Marian Rivera on cosmetic surgery: “Very open ako diyan.”

Marian Rivera, Belo Medical’s newest endorser, was asked if there is any part of her body that she is insecure of. She replied, “Sa araw-araw na paggising ko ay thankful ako sa nakikita ko sa salamin. Confidence!”


Ipinakilala sa entertainment press si Marian Rivera bilang bagong endorser ng Belo Medical Group, kanina, May 8, Huwebes, sa Luxent Hotel, Timog Avenue, Quezon City.

Naroon din si Dra. Vicki Belo at anak nitong si Cristalle Henares upang samahan si Marian.

Dahil tungkol sa pagpapaganda ang endorsement, tinanong si Marian kung anong bahagi ng kanyang katawan ang hindi siya kuntento.

“Sa araw-araw na paggising ko ay thankful ako sa nakikita ko sa salamin. Confidence!” nakangiting sagot ng Kapuso Primetime Queen.

Isang miyembro ng entertainment press naman ang nagtanong kay Dra. Belo kung masasabi ba niyang walang ipinaretoke ang pinakabago nilang endorser.

Tugon niya, “Not just with my expert eye, I’ve examined her from head to foot… all naked, so I really know that she has not done anything.

“I know many stars would deny.

"Kung minsan iniinsulto pa ako kasi parang [akala nila hindi ko nahahalata ang ipinagawa nila].

"Ano ako, tanga? Kitang-kita ko naman, ’di ba?

“Pero with Marian, talagang wala siyang ginawa. Lahat is originally hers.”

OPEN TO SURGERY. Pero wala mang retoke sa kanyang mukha at katawan ngayon, sinabi ni Marian na bukas siya sa cosmetic surgery kapag nagkaedad na siya.

“Very open ako diyan. Naniniwala kasi ako na ang babae, kailangan inaalagaan ang sarili,” rason ni Marian.

Dagdag niya, “Hindi yung sa dahil may kailangang tanggalin o iretoke, pero dapat kung gaano mo kamahal yung sarili mo, nakikita yun ng mga tao, higit lalo ng partner mo.

"So, dapat lagi kang presentable."

Iniendorso ni Marian ang dalawang body procedures ng Belo—ang Laser Hair Removal at ang Venus Freeze.

Kung ang hair removal ay ang proseso ng pagtatanggal ng buhok sa katawan, ang Venus Freeze naman ay ginagawa upang maging firm at toned ang mga bahagi ng katawan.

SUPPORT FOR DINGDONG. Nangingiti rin si Marian nang ibahagi na ito raw ang panahon na pinakamaganda siya, ayon mismo sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi niya, “Si Dong naman ay very vocal sa pagsasabi ng mga bagay-bagay tungkol sa akin.

"Pero siguro sa mga pagkakataong ito, sinasabi niya na ito yata yung pinaka-peak na sobrang gandang-ganda siya sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit."

Sa kabilang banda, proud girlfriend naman si Marian sa pagkaka-appoint kamakailan kay Dingdong bilang commissioner-at-large ng National Youth Commission (NYC).

Batay sa website ng NYC, ang trabaho ng commissioner-at-large ay manguna sa “formulation of policies and in the setting of priorities and direction of all youth promotion and development programs and activities; and to encourage wide and active participation of the youth in all governmental and non-governmental programs, projects and activities affecting them.”

Ano naman ang masasabi ni Marian sa bagong achievement na ito ng kanyang kasintahan?

Tugon niya, “Sobrang proud ako sa kanya.

"Umpisa pa lang kasi very open na si Dong sa pagtulong sa mga kabataan.

"At naniniwala ako na magandang ehemplo siya sa kabataan, especially nung tinapos niya ang pag-aaral niya, na hindi hadlang ang age para makatapos ng pag-aaral.

“Naniniwala ako na ibinigay ‘yon sa kanya dahil alam ko magagampanan niya.”

Noong Marso ay nagtapos si Dingdong ng kursong BS Business Administration major in Marketing sa West Negros University sa Bacolod City.

Read: Dingdong Dantes on graduating from college: “Kung gusto, maraming paraan. Kung ayaw, maraming dahilan.”

Hindi rin daw isyu kay Marian kung magiging kahati niya sa oras ang bagong posisyon ni Dingdong.

“Okay lang, as long as gusto niya ang ginagawa niya at makakatulong siya, higit lalo sa mga kabataan, susuportahan ko siya.

"Nasa likod niya ako all the way," sabi niya.

Hindi naman makapagsalita nang tapos si Marian kung ang lilinya na ba sa pulitika si Dingdong.

“Sa ngayon, mahirap magsalita, pero kung ano ang ibinigay sa kanya, alam kong tatrabahuhin niya ‘yon at pagsisikapan niya na patunayan na talagang karapat-dapat siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At isa ako sa mga naniniwala sa kanya.

“Number one fan niya ako parati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN