Jake Vargas denies he’s being picky about accepting teleserye offers

Jake Vargas is excited about his first Cinemalaya project, Asintado, directed by Louie Ignacio. “Ang hirap nung role ko dito kasi probinsiyano ako na may punto yung salita. Heavy drama siya, napaka-challenging nung role ko," he says.


Mariing pinabulaanan ni Jake Vargas na tumatanggi siya sa trabaho kaya raw halos isang taon nang natapos ang soap niyang Home Sweet Home ay wala pa rin siyang bagong project sa Kapuso Network.

“Hindi totoo ’yan!" bulalas ni Jake sa PEP.ph ( Philippine Entertainment Portal ) nang pumasyal ito sa radio program ni German Moreno sa dzBB 594 kamakailan.

Saad pa niya, "Bakit naman ako tatanggi sa trabaho e, masarap na meron kang trabaho.

“Mahirap yatang mabakante, wala kang ginagawa, mas masarap yung lagi kang may trabaho.


“Ako pa e, napaka-workaholic ako.

"At alam naman ng marami na kaya ako nagtatrabaho nang nagtatrabaho ay para na rin sa pamilya ko.

“Siguro kaya matagal bago masundan yung soap ko ay dahil na rin sa wala pang bumabagay na role sa akin.

“’Tsaka hindi lang naman ako yung nababakante sa paggawa ng teleserye ngayon, marami din ay naghihintay pa ng trabaho.

“’Tsaka papaano nila sasabihin na tumatanggi ako sa trabaho e, tatlo-tatlo yung regular shows ko?

"Meron akong Pepito Manaloto, Sunday All Stars at Walang Tulugan with the Mastershowman.


“Who knows? Baka this year, magkaroon na ako ng teleserye."



ASINTADO. Nasabi ni Jake na ang dapat daw abangan ng mga manonood ay ang pelikula niya na pang Cinemalaya, ang Asintado mula sa direksiyon ni Direk Louie Ignacio.

Ayon dito, “Excited nga ako kasi first Cinemalaya movie ko ito.

"First ko ding makakatrabaho sa pelikula si Direk Louie na alam naman nating sobrang galing at metikuloso pagdating sa pagdidirek ng pelikula.

“Ang hirap nung role ko dito kasi probinsiyano ako na may punto yung salita.

“Heavy drama siya, napaka-challenging nung role ko.

"Ibang Jake Vargas ang mapapanood nila sa Asintado.

AWARD HOPEFUL. Pahayag pa ni Jake sa PEP na sana daw ay mapansin ng mga award-giving bodies ang kanyang acting sa pelikulang ito.

“Sana mapansin nila yung acting ko dito sa Asintado, kasi sobrang hirap at challenging talaga ng role ko dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Maraming iyakan at confrontation scene na dapat nilang abangan.


“Sana sa movie na ito magkaroon ako ng kauna-unahan kong acting award.


“Basta panoorin na lang nila yung movie namin para sila na lang ang magsabi kung okey ba yung acting ko dito o hindi."

BEA BINENE. Natanong din ng PEP si Jake kung may balak ba silang magbakasyon ni Bea Binene at kung saan nila gustong pumunta.

Sagot nito, “Siguro sa Boracay o kahit saan niya gusto basta makakapag-relax kami at mag-e-enjoy nang husto.


“Ang mahalaga naman magkasama kami at masaya. Kaya kahit saan okey lang sa akin."

Pero ni hindi raw nila mapag-usapan ni Bea ang magbakasyon.

"Kasi medyo busy din kami sa mga ginagawa namin.

“Sayang nga hindi kami nakasama nung nag-Boracay yung mga co-tweens namin.

"Bonding sana namin ng mga tweens ’yon kaya lang may trabaho ako dun at ganun din si Bea kaya hindi na kami nakasama."

Ang tinutukoy ni Jake na mga co-tweens niya ay sina Teejay Marquez, Hiro Peralta, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio.



Pero dagdag pa ng aktor, “’Tsaka parang bakasyon na rin kasi namin ni Bea yung taping ng Pepito Manaloto sa Hongkong, Macau, at Vietnam."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN