Julie Anne San Jose gets "kilig" when she sees Dennis Trillo, but says career and school remain her priorities

Julie Anne San Jose on her 9x Platinum record: "Sobrang blessing na talaga ito sa akin. I’m giving 101 percent of my time and effort na ibalik sa... mga taong tumangkilik at patuloy pa ring bumibili ng record ko. Kung di naman sa support nila na 101 percent din, di naman aabot sa ganung level yung album ko."


Kinikilig daw si Julie Anne San Jose kay Dennis Trillo.

"Ang natatanging ano ko lang naman po ay si Dennis," ito ang sagot ni Julie nang alamin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sino ang crush niya sa mga nagga-gwapuhang Kapuso actors sa GMA7.

Paliwanag pa niya na namumula ang mukha, "I really find him attractive.

"Pag nakikita ko siya, oo naman, may kilig factor.

"Kasi, di ba, kapag may crush ka naman sa isang tao ay di naman maiwasang kiligin ka, di ba?

"Like nung magkasama kami sa isang production number sa SAS (Sunday All Stars), ano, wala, nakakatuwa lang.

"Nakakatuwa lang yung feeling na ano, si ganito, si ganyan ay katabi ko.

"Kaka-starstruck, di ba?"

Nakapanayam ng PEP ang singer-actress noong Miyerkoles, May 7, sa pocket presscon na ginanap sa Dulcinea sa Tomas Morato para sa kanyang debut self-titled album na umabot na sa 9X Platinum.

Paano raw kung sakaling isang araw ay magpadala sa kanya ng bulaklak at tsokolate ang aktor?

Natatawang sagot niya, "Wow... ano nga ba ang magiging reaksiyon ko?

"Siyempre, masaya.

"Di naman siguro mangyayari ’yon, masyado siyang over-qualified.

"Wala, crush ko lang siya, dati, si Dingdong [Dantes]."

ZERO LOVELIFE. Pero, wala pa rin daw sa isip niya ang lovelife kahit sabihin pang 20 na siya sa darating na May 17.

Aniya, "Hay, zero love life pa rin.

"Ako kasi, I have other priorities in life, one is school, I wanna graduate from college.

"Maging successful person din in terms of my craft.

"If ever kasi I start to be committed with someone na, like sayang, e.

"Masasayang lang kasi parang di ko mabibigyan ng atensiyon.

"So, it’s better na hayaan ko na lang siyang ganyan, happy naman ako na mag-isa lang ako, na single lang ako."

Third year student si Julie Anne San Jose sa kurso nitong Communication Arts sa Angelicum, Quezon City, at hindi rin daw niya iniisip na magkaroon ng boyfriend sa taong ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kanya, "Hindi ko naman po napu-forsee na magkakaroon ako this year.

"Kasi nga, focus talaga ako sa work and sa school.

"Ang love, nandiyan lang ’yan sa tabi-tabi.

"Ang love naman ay puwede mo namang i-focus ’yan kay God at sa family, di ba?"

GIFT TO PARENTS. At saka, talaga raw pangarap niya ang magkaroon ng college degree sa kabila ng pagiging abala niya sa kanyang career.

Lahad niya, "Big deal sa akin yung makapagtapos ng pag-aaral.

"I really like school and ever since, I didn’t go sa home school, talagang sa regular school ako always.

"So, I always make sure na I get high grades.

"Kumbaga, yung makapagtapos ka ng pag-aaral, it’s the best gift you can give to your parents.

"Kapag nakapagtapos ka, ang sarap ng feeling.

"Yung maka-graduate ka nga lang ng high school lalo na ’pag nasa showbiz ka, malaking bagay na, di ba?"

RUMORED SUITORS. May mga na-link din naman sa kanya tulad nina Elmo Magalona at Alden Richards pero sa ngayon, water under the bridge na lang ito, ’ika nga.

Saad ng Kapuso star, "I think, I already answered that a lot of times, kaya ayaw ko nang mag-comment tungkol sa kanila.

"I think both are happy naman kung sino ang... wala naman po akong kinalaman sa kanila.

"So, be happy na lang kaming lahat."

Marami pa rin ang naintriga nang minsan daw ay tanungin siya tungkol kay Alden at ang naging sagot niya ay, "Next question, please."

Kaswal niyang sabi, "Wala naman po ’yon sa akin.

"Let’s move on na lang, 2014 na, let’s move on sa mga issues na...

"Move on, move na, hayun lang."

PLATINUM RECORD. Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa raw makapaniwala na umabot na sa 9X Platinum ang kanyang debut album.

Bulalas niya, "Sobrang blessing na talaga ito sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Something na I owe so much sa mga taong tumangkilik at patuloy pa ring bumibili ng record ko.

"That’s why nga, I’m giving 101 percent of my time and effort na ibalik ’yon sa kanila.

"I reach out to them, sa mga tagahanga ko kasi parang family ko na sila.

"Kung di naman sa support nila na 101 percent din, di naman aabot sa ganung level yung album ko.

"Sobrang touched ako and I’m really praying na patuloy pa nila akong suportahan lalo na’t ire-release na ang second album ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN