Marian Rivera shrugs off claims that her billboard photos are altered: "Okay lang kung sinasabi nilang edited, ang importante yung billboard maganda.”

Marian Rivera on Anne Curtis: "Si Anne is very good friend ... at mabait siya sa akin. At naniniwala akong mabait siyang tao.”


Tuwang-tuwa ang Kapuso primetime queen na si Marian Rivera dahil inilunsad na siya bilang pinakabagong celebrity endorser ng Belo Medical Group.

Sa wakas daw ay magkakasama na sila ng boyfriend nitong si Dingdong Dantes na matagal ng Belo endorser.

Natanong tuloy ng mga press si Marian kung may kinalaman ba si Dingdong kaya napunta siya sa Belo?

“Wala naman, nakakatuwa lang isipin na finally mayroon kaming isang ini-endorso na magkasama kaming dalawa at ito nga yung Belo.

"Ang tagal na, e, six years na si Dong sa Belo, tapos ako, eto pa lang.

"Siguro naniniwala rin ako sa tamang panahon at ito yung tamang panahon na napunta ako sa Belo,” sabi ni Marian.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Marian sa presscon na ibinigay sa kanya ng Belo bilang bagong endorser na ginanap kahapon, May 8, sa Luxent Hotel.

ANNE CURTIS. Aware din daw si Marian na isa rin sa mga endorser ng naturang aesthetic clinic ang kaibigan niyang si Anne Curtis.

Ngayon daw ay may mas pagkakataon si Marian na makilala rin ang iba pang endorsers ng Belo, bukod kina Dingdong at Anne.

Aniya, “Maganda ’yon, mas maraming kasama mas okay, di ba? Mas marami kang makikilala.”

Kapag tumatanggap ba siya ng endorsement ay tinatanong niya kung sino pang celebrities ang makakasama niya?

“Ay, hindi. Ang trabaho kasi sa akin ay trabaho e, puwede akong maging professional pag dating sa trabaho ko.”

Pero kung si Anne daw ang makakasama niya sa isang TV commercial o campaign ay walang problema kay Marian.

“Si Anne kasi ay kaibigan ko naman talaga.

"Hindi man kami nagte-text-an o lumalabas na magkasama, e, alam namin na magkaibigan kaming dalawa.”

Matatandaan sa isang interview ni Marian ay isa siya sa natuwa sa pagganap ni Anne bilang bagong Dyesebel sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang ginampanan ng Kapuso actress ang role ng sikat na sirena sa GMA-7 noong 2008.

Sabi nga ni Marian noon, “Wala akong nakikitang masama na maging Dyesebel si Anne.

"Dahil Anne is very beautiful, napaka-lovable ni Anne at bagay siya bilang Dyesebel.

"Happy ako na si Anne ang gagawa niyan.”

ANNE IS GRATEFUL. Nang makarating ito kay Anne ay nagpasalamat siya kay Marian.

Hindi rin daw naniniwala ang Kapamilya actress sa intrigang may mga pangit na sinasabi si Marian sa kanya.

Sabi ni Anne, “Natutuwa ako kay Marian, ang bait-bait niya, kasi nga nagkakasama kami.

"Hindi ako naniniwala sa nagpapasimula ng tsismis sa aming dalawa, na sinabi niyang hindi raw bagay.

"Kasi alam kong hindi niya ‘yon masasabi kasi friends kami.”

Sa Belo presscon ay ipinaalam naman ng PEP kay Marian ang pagpapasalamat ni Anne at ang reaksyon niya rito, “Alam mo dito sa industriyang ito ay maliit lang ang mundong ginagalawan natin.

"Siguro mas maganda yung magsalita tayo ng maganda sa kapwa natin at yung totoo, kaysa yung magsalita ng hindi maganda.

Nakasuporta lang daw siya kay Anne anuman ang pagdaanang intriga o problema ng kaibigan. Kung kakailanganin daw nito ng tulong ay lagi siyang nakahandang tumulong.

Bilang suporta, posible kayang manood siya ng nalalapit na concert ni Anne?

“Titignan ko, especially kung i-invite niya ako.”

BILLBOARD ISSUE. Samantala, bilang Belo endorser ay may walong billboards daw si Marian na nakakalat sa Metro Manila, karamihan ay makikita sa EDSA.

Pero ano ang masasabi niya sa mga nang-iintriga na edited o photoshopped daw ang pictures niya sa billboards?

“Siguro hindi naman natin maiiwasan yung mga pagkakataong ganyan.

"Hindi naman natin mapi-please ang lahat pero may mga raw pictures po kaming inilabas.

"So siguro ’yon naman ang magpapatunay na wala namang edited.

"Okay lang kung sinasabi nilang edited, ang importante yung billboard maganda.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN