Vicki Belo says Marian Rivera inspires her to take life in stride

Dra. Vicki Belo waited a long time to snag Marian Rivera as a Belo endorser and now that it’s happening, the doctor is wowed: “She’s real talaga, walang kaplastikan itong taong ito.”


Matagal na raw minamataan ni Dr. Vicki Belo si Marian Rivera na maging endorser ng Belo products.

At saad nga nito, “Why Marian? My God! Well, of course, she’s FHM’s sexiest and prettiest two years in a row.

"She’s really, really one of the loveliest faces, di ba?

“So for the longest time actually, we’ve been hoping that she would come to Belo."

Nang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dra. Belo sa presscon nila para kay Marian, May 9 sa Luxent Hotel, ay nagpaliwanag ito kung bakit ngayon lang kinuha ang Kapuso primetime queen na endorser.

"Usually kasi, we don’t really approach people.

"I guess, you know, we wait for them to show an indication that they want to come to Belo.

"But through Dong [Dingdong Dantes] she’s the one who, ano naman, said she wanted to come to Belo already,” ang pahayag ng doktora.

RIVAL CLINIC. Maingat daw talaga ang Belo Medical Center sa pakikipagusap nito sa mga artista bilang product endorser.

Ayon sa doktora, “Kasi, what we don’t want to do is parang get people from other clinics.

“Parang it’s not nice, and kasi we’re so sanay that people do that to us, di ba?

“Kasi, usually naman puro ex-deal-ex-deal lang ako.

"And you know naman Belo has been around for 24 years already.

"So when the new clinics are making sulpot, ang nangyari, they try to pay the stars to transfer, ganun.

“So I was a victim of the feeling na inaalagaan mo yung isang star na napakatagal and you have a relationship with them.

"And then sinusulot, so I don’t want to do that.”

Ayaw niyang magbanggit kung sino ang mga ito.

“Marami naman... actually may nagsabi naman sa akin imposible namang hindi mangyari kasi almost all the stars are with Belo, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So parang kung hindi gagawin ’yon... pero I don’t like the feeling, so kami, tahimik lang kami whenever ano."

DINGDONG. Kaya nagpapasalamat daw si Dra. Belo kay Dingdong sa pagkakaroon ni Marian ng interest na maging endorser ng clinic niya.

Kuwento niya, “Ang nangyari nga si Dong ang nagsabi kay Hayden [Kho Jr.] and then Hayden [asked] us if we’re open to getting Marian.

“Yeah, we’re very happy naman to have her.”


Si Dingdong ay Belo endorser noon pa man.

Dagdag kuwento pa ni Dra. Belo, “When we got Dong way before, hindi pa sila, e, so ang tagal na talaga ni Dong sa amin.

"Si Dong, he’s very loyal, he’s always coming to Belo almost every week, every two weeks nandun siya.

“I guess she [Marian] had her own thing, we don’t really ask, e.

"What happened was he [Dingdong] approached Hayden and said parang Marian wants to be with the Belo family.

“She’s such a big star we wanted to launch her, it’s such a big thing for me.

"It’s, ‘Wow! Marian Rivera is with Belo.’"

BILLBOARDS. Si Marian ang endorser ngayon ng Venus Freeze at Laser Hair Removal services ng Belo clinic.



Sa pagkakaalam ni Dra. Vicki ay may walo o siyam na billboards si Marian bilang endorser nila.

“Yes, it’s very ano... that we have all our billboards for one star.

“Normally, kasi sa dami ng stars namin, parang three or four stars are [on a billboard] at the same time.

“We love the new campaign and we love the pictures.

"And parang I told her [Marian] I really want to make a big splash.

"Kasi, we notice pag masyadong marami namang stars hindi ganung kaingay.

“So we’re trying this new thing na one star at a time and see if it’s better, if it’s more effective.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT SNOOTY. Bilang endorser, ano ang masasabi niyang kaibahan ni Marian sa iba?

“Well, everybody has his/her own personality, what I like about her, I think, more than anything is, I was a bit scared.

"Kasi yung reputation niya hindi… iba, di ba?” at tumawa si Dra. Belo.

“But when I met her, my God, napaka-opposite!

“And of course, I also understand kasi kung minsan, may sinasabi ring things about me na hindi naman totoo.

"But ang layo niya talaga kasi she’s shy pala, that’s why sometimes she comes off as being snooty.

“It’s not because she’s snooty, she’s shy.

"So, like when I see her before with Dong, she’ll just look at me, she won’t say hello.

"But now, when she enters the clinic, she’s so masaya, she’s laughing.

"She’s madaldal with everyone, so nakikita mo talaga this is her natural self."

DECENT. Isa pa raw na hinahangaan ng doktora sa akres ay ang pagiging disente nito.

“Of all the stars, I think she’s very decent.

"She’s always asking permission if she’s not sure, ‘Okay ba itong gagawin ko?’

“Kunyari mag-e-endorse ng something na hindi niya alam kung related ba sa skin... lagi yang tatawag, ‘Doktora, okay lang ba ito?’

“Sabi ko nga, ‘You know you’re so disente.’

“Kasi other people I know will just endorse it and then make bawi later, parang kunwari hindi nila alam na related.

“Kasi, me naman, I’m very ano with them, I mean it’s ex-deal but it’s nice that somebody [asks] permiso.

"Somebody says something, di ba, nakaka-importante sa akin.

“And then she’s very active on Instagram, she’s so excited to join the family, napi-feel mo talagang ‘Yiheee. I’m with Belo!’

“Yung ganun. Sabi ko, ‘Wow I’ve never seen anyone so excited naman.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As if naman may kailangan siya."

INSPIRING. Ang isa pang description ni Dra. Belo kay Marian ay "most child-like" daw ang aktres.

Aniya, "Hindi ko sinasabing childish kasi hindi naman, pero child-like, yung pagpasok, basta enjoy lang siya.

“She’s inspiring, kasi I tend to be a little more dramatic, parang my life is such...

"Parang you know, sa dami ng trials na dinadaanan ko, parang sometimes you get tired.

"But then when I see her, pinagtatawanan niya lang lahat ng mga nangyayari sa kanya, sabi ko dapat ganun talaga.

"You know, if you’re not doing anything wrong, di ba?

“And then when I talk to Dingdong, lagi niyang sinasabi, ‘I love her ’cause she’s just so happy!’

“And then you know, she shows me pictures, she’s like a kid, e.

"She’ll show me pictures of her lola making tirintas her hair, ‘I visited my lola today.’

“It’s always lola, mommy, daddy—very makapamilya ito.

"She’s very ano, wrong word, pro-family, wrong station,” at tumawa si Dra Belo.

Patuloy pa niya, “There is a Sunday, usually, tahimik na ’yon sa Belo.

"Pero pagpasok niya nung Sunday, dyusko, nabulabog na yung buong clinic.

"Lahat ng receptionist tumatawa kasi nagpapatawa ’yan, she’s funny.

“And she’s real talaga, walang kaplastikan itong taong ito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN