Lani Misalucha accepts emergence of new batch of divas

Lani Misalucha on undergoing cosmetic surgery: “Akala ng tao, recently ko lang ginawa, ngayon lang siguro napapansin ng tao. Pero I’ve done this years ago… I think eight years ago. Napapadalas lang siguro ako ngayon kaya ngayon lang nila napapansin. Nagtataka ako, wala naman akong ibang ginawa, ngayon lang siguro talaga napansin.”


Isang araw pagkatapos aminin ni Lani Misalucha na nagparetoke siya ng ilong at ngipin, sa panayam sa kanya ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, May 4, nakaharap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa launching ng bagong album niya sa Star Records—The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook.

Ginanap ang presscon kagabi, May 5, sa Sir Boy’s Republic, sa Panay Avenue, Quezon City.

Dito ay tinanong namin siya kung hindi ba naapektuhan ang kalidad ng kanyang boses sa ginawa niyang pagpaparetoke.

Tugon ni Lani, “Hindi, kung si Michael Jackson kung anu-ano na ang pinabago, ganun pa rin ang boses.

“Hindi naman talaga surgery na major yung mga ganun.

“Akala ng tao, recently ko lang ginawa, ngayon lang siguro napapansin ng tao.

“Pero I’ve done this years ago… I think eight years ago.

“Napapadalas lang siguro ako ngayon kaya ngayon lang nila napapansin

“Nagtataka ako, wala naman akong ibang ginawa, ngayon lang siguro talaga napansin.”



NEW GENERATION OF SINGERS. Sa kabila ng tatak na iniwan ng mga batikang singers, ‘tulad ni Lani, may ilang nagsasabing lumipas na ang panahon nila.

Panahon na raw ngayon nina Sarah Geronimo, Rachelle Ann Go, Angeline Quinto, at iba pang mga bagong sibol na singers.

Tanggap naman daw ito ni Lani.

Pahayag niya, “Ganun naman talaga. Sabi ko nga kanina, it’s just a circle of life.

“Totoo talaga yun, ang buhay ay parang gulong, iikot at iikot ‘yan.

“May ipanganganak at ipanganganak talaga, kasi ano ang mangyayari kung walang darating na bago?

“Hindi naman habang buhay, bata kami. Hindi naman habang buhay, nasa tip-top shape ang boses.

“Hindi naman habang buhay banat ang mukha mo, hindi habang buhay mganda ang hubog ng katawan mo. Ganun talaga yun.”

Dagdag niya, “I admire these young kids, my gosh!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, hindi ko naranasan ang ginagawa nila na tipong naliligo na nga lang sila, nagte-taping pa, parang tipo na mga ganun.

“Habang kumakain sila, kailangan nilang mag-record, parang mga ganun.

“I admire their stamina, their eagerness, their passion.

“Nasasabi ko rin yun kasi hindi ako nag-start nang maaga.

“Nag-start na ako sa music industry na may-asawa na ako, may dalawang anak, at hindi na ganun kagandahan ang katawan ko.”

NO REGRETS. Nasa peak ng kanyang singing career si Lani nang nagdesisyong subukan ang kanyang kapalaran sa Amerika, sa pamamagitan ng pagpe-perform sa mga casino sa Las Vegas, noong 2004.

Hindi ba niya pinagsisihan ang naging desisyon niyang pansamantalang iwan ang kanyang singing career dito at harapin ang kanyang buhay sa Amerika?

Tugon ng Asia’s Nightingale, “No regrets. Oo, nasa peak ang career ko nun.

“Alam mo, sa totoo lang, gusto ko yung buhay-Amerika.

“Honestly, mahirap siya, mahirap ang buhay sa Amerika, pero simple.

“Gusto ko yung ganu, kasi kahit dito naman sa Pilipinas, ganun na ang buhay ko.

“Gusto ko ako namamalangke, ako yung nag-o-oversee ng lahat, ganun din ang buhay ko dun.

“Yun nga lang, walang driver, walang katulong, walang yaya.

“Na-miss ko lang yung pagkanta sa mga kababayan natin, ‘tsaka iba ‘pag nandito ka.

“Nandito ang marami mong mga kaibigan, nandito ang mga kapatid mo, nandito ang mga masasarap na pagkain.

“Paano naman na hindi mo mami-miss?”



FIRST ALBUM IN FIVE YEARS. Pagkatapos ng limang taon ay nagkaroon ng album si Lani— ang The Nightingale Returns: Lani Misalucha Sings The Greatest Filipino Songbook.

Ilan sa mga kantang kasama sa album ay ang bersiyon niya ng OPM classics na “Saan Darating Ang Umaga,” “Bulag, Pipi at Bingi,” “Gaano Kadalas Ang Minsan?,” at “Anak.”

Sabi ni Lani, “Excited ako, sa tagal ba naman bago ako nagka-album uli.

“Saka natutuwa ako kasi ang gaganda ng pagka-arrange nung mga songs. I’m very grateful sa napakahuhusay na mga arrangers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun ang mga magaganda talaga, bukod sa mga nag-hit sila sa mga teleserye at pelikula.

"Sino ba naman ang hindi nagagandahan sa ‘Gaano Kadalas Ang Minsan?’ na kinanta ni Basil Valdez, na nilikha ni George Canseco?

“Lahat, para sa akin, ang gaganda ng selection namin.”

Isang music video rin ang ginawa ni Lani para sa kantang “Saan Darating Ang Umaga,” kung saan nagpanggap siyang bulag kasama ang dalawang mag-asawang bulag.

Para kay Lani, isang karanasan ito na hindi niya makakalimutan at gusto niyang ulitin kung mabibigyan siya ng pagkakataon.

Saad niya, “Hindi araw-araw nangyayari sa iyo.

“Para sa mga taong gumagawa nun, kina Ate Flor at kay Kuya, para sa kanila, normal yun.

“Pero para sa atin, hindi natin buhay yun. It will be nice for me to feel what they actually feel.

“Kaya nga nakasara ang mata ko kasi napakababaw ng luha ko.

“Nakita niyo naman si Mang Ben, hindi ko alam kung may eyeball siya, pero naka-shut talaga yung mata niya.

“Hindi ako naaawa sa kanila, kasi ang pangit sabihing nakakaawa naman.

"I’m very proud of them because they are able to live their lives despite of their situation.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN