Jaclyn Jose on topsy-turvy Andi-Jake love affair: "Ilang years na bang ganyan? Hintayin na lang natin ang totoong-totoo."

Jaclyn recalls the difficulty of raising Andi Eigenmann as a single mother: "I will never forget the time na na-interview siya... naiyak talaga ako. She said na, ’I’m used waking up in the morning having breakfast alone and waking up the next day again, having breakfast alone again.’"


Inamin ni Jaclyn Jose na si Gabby Eigenmann ang "partner" niya sa pagpapalaki sa anak na si Andi Eigenmann.

Si Gabby ay kapatid sa ama ni Andi; ang kanilang ama ay ang aktor na si Mark Gil.

Sabi ni Jaclyn tungkol kay Gabby, “Ano ko ‘yan, e, ‘yan ang tumayong ama ni Andi sa akin.

"Si Gabby ang partner ko kay Andi, kaming dalawa ang nagpalaki riyan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Philippine Entertainment Portal) si Jaclyn sa pocket presscon ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw noong nakaraang linggo.

MOTHER-DAUGHTER RELATIONSHIP. Hindi naman inililihim ni Jaclyn sa publiko kung ano ang estado ng relasyon nila ng anak na si Andi ngayon.

Kahit si Andi, aminadong hindi sila nag-uusap na mag-ina.

Kumusta na ba sila ngayon?

Sagot ni Jaclyn, “Okay naman kami, we’re not... hindi lang kami nag-uusap, pero hindi rin kami nag-aaway.

"Mabuti na yun. At least, walang tumatalak sa kanya.”

Pero magkasama pa rin naman sila sa isang bahay.

Ngunit pag-amin ni Jaclyn, “Minsan, mahirap para sa akin dahil nasasaktan ako.

"Minsan, gusto kong sabihin na, ’Ang galing-galing mo kagabi sa Dyesebel!’ Hindi ko magawa.

"Pero kung yun ang makakapagpabawas sa konsumisyon niya sa buhay, e, di ibigay ko na.

“Ano ‘yan, e, siyempre she’s there, ’tapos sasabayan ko pa, ‘di ba? Nakakainis yun.

"Talaga namang matalak ako sa bahay sa kanya. Sa umaga, pagkagising pa lang.”


Sino ang nag-aalaga sa anak ni Andi na si Ellie?

Nakangiting sagot ni Jaclyn, “Me. But, of course, si Andi, when she’s at home.

"And my sonis always with him, 24/7."

Kahit tungkol sa apo niya, hindi sila nag-uusap ni Andi?

“Hindi pa kami nag-uusap, e. Tapusin na muna niya ang kanyang mga happy-happy moments, party-party.

"Pero tuluy-tuloy rin naman ang trabaho.

"Sa Dyesebel, magaling din naman, in fairness."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mula sa pagiging bida nito sa Galema ay kontrabida ngayon si Andi sa Dyesebel. Okay lang ba kay Jaclyn nang malaman niya ang tungkol dito?

“E, ABS [-CBN] ang may ano niyan…

"Ako naman, sinabi ko sa handler niya, accept Dyesebel kung si Anne Curtis. Kapag pinalitan si Anne, huwag na.

"Parang feeling ko lang, si Anne lang ang puwedeng i-support ni Andi na kontrabida...

"Sa Secret Affair, ganoon din ang ano nila."

ANDI-JAKE RELATIONSHIP. Kailan lang ay nabalitang break na raw si Andi at ang boyfriend nitong si Jake Ejercito.

Ngunit ilang araw lang ang nakalipas ay may mga lumabas na mga larawan sina Andi at Jake sa Instagram, habang nagbabakasyon sa Boracay, na tila sila pa rin namang dalawa.

Read: Andi Eigenmann and Jake Ejercito: Still together?

“Naku, ewan ko, yun lang ang masasabi ko!” natawang reaksiyon dito ni Jaclyn.

“At saka, baka magalit si Andi kapag nag-comment ako sa lovelife niya.

"Kaya ako napapagalitan niyan, kapag nagko-comment ako sa lovelife niya.

"Kasi, yun ang last ko na naramdaman na hindi talaga ako kinibo, at nagalit daw sa akin noong magsalita ako sa TV tungkol sa lovelife.

“So, hindi ko na uulitin.”

Pero kung break na nga sina Andi at Jake, hindi kaya maging daan na rin ito para magkaayos na silang mag-ina?

Sagot ng beteranang aktres, “Naku, tingnan na lang muna natin.

"Ilang years na bang ganyan? Hintayin na lang natin ang totoong-totoo.

"Basta ang sa akin, kung saan siya masaya.”



SPOILED. Bilang isang ina, kung napagsasabihan man niya o may nasasabi siya tungkol sa pakikipagrelasyon ng anak, ang kapakanan lang daw ni Andi ang isinasaalang-alang ni Jaclyn.

Pahayag niya, “Obviously, she’s on the other side.

"Feeling niya, kayang-kaya niya ako.

"Spoiled sa akin si Andi... kasalanan ko rin, I spoiled her.”

Sa kabila nito, wala naman daw siyang pinagsisisihan sa naging pagpapalaki niya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No, wala akong regret.

"Sapat lang yung pag-spoil ko sa kanya sa pagkukulang ko or pagkawalan niya ng tatay when she was growing up.

"And I was working at the same time also.

"I will never forget the time na na-interview siya, sa Spoon yata yun, kay Janice de Belen, naiyak talaga ako.

"She said na, ’I’m used waking up in the morning having breakfast alone and waking up the next day again, having breakfast alone again.’

“Masakit, but I can’t do anything about it, because I really have to work hard.”

Dugtong pa ni Jaclyn, “Hindi ako kumibo noon because ngayon naman, I know she will understand sa anak niya.”

Sa kabila ng sitwasyon nilang mag-ina ngayon, hindi naman daw maiaalis kay Jaclyn ang pagmamalaki sa anak at sa mga nagagawa nito sa kanyang career.

Sabi niya, “Of course, up to now, I’m still texting her kapag may makikita akong magandang eksena sa Dyesebel.

"’You’re so pretty, you’re so good, take care of yourself.’

“Nakakaano rin naman ako ng mga paabot na salita, na she misses me.

"And minsan naman, kapag umuuwi ‘yan, may dalang pasalubong na, ’O, ibigay mo sa mommy ko.’

"Drama Queen daw ako, e. Drama Princess naman siya.”

HER LOVELIFE. Napag-usapan din ang tungkol sa lovelife ni Jaclyn.

Natatawang sabi ng mahusay na aktres, “Hindi ko nga alam, mukha naman akong bata, wala!

“And I can lose my tummy kung may makita ako. Ito lang naman ang problema ko.”

Payag siyang maging "cougar"?

“Ayaw!” mabilis na sagot ng 50-year-old actress.

“At saka, uso ngayon na ang daming ka-age ko, may lovelife na ganoong age din.”

Kung mas bata man, hanggang anong edad ng lalaki ang kaya niyang tanggapin o makarelasyon?

“Siguro sa ganitong age ko, three to four na lang or mas matanda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan pa ang huling nakarelasyon niya?

“Medyo matagal-tagal na rin, at saka quiet ang personal life ko, ‘di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN