Gladys Reyes clarifies tweet about Boy Abunda’s "insensitive" interview with Wowie de Guzman

Bilang kaibigan ni Wowie de Guzman, na kailan lang ay namatayan ng asawa, isang "insensitivity" para kay Gladys Reyes na tanungin ito tungkol sa kanyang pagpapa-interview bilang paraan daw upang makabalik sa showbiz.


Umani ng batikos mula sa Netizens ang naging unang tanong ni Boy Abunda sa live interview nito kay Wowie de Guzman sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, May 4.

Naging “insensitive” diumano ang batikan at award-winning TV host nang tanungin nito si Wowie ng: "Is it true that you’re granting interviews because you want to return to the industry?"

Kalilibing lang kasi ng namayapang misis ni Wowie na si Sherryl Ann Reyes noong Sabado, May 3.

Sumakabilang-buhay si Sherryl isang buwan pagkatapos niyang isilang ang panganay nilang anak ni Wowie.

Ang sagot ni Wowie sa naturang tanong ni Boy: “Hindi naman po ako naghahanap ng interview o nanghihingi ng interview.

“Actually, nakikiusap sila sa akin. Pinagbibigyan ko lang.

“I feel na miyembro pa rin naman ako ng industriya kahit na hindi naman ako ganoon ka-visible sa TV.

“Karapatan naman siguro ng tao na malaman kung ano ang nangyari because ang daming nagtatanong.”

Read: Wowie de Guzman answers speculations about his wife’s death

Isang Twitter user na nagngangalang Richard Bolisay ang nag-post ng reaksiyon niya kaugnay ng tanong na iyon ni Boy: “Boy Abunda starts his interview with Wowie de Guzman by posing a rather sensitive question ---- Is it true that you’re granting interviews because you want to return to the industry? Very sensitive, ha.”

Dito ay nag-comment din ang malapit na kaibigan ni Wowie na si Gladys Reyes.

Sabi ng aktres, “I agree.”

Nag-tweet din si Gladys ng mensaheng ito: “Hindi ako maka-get over. Bilang kaibigan, parang how insensitive para itanong un, at para sa first question?! Spell INSENSITIVE??!"

Ngunit binura rin ito ng aktres kalaunan.



BOY ABUNDA APOLOGIZES. Kaninang tanghali, May 8, sa presscon ng bagong show ni Gladys sa GMA Network, ang Basta Every Day Happy, nagpaliwanag ang aktres tungkol sa naging reaksiyon niya sa naturang panayam ni Boy sa kanyang kaibigang si Wowie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit bago ito, nagpasalamat muna si Gladys na hindi siya tinanong tungkol sa isyu during the question-and-answer portion dahil “happy” raw ang tema ng presscon.

Pahayag niya, “Una po sa lahat, actually ayaw ko na nga pong i-open ulit, kasi nga baka lumaki pa.

“Once and for all na lang po, ano, hindi po ako galit kay Tito Boy Abunda.

"And okay na po, for the record.

“Hindi lang naman po ako sa Twitter, kumbaga, inilabas ko yung saloobin ko.

“I even texted mismo si Tito Boy, sa kanyang mismong dalawang numbers.

"And wala pa yatang one minute or after a minute, nag-text back na siya, and he was very apologetic sa nangyari.

“And hindi lang naman sa amin na mga kaibigan ni Wowie, even kay Wowie, very apologetic siya.

"And then for that, I admire him for his humility.

“Siyempre, sa gesture na yun, sana huwag na po nating anuhin, okay na po...

"At napaka-humble ng gesture na yun ni Tito Boy, and we really appreciated it na na-address yung concern."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN