Sarah Lahbati evades questions about motherhood

Hindi nagpaunlak ng one-on-one interview si Sarah Lahbati sa press na um-attend sa press screening ng pinagbibidahan nitong TV movie sa TV5, ang More Than Words.


Hindi maiwasang itanong kay Sarah Lahbati ang tungkol sa "pagiging ina" sa ginanap na press preview ng pinagbibidahan nitong drama special sa TV5, ang More Than Words.

Umiikot kasi ang kuwento ng More Than Words sa pagmamahal ng isang ina, na handang pagdaanan ang lahat mahanap lamang ang nawawala nitong anak.

Natanong tungkol sa pagiging ina si Sarah dahil sa kumalat na balitang may anak na ito sa boyfriend niyang si Richard Gutierrez.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin inaamin o itinatanggi ni Sarah, o maging ni Richard, ang balitang ito.

Sa press preview ng More Than Words sa Annabel’s restaurant noong Lunes, May 5, ay tinanong ng TV5 crew at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sarah kung pinag-uusapan ba nila ni Richard kung ilan ang binabalak nilang maging anak sa hinaharap.

Medyo iritableng sagot ng comebacking actress, “Ay, naku, huwag na ‘yan!”

Pagkatapos nito ay inilihis na ni Sarah ang usapan sa natapos na proyekto para sa TV5.

Sabi niya, “I am glad to say that I did this project, it’s different and ‘di ko pa nagagawa yung ganitong role.

"So, nakakatuwa, kasi this is something different and exciting."

Ang sunod na itinanong kay Sarah ay kung anong edad niya nakikita ang kanyang sarili na magiging isang ina.

“I don’t know,” maikli nitong tugon.



EXCITED. Dahil nagkaroon ng problema sa kontrata ni Sarah noon sa GMA Network at sa kasong kinaharap nito laban sa GMA Films executive na si Annette Gozon-Abrogar, lagpas isang taong walang naging proyekto ang StarStruck V Ultimate Female Survivor.

Nagkaayos na ang magkabilang panig kaya muling nagbalik si Sarah sa GMA, ngunit ang una niyang naging proyekto ay ang isang drama special para sa TV5.

Ipinahiram daw siya ng GMA Artist Center dahil maganda ang naturang proyekto.

Masaya raw si Sarah sa naging kinalabasan ng drama special ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ayoko ngang pinapanood sarili ko, e, I hate watching myself.

"So, nahihiya ako that when I saw it nga, talagang pinaghirapan ng team, nila Direk John Red.

"Ang ganda ng kinalabasan and I am excited for everyone to see this.”

Paano niya pinaghandaan ang role niya sa show?

Sabi ni Sarah, “I am Emily, she’s the daughter of a rich couple, but then wala pa din yung pagmamahal na hinahangad niya sa parents niya.

"Hindi niya pa din napi-feel, hanggang sa nakasama niya si Sabel [Alice Dixson] na tuturuan niya.

“Nakaramdam siya ng pagmamahal and so on and so on.

"Basta ayoko mag-spoil ng story.

"Siguro ang paghahanda dito, more on sa set na, e, when I talk to my co-actors."



MOTHER-DAUGTHER RELATIONSHIP. Sa Sunday, May 11, ay Mother’s Day na. Gaano siya ka-close sa kanyang mommy?

Saad ni Sarah, “I remember, when I was a kid, I always get her make-up, mga ganung bagay.

"Hanggang sa paglaki ko, siya yung nagtuturo sa akin magluto, mga maliliit na bagay na gagamitin ko naman talaga in the future.

"We’re very close. Ayoko magdrama, pero I am very grateful to her.

“’Di ako masyadong expressive, pero hindi naman yung hindi open.”

Nasa venue ang ina si Sarah at ipinakilala niya ito sa press during the question-and-answer portion.

Pagkatapos ng Q&A, hinila na si Sarah ng kanyang handler at hindi na nagpaunlak pa ng one-on-one interview sa press.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN