Rosanna Roces still not on good terms with son Onyok; plans to undergo breast reduction

Rosanna Roces on forgiveness: "Ang batas ko, kung sino ang nagmamahal sa akin, mahal ko. Kung sino ang gusto sa akin, gusto ko. Kung ayaw sa akin, ayaw ko sa ‘yo. Kumbaga, ngayon mo nga malalaman ang mga taong totoo sa ‘yo. You have to treasure din naman. Bigyan mo rin sila ng halaga."


Madalang makita si Rosanna Roces sa showbiz events, kaya nang dumalo siya sa story conference ng indie film na Hustisya noong Lunes, May 5, ay pabirong sinabi sa kanya ng press na nami-miss siya ng mga ito.

Sagot naman ng dating sexy star, “Hindi naman ako mawawala, nandiyan lang ako sa tabi-tabi.

“Alam niyo naman, para lang akong kabute, ‘di ba?

“Ano naman, taun-taon, paganda naman nang paganda ang offer.

“So, especially itong taong ito, I have Padre de Familia, Whistle Blower… maliit lang ang role ko, pero maganda.

“’Tapos, ‘etong Hustisya with Ate Guy [Nora Aunor] and the director [Joel Lamangan] na dapat makatrabaho ko, kaya lang hindi kami pinalad.”

SINGLE LADY. Kapag wala naman siyang shooting, nasa bahay lang daw si Rosanna.

Kuwento niya, “Nasa bahay lang ako, nag-aalaga ng apo.

“Ayoko kasi ng… kapag tumatanda ka—sabihin na natin, forty-two na—gusto natin na tahimik na kapaligiran.

“Wala kang partner, isda lang ang nasa bahay mo.

“Imbes na awayin ka, pakitang-gilas sa ‘yo. Pakainin mo, may ibabalik sa ‘yong kabutihan.

“E, kung tao ‘yan, ‘di ba?”

Gaano na siya katagal walang lovelife?

“Ang tagal na! Tatlo… apat,” sagot niya.

Bakit mas pinili niyang maging single muna?

Paliwanag ni Rosanna, “Para kasing, especially kay Grace [panganay niyang anak], ang dami kong time na kailangang bunuin—sa ermats ko, sa pamilya ko.

“Akala ko kasi... hanap ako nang hanap ng pagmamahal, akala ko nasa lalaki, ‘di ba?

“Hindi talaga, e. Naging jaded lang ako, e.”



MOMMY DEAREST. Hindi naman kaila sa marami ang away-bating relasyon ni Rosanna sa kanyang mga anak na sina Grace at Onyok.

Kumusta sila ngayon?

Saad niya, “Bago manganak si Grace sa bunso, kami ang hindi nag-uusap, isang taon.

“In-impose ko na ako ang ina, ako ang batas.

“Tiniis ko yun. Naglayas ako, hindi ko ipinaaalam kung nasaan ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun, sumerender, manganganak na. Magbabayad na naman ako ng bills.

“Pero siya pala ang tumatawag na papakinggan lang niya ang boses ko.

“Ang maganda kasi sa kanila, yung isa, si Grace, gumagawa siya ng moment para magkaayos kami.”

Dito na pumasok ang tungkol sa kanyang isa pang anak na si Onyok, na nakaalitan niya noon at nauwi pa sa pisikalan.

Okay na ba sila ni Onyok, lalo na pagkatapos nitong magpa-interview sa Startalk noong March laban sa kanya?

“Hindi, hindi,” pag-amin ni Osang.

“Ikaw, magiging okay ka ba?

“Well, ang ayoko lang sa batang yun, nababayaran.

“Hindi ko pinanood ang interview, kasi alam kong hindi siya yun. Alam kong manipulado.

“Mabuti na lang, hindi ako nagpa-interview.

“Kasi, alam ko naman na kahit anong ganda ng sabihin ko, wawalanghiyain din naman.

“At saka, alam kong gagawin nila ‘yan.

“Yung unang attempt, hindi nila ako maano, yung kulong-kulong issue.

“Alam ko na anak ko na, kasi pupuruhan niyo ako.

“Sus, para namang iisang libro lang ang binabasa namin, nagkataong mas matalino lang ako sa kanila!”

Nasaktan ba siya sa ginawang pagpapa-interview ni Onyok?

“Manipulado ‘yan, alam naman nating lahat, ‘di ba?

“Kaya nga hindi ako kumibo kasi totoo lahat ng sasabihin ko. Ayoko namang ipahiya ang anak ko.

“Tama na nangyari. Oo, nasaktan ako.

“Nanay ako, mali ang ginawa niya, pero para ipahiya ko pa ang miyembro ng pamilya ko, anak ko pa rin yun.

“Alam ko kasi na may tao talagang nasisilaw sa salapi.

“Pero yung dugo, mas matimbang pa rin yun, ‘di ba?”

May attempt na bang makipag-ayos sa kanya si Onyok?

Sabi ni Rosanna, “Hindi kailangang mag-attempt.

“Ako, ipinapaubaya ko lahat sa Kanya.

“Kasi, unang-una, kahit anong pilit mo… basta, si Lord ang gagawa ng paraan.

“At saka, ‘yan [Onyok] ang pinaka-spoiled sa akin, ‘di ba?

“Siya ang nahihirapan sa aming dalawa, hindi ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MOTHER’S DAY. Masaya namang ikinuwento ni Rosanna ang pagbabalik-loob ng kapatid niya sa kanilang ina pagkatapos ng mahigit dalawang dekada. Nakasama raw nila ito noong kaarawan ng kanyang ina.

“Nakakatuwa yung pagbabalik-loob ng utol ko.

“Naramdaman kasi niya yung bigat na kahit anong pagsusumikap niya sa abroad, hindi gumagaan ang buhay niya.

“Sabi ng isang Syrian… Syrian pa ang nagsabi sa kanya na kailangang bumalik ka sa ina mo.

“So, yun bumalik. Nakakatuwa, ‘di ba?

“So, talagang kahit na anong mangyari, hindi mo dapat sinasaktan ang magulang mo.

“Ako nga, hindi ko totoong magulang, pero ganoon ako.

“I’ve done my part. Sasagutin ka nga, hindi nga dapat.

“So, talagang malalaman mo na isang babae lang—iang iyong ina.”

Mother’s Day na ngayong Linggo, May 11. Paano niya ito ipagdiriwang?

Sabi ni Osang, “Ako kasi, kapag Mother’s Day, ang pinasasalamatan ko, ang nagluwal sa akin, at ang nag-ampon at nagpalaki rin siyempre.

“Bago ang buhay ko ang intindihin ko, yun ang binibigyan ko ng tribute—yung dalawa.

“Si Nanay, yun, medyo naospital siya. Si Grace na ang nag-aasikaso.

“Medyo magaan na ang buhay ko kasi naglakihan na sila.”

Kuwento pa ng aktres, “Si Grace naman, akala ko tinatalbugan niya ako noon dahil 16, nanganak ako, siya naman 15.

“Yun pala, tinalbugan niya ako sa pagiging ina.

“Grabe, hands-on, walang yaya.

“Sabi ko kasi, ‘Career ‘yang pagiging homemaker, galingan mo.’”



FORGIVENESS. Sa usaping pagpapatawad at pagbabati, nasaan siya ngayon?

“Sino ba ang papatawarin, sino ang babatiin?” balik-tanong niya.

Yung hindi niya mga kasundo?

Sabi ni Rosanna, “E, kasi sa akin, ang batas ko, kung sino ang nagmamahal sa akin, mahal ko.

“Kung sino ang gusto sa akin, gusto ko.

“Kung ayaw sa akin, ayaw ko sa ‘yo.

“Kumbaga, ngayon mo nga malalaman ang mga taong totoo sa ‘yo.

“You have to treasure din naman. Bigyan mo rin sila ng halaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayaw naman nang pag-usapan pa ni Osang ang isyu tungkol sa pagkakadampot daw sa kanya ng PDEA dahil nabigyang-linaw na raw niya ito.

Ang report ay nanggaling sa beteranong broadcaster na si Cristy Fermin.

Read: Rosanna Roces slams Cristy Fermin for report about her alleged imprisonment due to drug use

Aniya, “Huwag na nating ipahiya ang tao, napahiya na, ‘di ba?

“Hindi naman ako kagaya niya kaya huwag na natin siyang ipahiya, kasi sobrang pahiyang-pahiya na siya, huwag na nating ibaon.

“Wasak na wasak na ang kredibilidad niya kaya bawat buka ng bibig ko, gusto ko yung totoo lang ang sasabihin ko.

“Ngayon, kung wala rin naman akong masasabing hindi maganda, huwag na lang muna.

“But I don’t wish her anything bad or unfortunate.

“Hindi ko sila nililingon kasi hindi ito ang time ng uncertainties.

“At saka, hindi ka puwedeng babagal-bagal, kasi Year of the Horse ngayon.

“At saka, yun nga, ayoko rin namang tadyakan ng karma.

“So, yung nagkasala sa ‘yo, kung hindi mo kayang patawarin, huwag mo lang din lingunin, ‘di ba?

“Tama na yung makaganti ka ng salita and then, move-on.”

Matagal naman bago nakasagot si Osang nang tanungin namin kung okay na sila ng mga Revilla, pamilya ng apo ng aktres na si Budoy.

Aniya, “Ha? Puwedeng next question, hindi naman sila bida rito, ‘no!

“Sa ibang bagay sila bida. Wala lang…”



NORA AUNOR. Tungkol sa pagiging bida, madalas i-post ni Rosanna sa Facebook ang paghanga niya kay Nora Aunor.

Ano ang mga nakita niya rito at ganoon na lang ang paghanga at respeto niya sa Superstar?

Sabi ni Rosanna, “Hindi yun, ano ang nakita niya sa akin para pagtiwalaan niya ako ng ganun.

“Yun ‘yon, hindi yung kung ano ang nakita ko sa kanya, e.

“Matagal ko nang nakita sa kanya ang hindi nakikita ng lahat, which is yung puso niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In fact, kahit yung mga Noranians na nagkukuwestiyon, yung properties niya, sinasabihan ko na, ’Huwag niyo siyang pakialaman. Mahalin niyo na lang si Ate Guy. Noong naghihirap siya, wala naman tayo doon, ‘di ba?’

“So, yung nangyayari sa kanya ngayon, she deserves it, at dapat, more.

“Ako, I’m really waiting na maproklama na siya [bilang National Artist]. Wala namang iba talaga.

“Ako talaga, kapag nangyari yun, nandoon ako at iiyak talaga ako.”

Patuloy niya, “Kasi, hindi mo mae-expect na may part kami na pareho.

“Noong magpa-interview nga ang anak ko [Onyok], mas galit pa ‘yan. Ako naman ang pumipigil.

“Kapag siya naman ang nagagalit, ako na lang, ako na lang.

“Kasi, ‘wag ka na. Kasi kapag siya, mas lalaki lang lalo.”

EXCESS BAGGAGE. Inamin naman ni Rosanna na nagpapapayat siya ngayon.

Sabi niya, “Hindi kasi sapat na artista ka lang, maganda ka, magaling kang umarte.

“Kailangan din… E, ang hirap pa naman sa edad na ito, ang bagal nang magpapayat.

“Buti na lang, mainit. Isarado ang pinto at bintana, pawis ka na.

“Parang sauna, ‘di ba?”

Pinag-iisipan din ni Osang na ipatanggal ang ipinadagdag niyang boobs noon at ibalik ang regular na sukat nito. Kaya lang, kailangan pa rin daw niya ito sa mga karakter na ginagawa niya sa pelikula.

“Gustuhin ko man siyang tanggalin, masakit na rin kasi sa likod.

“Pero sa mga ganyang role, kailangan ko siya, ‘di ba? Parang uma-akting din.

“So, in time… tapos na kasi ang ano niya, boundary ‘to.

“Alangan namang hanggang sa ataul, kasama ko ‘to!” natatawang sabi niya.

Ano naman ang plano niya kapag natanggal na ito?

“Ay, ido-donate ko sa highest bidder na bakla!” biro niya.

Ngunit dagdag ni Osang, “Hindi, resize lang. Nakakatakot na rin, e, cancerous din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN