Dingdong Dantes begins work on new primetime series and another horror movie

Marami ang humahanga kay Dingdong Dantes dahil halos lahat ay nasa kanya na. Nang tanungin kung mayroon pa bang kulang sa buhay niya, tugon ng aktor, "Hindi naman ako yung tipo ng taong binibilang ko kung ano ang kakulangan. I appreciate what I have. Kasi, kung bibilangin at bibilangin ko kung ano ang kulang, never-ending ‘yan. So, siguro mas maganda na rin na maging grateful tayo kung ano ang meron tayo at gamitin natin sa wastong paraan."


Binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang plug shoot ng upcoming primetime soap ng GMA Network na Ang Dalawang Mrs. Real, sa Fernwood Gardens, noong May 6, Martes.

Tampok dito sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano.

Sa plug shoot ay sabay na ikinakasal si Dingdong kina Maricel at Lovi. Kapansin-pansin ding magkapareho ang wedding gown na suot ng dalawang aktres.

During the break ay nakausap namin si Dingdong.

Kinamusta namin sa kanya ang nauna nilang nakunang mga eksena at ang pakikipagtrabaho niya sa unang pagkakataon sa Diamond Star na si Maricel.

Ayon kay Dingdong, “Habang tumatagal, mas gumaganda ang aming samahan.

“Kumbaga, yung comfort namin of working together, e, paganda nang paganda.

“So, maganda na naka-break in na kami, kumbaga, so we can already go deep in the story and our characters.”

Inamin ni Dingdong na kinakabahan pa rin siya kahit hindi na siya bagito sa pag-arte, dahil ilang teleserye na ang pinagbidahan niya at nanalo na rin siya ng acting awards.

Saad niya, “Oo naman, siyempre naman.

“Alam niyo, magandang hindi mawala yung mga ganoon.

“Number one, na-starstruck ako sa kanya [Maricel].

“Pangalawa, siyempre, bagong balik ako after a long time.

“Maganda kasi na may kaba, kasi mas exciting yung ganun kesa kapag sobrang confident mo na, di ba?

“Maganda yung palaging may excitement sa lahat ng bagay para, kumbaga, yung passion mo ay palaging nandoon.

“You’ll always want to improve and you’ll always look forward to new challenges.

“Ako, para sa akin, it’s one great challenge for me.”



LOVI POE. Si Lovi Poe naman ay ikalawang beses nang nakapareha ni Dingdong.

Una silang nagkasama sa horror-comedy film na Tiktik: The Aswang Chronicles noong 2012.

Kumusta naman ang pagtatambal nila sa pagkakataong ito?

Ayon kay Dingdong, “Masaya ako dahil, siyempre, iba naman ang nagtatrabaho ka sa pelikula, iba naman sa telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time naming magkakatrabaho sa TV and, kumbaga, she fits the role of Mrs. Real perfectly.”

May “say” rin ba si Dingdong sa pagpili sa cast?

Sagot niya, “Well, ako naman, e, nandiyan naman ang network. May tiwala ako sa kanilang choices.”



CONEY REYES. Kasama rin sa cast ng Ang Dalawang Mrs. Real si Coney Reyes, na gaganap bilang ina ni Dingdong.

Ito rin ang hudyat ng pagbabalik ni Coney sa GMA pagkatapos ng ilang taong paglabas sa mga teleserye ng ABS-CBN.

Nakapag-taping na raw si Dingdong kasama si Coney.

Dagdag pa ng Kapuso Primetime King, “Ako kasi, I see it as a whole, lalung-lalo na yung powerhouse cast.

“Bukod kay Ms. Maricel and Lovi, kumbaga, state-of-the art po talaga ang makakasama kong artista rito na sobrang grateful ako, dahil it’s not every day na makakakita ka ng ganitong klaseng lineup.

“And siguro, lalung-lalo na para sa mga katulad ko na mas siguro less experienced compared to them.

“The fact that working with them is already a big thing, marami po kaming puwedeng matutunan.

“Marami kaming puwedeng i-apply sa aming trabaho lalo na ngayon.”



HEAVY DRAMA. Ayon kay Dingdong, Ang Dalawang Mrs. Real ay “typical family drama that is extra complicated because of the plot.”

Dagdag niya, “So, status, it’s very, very complicated.”

Sa dami ng mga nagawa at pinagbidahan na niyang primetime series sa GMA, ano ang masasabing espesyal sa Ang Dalawang Mrs. Real?

Sagot ni Dingdong, “Well, siguro po, sa mga ginagawa ko, I make it a point na nag-i-step up palagi ang mga characters.

“Siyempre, natataon din, napapanahon din na nangyayari sa ating mga kapaligiran.

“Siguro, sa TV nowadays, our audience has become mature, yung mga plot, istorya natin, mas nagiging socially relevant. Mas nagiging very now.

“Siyempre, maaaring ito rin ang gustong mapanood ng mga tao. Mas nagiging kumplikado rin siya sa ganoong paraan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iko-compare ko sa nagawa ko in the past, pahirap nang pahirap siya, especially in this case, ako ay isang lalaki na may mga asawa…”

Ikinasal siya sa dalawang babae?

“Abangan nila!” natatawang sagot ng aktor.

KUBOT. Bukod sa Ang Dalawang Mrs. Real, nagsimula na ring mag-shooting si Dingdong ng bago niyang pelikula—ang Kubot: The Aswang Chronicles.

Ito ang ikalawang installment sa The Aswang Chronicles, na sinimulan noong 2012 sa pamamagitan ng Tiktik.

Kuwento ni Dingdong tungkol sa kanyang bagong pelikula, “Ako, naka-two days shooting na ako, sobrang exciting.

“Isa pa ’yon, kasi ibang larangan naman ang gagawin namin doon.”

Ayon sa Philippine mythology, ang “kubot” ay isang bat-like figure na kahawig ng payong dahil sa malaki at malawak nitong pakpak.

Sabi naman ni Dingdong, “Tandaan niyo, ang Philippine folklore, maraming iba’t iba at mayayaman na istorya.

“Siyempre, ang maganda rin diyan, we already have the liberty of reimagining this character.

“That’s why, siyempre, it’s a tale, pero magandang maiprisinta siya sa makabagong panahon, di ba?”

Mas bongga ba ang Kubot kaysa sa Tiktik?

Tugon ni Dingdong, “Sa aking palagay, given the fact na mas dumami ang cast namin, and the fact na mas dumami rin ang mga tipo ng mga aswang, at ito ay balak naming ipalabas sa isang napakahalagang petsa, marahil ay mas magiging maganda ‘to.”



ISABELLE DAZA. Sa Tiktik, si Dingdong at ang co-producers niya mismo ang namili kay Lovi Poe bilang leading lady niya.

Dito naman sa Kubot ay si Isabelle Daza ang makakapareha ng aktor. Isa rin ba siya sa pumili kay Isabelle para sa pelikulang ito?

“It was all our, kumbaga, unanimous decision,” sabi ni Dingdong.

Bakit si Isabelle?

Saad niya, “Lahat naman kasi, ang pinaka basehan ay kung kanino puwedeng bumagay ang isang role.

“And we need a character like her for the story to move forward because we plan to make it a franchise movie, that’s why it’s called Aswang Chronicles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kailangan umabante ang istorya at kinakailangang magkaroon ng element ng ibang klase ng nilalang.”

Bukod sa Kubot, may iba pa bang pelikula siyang gagawin sa taong ito?

Sabi ni Dingdong, “Maraming naka-lineup, pero siyempre, hangga’t hindi siya nag-uumpisa, hindi natin mapi-predict.

“Maraming puwedeng mangyari.

“Biglang may susulpot na magandang script na nagkataon din, hindi pa nag-umpisa ang isa at maganda ang timing.

“So, you know, things really happen magically for reasons, e.

“Minsan, hindi naman masyadong pinaplano ang lahat.”



OTHER ENDEAVORS. Noong panahong walang taping at shooting si Dingdong, naging abala siya sa ibang mga bagay.

Nagagawa niya ang hilig sa pagmu-motor, ang pag-aasikaso ng negosyo niya, at mga aktibidades ng pinamamahalaan niyang YesPinoy Foundation.

Bukod dito, nagawa rin niyang makapagtapos ng kolehiyo.

Paano niya binabalanse ang kanyang oras?

Ayon kay Dingdong, “Siyempre, alam mo, we have to live life.

“Hindi naman lahat ng ginagawa mo, may kinalaman sa trabaho.

“Although, ‘eto po talaga ang aming passion, pero maraming aspeto na kailangan mong pagtuunan ng pansin, like yung ginawa kong pag-aaral.

“At siyempre, kailangan mo rin ma-satisfy yung mga needs mo bilang isang taong hindi nagtatrabaho.

“Like, yung mga hobbies ko nagagawa ko, yung pagmo-motor.

“At siyempre, hinding-hindi mawawala ang aking commitment sa grupong itinayo ko, which is YesPinoy Foundation.

“May shooting man o wala, ‘yan ang aking life-long commitment—ang gampanan ang aking tungkulin.”

Sa ngayon, ongoing pa rin ang construction ng ipinapatayong building ng YesPinoy Foundation sa isang eskuwelahan sa Estancia, Iloilo, na naapektuhan ng bagyong Yolanda noong 2013.

Lahad ni Dingdong, “Ongoing ang pagtayo ng two-story school building.

“Hindi lang aabot siguro ng pasukan, pero may turnover ’yon.

“Pati ang project namin na One Chair, One Child is ongoing.

“So, we’re still raising funds for that.

“Kumbaga, kailangan lang naming ma-hit ang aming target.”

Kung titingnan, tila na kay Dingdong na ang lahat. Pero may kulang pa ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tugon niya, “Hindi, ayoko namang… hindi naman ako yung tipo ng taong binibilang ko kung ano ang kakulangan.

“I appreciate what I have.

“Kasi, kung bibilangin at bibilangin ko kung ano ang kulang, never-ending ‘yan.

“So, siguro mas maganda na rin na maging grateful tayo kung ano ang meron tayo at gamitin natin sa wastong paraan.”



JAPAN VACATION. Kinumusta rin ng PEP kay Dingdong ang nakaraang pagbabakasyon nila ng girlfriend niyang si Marian Rivera sa Japan noong Holy Week.

“Bitin!” natawang sagot ng aktor.

“Pero, masaya in the sense na nakapagpahinga si Marian dahil yun naman talaga ang kanyang bakasyon.

“Dahil sobrang tuluy-tuloy ang kanyang ginagawa noong panahong ’yon.

“So, masaya ako na nakapahinga siya.”

Pareho silang busy ni Marian ngayon. May oras o araw pa rin ba sila para sa isa’t isa?

Sabi ni Dingdong, “Well, meron naman.

“Weekend, hangga’t maaari. Sunday sa family o kung siya, puwede siya.

“Kasi, yung mga relatives niya nandito rin, so minsan, nandoon siya sa kanila.

“Noong fiesta nila, lahat kami pumunta sa kanila, kaming magkakapatid.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN