Alice Dixson says working with Sarah Lahbati was a "delightful surprise"

Bagamat wala pang anak, hindi raw prayoridad para kay Alice Dixson ang posibilidad na mag-ampon ng bata. Saad niya, "For me to adopt, hindi ko pa iyan [naiisip]… parang it’s not a priority right now for me. I think I would like to have a child naturally, if ever. And if it doesn’t come, then it doesn’t come.”


Hindi raw aware si Alice Dixson na ang pinagbibidahan nilang made-for-TV movie ni Sarah Lahbati sa TV5, ang More Than Words, ay ang comeback project pala sa telebisyon ng young actress.

Ilang buwan din kasing pansamantalang huminto sa showbiz si Sarah matapos ang kinasangkutan nitong kontrobersiya sa GMA executive na si Annette Gozon-Abrogar.

Ang More Than Words ang Mother’s Day special ng Studio5 Original Movies na ipalalabas sa mismong Araw ng mga Ina, sa Linggo, Mayo 11, sa TV5.

Sabi ni Alice, “I didn’t know na comeback niya [Sarah]. I have no idea.

“Basta I learned na kasama ko si Sarah.

“Na-meet ko siya sa story conference. Doon lang talaga kami nag-meet.

“And then, nagkakilala kami noong nagte-taping.

“As in nakakapagkuwentuhan kami about our personal lives. Nakapag-connect na kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Alice sa presscon at press preview ng More Than Words kagabi, Mayo 5, sa Annabel’s restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

May attempt ang press na itanong kay Alice kung gaano kapersonal ang mga napagkuwentuhan nila ni Sarah, pero naging maingat din ang aktres sa pagsagot.

Sabi niya, “Basta we’re connected. Not lahat, basta yung ishinare niya sa akin nung three days na kaming magkasama.”

Sa tingin niya, puwede rin kayang i-share ni Sarah sa press ang mga napagkuwentuhan nila?

“You will have to earn her trust siguro,” sagot ni Alice.

Ginagampanan nina Alice at Sarah sa More Than Words ang mag-inang sina Sabel at Emily, na pinaghiwalay ngunit muling pinagtagpo ng tadhana.

Sabi ni Alice, nagkaroon daw siya ng bagong anak-anakan sa katauhan ni Sarah.

“Oo, actually.”

Puring-puri nga ni Alice si Sarah.

“For me, Sarah was a revelation, kasi I’ve never worked with Sarah before and hindi ko siya talaga kilala.

“When I got back, I was on my own TV5 world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, when she crossover for this project, sabi ko mabigat yung role niya, very high yung expectations.

“Nung nakaeksena ko na siya, she delivered.

“I don’t want to put my expectations high kasi, e, I don’t know her, e.

“Pero when she delivered, she delivered.

“So, nagulat ako, and I was telling the other members of media na she was a delightful surprise.”



FIRST MOTHER’S DAY PROJECT. Natanong ng PEP si Alice kung ang More Than Words ba ang kauna-unahan niyang proyektong ginawa para sa Mother’s Day.

Tugon niya, “I think this is the first Mother’s Day project that’s been given this much importance, especially since I came back [to showbiz].

“The last three Mother’s Day na nandito ako, I don’t remember [any project]… I was in the middle of a series.

“So, this is really a special project for us.”

Para kay Alice, ang role niya sa More Than Words ang pinaka-challenging sa lahat ng nagampanan niya.

Si Sabel kasi ay isang ex-convict na nahiwalay sa anak na ipinagbili ng pinagbilinan niya rito. Bukod sa hindi siya marunong magsulat at magbasa, may depekto pa siya sa pagsasalita na tinatawag na neurogenic stuttering.

Saad ng aktres, “I think so. Kasi mahirap umarte, mas mahirap pang umarte na hindi ka makapagsalita nang diretso.


“I mean, I think if the role was deaf-mute, it would have been even harder kasi din I would have to learn sign language.

“Pero hindi naman maiintindihan ng viewers ang sign language.

“So, right now, at this moment in time, this was one of my hardest roles.”

WISHING TO BE A MOM. Nagkaroon ng asawa si Alice ngunit hindi nga sila nagkaanak hanggang sa maghiwalay sila. Hindi nga niya naranasan ang pagiging isang tunay na ina.

Dahil tungkol sa mag-ina ang tema ng More Than Words at nalalapit na rin ang Mother’s Day, hindi ba siya nag-wish na sana maramdaman niya ang pagiging ina at maging parte ng selebrasyong ito bilang isang ina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “I wish I was. So, I’ve been open about it.

“And I think na-mention ko rin before na naiinggit ako sa mga mom kasi iba yung mom’s love, e.

“Hindi ko na-experience yun to have my own [child]. So, medyo naiinggit ako.

“I wish I had my own.”

Kung magiging isang ina siya, anong klaseng ina kaya siya? Magiging istrikto din kaya siya katulad ng mommy niya noon?

Ayon kay Alice, “I’m hoping I won’t be as strict.

“Pero minsan hindi nangyayari yun, e. We tried to correct the mistakes of our parents, right?

“So, I’m hoping yes [I won’t be strict]. Pero hindi ko rin masasabi.”

ADOPTION. Dahil wala nga siyang anak, bukas ba siya sa pag-a-adopt ng bata?

Sagot ni Alice, “I have an adopted brother, and my family, we didn’t keep it a secret to him.

“Pero because naka-experience na ako what’s it’s like [to adopt]… because he’s half my age.

“In fact, napagkakamalan siya noon na anak ko.

“So, for me to adopt, hindi ko pa iyan [naiisip]… parang it’s not a priority right now for me.

“I think I would like to have a child naturally, if ever.

“And if it doesn’t come, then it doesn’t come.”

Wala ba pa yung right guy na pwedeng magbigay sa kanya ng baby?

Sabi niya, “You never know who the right guy is, e.

“You know, sometimes it just happens. Sometimes if you have kids, it’s a gift.

“So, it can be the right guy, it can be the wrong guy, hindi mo alam.”

Nang matanong ng PEP kung hindi pa ba right guy para sa kanya ang businessman na kasalukuyang idine-date niya ngayon, natawa na lang si Alice.

Paiwas pang sabi niya habang tumatawa, “It’s Mother’s Day, ano ba? Mother’s Day ang pag-usapan natin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN