kay God na maayos na ang lahat and para maging masaya na rin tayong lahat.”

Magaan?

“Yes,” nakangiting pagsang-ayon ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN