Bernard Palanca and Jerika Estrada now proud parents to a baby boy

Actor Bernard Palanca happily announced on his Instagram account that he is now a father to a healthy baby boy, after girlfriend Jerika Ejercito gave birth today, May 7.


Nanganak na ang girlfriend ni Bernard Palanca na si Jerika Ejercito.

Isang malusog na baby boy ang isinilang ni Jerika ngayong araw, May 7.

Pinangalanan nina Bernard at Jerika ang kanilang anak bilang Isaiah Joseph Ejercito Palanca.

Sa pamamagitan ng Twitter post ng nakababatang kapatid ni Jerika na si Jake Ejercito kaninang hapon, ibinalita nitong nasa ospital ang kanyang ate upang isilang ang anak nito.

Sina Jerika at Jake ay mga anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

At bago mag-alas-siete ng gabi, nag-post na si Bernard sa Instagram (@bjpalanca) ng larawan ng kapapanganak niyang sanggol.

May caption itong: “My son ISAIAH JOSEPH EJERCITO PALANCA has arrived! :)) thank you LORD for the safe and healthy arrival of my boy! :))”

Kasunod ng caption ay isang komento na galing pa rin kay Bernard patungkol naman kay Jerika:

“Congratulations @mariajerikaejercito you did an awesome job....im proud of you mama. i love you! (kiss)”

Sumunod nito ay nag-post din si Bernard ng larawan ng kanilang bagong silang na anak, katabi siya at si Jerika.

Ang caption ni Bernard sa larawan: “The new addition to my family! happy father. happy partner. I am truly blessed with the best things in life!”

Si Isaiah Joseph ang unang anak ni Jerika, samantalang pangalawang anak naman ito ni Bernard.

May anak din ang aktor sa dating asawa na si Meryll Soriano—ang anim na taong gulang na si Elijah.

Bagamat matagal nang hiwalay sina Bernard at Meryll, nananatili pa rin silang magkaibigan.

Sa ulat ng PEP noong February 2014, maganda raw ang relasyon ng dating mag-asawa.

Suportado rin ni Meryll ang pagbubuntis noon ni Jerika.

Sa Instagram account nga ni Jerika ay nag-post pa siya ng mga larawan nina Bernard at Eli habang nagba-bonding.

Read: Bernard Palanca and girlfriend Jerika Ejercito expecting their first baby; Bernard still friends with ex-wife Meryll Soriano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN