Elmo Magalona open to working again with former screen partner Julie Anne Jose

Twenty-seven daw ang ideal marrying agae para kay Elmo Magalona. Pahayag ng 20-year-old actor-rapper, "I think that’s also better din para you have time to think din. Kasi hindi naman maliit na bagay yung gagawin mo, e. It’s like sharing vows with someone that you gonna spend the rest of your life with, so hindi siya maliit na bagay talaga."


Wala raw problema kay Elmo Magalona na makatrabahong muli ang kanyang dating ka-loveteam na si Julie Anne San Jose.

Pahayag ng Kapuso young actor-rapper, “Ako po, I’m open to work with anyone.

"Kasi, iyon nga, parang ano, e, mangyayari din yun when you’re an actor.

“And siyempre, iba-iba yung makaka-partner mo or iba yung makakatrabaho mo.

“So, ayun, as much as gusto kong sobrang tumagal pa yung Villa Quintana, parang may ending pa rin ang lahat ng shows.”

Dagdag niya, “Hindi ko lang po alam kung saan, paanong work.

“Like, kung sa singing ba or acting or kung anumang work, pero I’m open.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa bloggers’ conference ng Kapuso afternoon soaps noong Linggo, May 4, sa GMA Network Center.



MORE COMFORTABLE WITH JANINE? Pero ngayon ba ay mas kumportable na siyang katrabaho ang kapareha niya sa Villa Quintana at rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez kumpara kay Julie Anne?

Pahayag ni Elmo, “Hindi ko rin naman puwedeng i-compare kasi magkaiba sila and magkaiba rin yung experience ko nung time na yun.

“Pero right now siguro, timing rin, na kung gaano ako kakumportable sa sarili ko, ganun din yung effect nung time na kasama ko si Janine.

“Kasi before, parang hindi ako kumportable sa sarili ko, hindi ako makapagganito, hindi ako expressive, iyon lang.”

Mas maganda at mas pleasant na nga ang aura ni Elmo ngayon, at kapansin-pansing mahusay na siyang sumagot sa mga tanong ng media kumpara dati.

Nakangiting sabi niya tungkol dito, “Ano lang po siguro, like, nakatulong din lang po talaga yung workshop ko, like, last year, na maging ganito ako ka-open.”

Hindi ba’t nag-workshop din sila noon ni Julie Anne?

“Siguro mga tatlong beses lang po, eto kasi, full-on,” paliwanag ni Elmo.

Marami ang nagsasabing mas effective ang team-up nila ni Janine kaysa sa team-up nila ni Julie Anne. Ano ang reaksiyon niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Elmo, “Ako po, natutuwa rin po ako na ganun.

"Kasi, iyon nga, galing kami sa brother-sister relationship sa past namin na show.

“’Tapos ngayon, iyon, in-accept ng viewers yung Isagani-Lynette na team-up namin ni Janine.”

Unang nagkasama sina Elmo at Janine sa weekly show na Together Forever (2012), pero magkapatid ang papel nila doon.

Hindi ba naapektuhan ang friendship nila ni Julie Anne? Lalo pa’t halos wala na silang komunikasyon at hindi nagkakasama sa trabaho, hindi tulad noon na halos araw-araw silang magkasama?

Saad ni Elmo, “Yung ano lang, kasi sobrang busy rin si Julie, yung time din siguro.

“And like, she’s… parang nagkakakumustahan pa rin naman, like, once in a while. Iyon.”

Hindi pa ba sila nagkaroon ng pagkakataon ni Julie Anne na mag-usap tungkol sa bashers ni Janine, na ang iba diumano ay JuliElmo fans?

Sagot ni Elmo, “Opo, actually hindi pa namin napag-uusapan yun. Pero siguro pag-uusapan din namin yun.”



SAAB’S ENGAGEMENT. Engaged na ang kapatid ni Elmo na si Saab Magalona sa boyfriend nitong si Jim Bacarro.

Read: Saab Magalona now engaged to musician Jim Bacarro

Excited daw si Elmo para sa kapatid.

“Yes! Kaya nga, e, parang hindi ko… ganun na nga siguro kami katanda na!

“May ikakasal na sa aming magkakapatid.”

Beforehand ba ay sinabihan na sila ni Saab na engaged na ito?

Ayon kay Elmo, “Kasama kami nung nag-propose sa kanya si Jim.

“And kami rin, may alam kami kung paano ang mangyayari.

“Pero iyon nga, sobrang dream yun ni Saab na magpakasal kasama ng mga cherry blossoms.

“So, ayun, happy na nabigay sa kanya yun ni Jim.

“And, I think, like this next chapter in her life would be like the best of hers.”

Hindi raw ikinalungkot ni Elmo na mag-aasawa na ang kapatid niya.

Sabi niya, “Hindi naman ako nalulungkot dun kasi ano yun, e, parang kumbaga, after twenty years, kami-kami ang magkakasama, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, I think, this time, dapat ibigay na rin niya yung time niya sa ibang tao, sa magmamahal sa kanya.”

Next year ikakasal si Saab, pero wala pang eksaktong petsa.

Mas matanda ang isa pang kapatid nilang si Maxene Magalona kay Saab. Ayos lang ba sa ate niya na naunahan pa siya ni Saab na mag-asawa?

“Kasi ano naman, e, parang hindi naman siya competition, e!” at tumawa si Elmo.

Sa iba kasing magkakapatid ay mas normal na mas unang ikinakasal ang mas matanda.

“Hindi kami ganung pamilya, so walang ganung competition.”

So, may posibilidad na mas mauna rin si Elmo na mag-asawa kaysa kay Maxene?

“Hindi po siguro mangyayari yun!” tawa na naman niya.

“Kasi, wala pa ako sa mentality na papakasal ako, ganun.

“Kasi ngayon nga, feeling ko, hindi pa ako nakakawala sa teen life ko.

“So, imposibleng maisip ko na magpapakasal na ako.”

Twenty-seven daw ang ideal marrying age para kay Elmo.

Mas uso nga sa mga artista ang late na nag-aasawa dahil mas inuuna ang career.

Pagsang-ayon ng 20-year-old actor, “Yes. And I think that’s also better din para you have time to think din.

“Kasi hindi naman maliit na bagay yung gagawin mo, e.

“It’s like sharing vows with someone that you gonna spend the rest of your life with, so hindi siya maliit na bagay talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN