Rocco Nacino excited about working with Superstar Nora Aunor

Rocco Nacino on meeting Superstar Nora Aunor for the first time: "Totoo nga yung what people say about her, na hindi niya inilalagay sa ulo niya yung title na Superstar. She’s very approachable. Kaya pagdating sa akin, I felt like kilala ko na siya, parang gano’n."


Ngayong Miyerkules, May 7, na ang simula ng shooting ni Rocco Nacino para sa Cinemalaya 2014 entry na Hustisya, na ididirek ni Joel Lamangan.

Excited si Rocco dahil ito ang unang pelikula kung saan makakasama niya ang Superstar na si Nora Aunor.

Sa hiwalay na panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Nora, sinabi nitong excited din siyang makatrabaho si Rocco dahil tiyak na marami siyang matututunan sa young actor.

Read: Nora Aunor welcomes opportunity to work with new breed of stars; shrugs off rumored debt from Coco Martin

Pahayag naman dito ng Kapuso star, “Yun ang magandang thinking… walang ere.

“Yung ano, acting is a never-ending process.

“Vice versa. Ako, excited ako sa puwede kong matutunan sa kanya.

“For sure, marami akong matututunan, that’s why, sabi ko, excited ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa story conference ng Hustisya noong Lunes, May 5, sa Max’s Restaurant, Roces Avenue, Quezon City.

DEALING WITH NERVOUSNESS. Nabanggit din ni Nora na akala ng mga bagong sibol na artista ay sila lang ang nakakaramdam ng kaba kapag nakakaeksena ang isang award-winning actress na gaya niya.

Ngunit pagtatapat ng aktres, ninenerbiyos din daw siya sa bawat eksenang gagawin nito kahit sabihin pang baguhan ang kaeksena niya.

“A, talaga?” nangiting reaksiyon ni Rocco.

“Ngayon pa lang, kabado na ako kapag naiisip ko yung mga scenes na gagawin namin together.”

Paano ba niya hina-handle kapag ganung nakakaramdam siya ng kaba?

“Ako, I make sure kasi kapag kinakabahan ako, ina-acknowledge ko na kinakabahan ako.

“Pero pagdating sa eksena, I have to remove that.

“Pagdating sa eksena, equal kami.

“Pagdating sa eksena, dapat pantay na kayo, bigayan na kayo.”

Isang abugado ang gagampanan ni Rocco sa Hustisya.

Aniya, “I’m getting into character na.

“Kinakausap ko nga si Sir Ricky [Lee, scriptwriter ng Hustisya] tungkol sa character ko, e, para mas maintindihan ko rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Medyo nakapag-research na rin ako nang konti. More on physical pa lang.

“Gusto kong ma-research kung paano magsalita ang mga lawyers, kung paano sila magdala ng conversation.

“Makakatulong siguro kung makakapanood ako ng hearing, baka iyon ang gawin ko.”

“Very complicated and very interesting ang character ko dito sa Hustisya.

“Kasi dahil sa akin kaya siyamagbabago,” pagtukoy niya sa karakter ni Nora.



SECOND TIME. Ito ang ikalawang pagkakataong magkakaroon ng pelikula si Rocco na ipalalabas sa Cinemalaya.

Ang una ay ang Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (2011), kung saan nakasama niya si Paulo Avelino at nanalo siyang Best New Movie Actor sa PMPC Star Awards For Movies at Breaktrough Performance by An Actor sa Golden Screen Awards ng Enpress.

Sabi ni Rocco, “Balik-Cinemalaya ako, so I’m really excited.

“And perfect timing lahat.

“Sabi ko nga, masaya yung 2014 ko, kasi perfect timing yung pag-travel namin ni Lovi [Poe] sa Europe.

“’Tapos pagbalik namin, heto na lahat yung tungkol sa trabaho… nakalatag na.

“Medyo pagod nga ako kasi araw-araw akong nagtatrabaho. Pero ‘yon nga, very positive naman.”



EXPECTATIONS. Dahil nanalo agad siya ng acting award sa unang pelikula pa lang na ginawa niya para sa Cinemalaya, hindi malayong magkaroon ng expectation na muli siyang umani ng acting recognition sa Hustisya.

Sabi niya tungkol dito, “A, hindi ko pa naiisip ang tungkol do’n. Oo nga, ‘no?

"Hindi ko pa naiisip. But then, tingnan natin.

“Kasi yung dati na panalo ko for Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, hindi ko inakala iyon, e.

“Ako naman kasi, evey time I do a film, hindi ko iniisip yung tungkol sa pananalo ng award.

“I just want to deliver a good performance, the best that I can. And ano… sending out the message.

“Mas award kasi sa akin, sa totoo lang, yung sending the message of the character to the audience.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Making people believe na iyon ang ipinapakita ng character ko.

“Iyon ang award para sa akin.”

Malaking motivation ba sa kanya na mas maka-deliver ng mahusay na performance kapag isang multi-awarded actress, gaya ni Nora, ang kasama niya?

“Yes, of course!” bulalas ni Rocco.

“Alam ko marami ang naiinggit sa akin ngayon sa nakuha kong proyektong ito.

“Marami akong mga kaibigan na nagku-congratulate sa akin, so I feel really blessed.



FIRST IMPRESSION. Ang rumored girlfriend ni Rocco na si Lovi Poe ay nakasama na rin ang Superstar sa pelikulang Thy Womb (2012).

Ano ang naging reaksiyon ng aktres nang malamang gagawa rin siya ng pelikula kasama si Nora?

“Of course natuwa siya,” sabi ni Rocco.

May naibigay bang advice sa kanya si Lovi hinggil sa pakikipagtrabaho kay Nora?

“Hindi naman advice, pero nagtanong ako how is she.

“Sabi naman niya, she’s very easy to talk to naman and very down to earth. Masaya raw siyang katrabaho.

“Sabi ko naman, ‘Iyon pala, e!’ So, excited na akong makatrabaho siya.”

First time na magkaharap nang personal nina Rocco at Nora sa ginanap na story conference ng Hustisya. Ano ang naging first impression niya sa Superstar?

“Like what Lovi said, na madali lang kausapin.

“Nakapagpa-picture nga ako sa kanya! Nag-fan mode ako kanina!” tawa niya.

“And totoo nga yung what people say about her, na hindi niya inilalagay sa ulo niya yung title na Superstar. She’s very approachable.

“Kaya pagdating sa akin, I felt like kilala ko na siya, parang gano’n.

“Gusto kong maging gaya ng kung ano siya ngayon. Kung ano yung na-achieve niya sa showbiz.

“It’s not forever, e. Ang labanan dito, hindi kung gaano karaming projects meron ka, e.

“It’s how long na kaya mong magtagal sa show business.”



THE CONFIRMATION. Samantala, nakaantabay pa rin ang marami kung may pormal nang magiging pag-amin sina Rocco at Lovi hinggil sa rumored relationship nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit ang press ay gusto rin itong marinig mula sa dalawa.

Ngunit ayon kay Rocco, “Like I said, private matter na ‘yon.

“Lahat ng tao, alam na ang tungkol sa amin.

“So, ito na lang ang tini-treasure namin.

“Ang sinasabi ko na lang sa mga nagtatanong, ‘What you see is what you get.’

“We want to keep our personal to ourselves na lang.

“Hindi naman kailangang pag-usapan palagi, e, kasi tao lang din naman kami.

“Basta kung ano yung nakikita ninyo sa aming dalawa ni Lovi, iyon na ‘yon!”

May showbiz couples na dahil sa kanilang relasyon ay sumisemplang o sumasadsad ang kani-kanilang career. Pero sila ni Lovi, parang naging lucky charm pa ang kanilang relasyon sa mga trabaho nila.

“Looks like it!” natatawang pagsang-ayon ni Rocco.

“At hindi lang ‘yon, kundi tamang desisyon. Tamang pagdiskarte sa mga bagay-bagay.

“At saka maganda yung we’re very understanding of each other.

“And also, sinusuportahan namin ang isa’t isa.

“Ang maganda dun, parehas kaming nakaka-inspire sa isa’t isa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN