Alessandra de Rossi amused by rumor linking her to Sid Lucero: “Hintayin niyo na kami naman ni Chef Boy [Logro] ang ma-link.”

Alessandra de Rossi denies rumor linking her to Sid Lucero: “Siguro dahil may isang tsismoso roon na hindi alam. Siguro sa GMA, kilala na kung paano kaming dalawa, e. Magkaibigan talaga kami.”


Kilala si Alessandra de Rossi bilang isa sa pinakamahusay na aktres sa kanyang henerasyon.

Pero ngayon, ibang larangan naman ang ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso network.

Masusubukan naman ang galing ni Alessandra bilang host dahil isa siya sa apat na host ng bagong morning variety-talk show na Basta Every Day Happy.

Makakasama ni Alex dito sina Donita Rose, Gladys Reyes, at Chef Boy Logro.

Sabi naman ni Alessandra nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Building noong May 8, para sa press conference ng Basta Every Day Happy, hindi naman daw ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakapag-host siya.

Ayon kay Alessandra, “Ito lang ang unang talk show na kasama ako sa umpisa pa lang.

“Kasi, nag-MMS [Music Mo Sikat] naman na ’ko at Personalan, konti. So kahit paano, may experience na ’ko.

“Konti-konti lang, e. Ito noong ginawa siya, kasama na ’ko agad. Parang ginawa siya na kasama na ang pangalan ko.”

NO MORE “NEGA.” Natuwa ba siya nang malaman niyang morning show naman ang gagawin niya?

Sabi ni Alex, “Siyempre, alam niyo naman ang emote ko, ‘di ba?

“Gusto ko nang mag-retire bilang puro nga kanegahan na lang ang pinaggagawa ko.

“Puro kontrabida. Naapektuhan ako. Hindi ko na siya kaya. Ayoko na siyang gawin.”

Naapektuhan talaga siya ng karakter na ginagampanan niya?

“Oo,” saad niya.

“Hindi ba kapag nagagalit kayo, ‘di ba, kumukulo ang tiyan niyo after?

“Isipin niyo araw-araw ganoon ang ginagawa niyo, masisiraan ka ng bait kasi ako, hindi ako madaling magalit sa tunay na buhay. Sobrang bihira lang.

“Pero kung ganoon naman ang ginagawa niyo every day, pagka-’cut!’... ang dibdib mo, ang acid mo, hanggang dito na.”

Kaya masaya raw siya dahil sa bago niyang show, positibo lang palagi.

“Happy lang palagi,” lahad niya.

Masayahing tao naman daw kasi siya sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi nga niya, “Happy lang ako. I think lahat ng taong nakapaligid sa akin masasabing hindi ako nagsisinungaling kapag sinabi kong araw-araw akong masaya.

“Madali rin naman akong mainis, lalo na kapag may mga taong hindi tumutupad sa usapan. Madaling sumama ang loob ko ro’n.

“But since positive vibes ako palagi, next time. At saka, madali akong matuto.

“Once na hindi ka tumupad sa usapan, never na kitang pagtitiwalaan ulit. Never na akong mag-e-expect ng kahit na ano sa ‘yo.

“So kung may sinabi ka sa akin, kung hindi mo matupad, wala nang expectation.”

Sa Basta Every Day Happy, dalawa silang gumaganap na kontrabida palagi ni Gladys. May nagbiro tuloy kay Alex kung papahirapan din daw ba nila ang buhay ng isa pang co-host nilang si Donita Rose.

“Hindi naman kami kontrabida sa tunay na buhay and this time, we’re not playing character anymore.

“Ano na kami... as ourselves. So salamat naman sa Diyos. Hindi ko na kailangang magpaka-nega,” pahayag niya.

STILL SINGLE. May ilang taon na rin na tuwing tinatanong si Alessandra pagdating sa lovelife, iisa ang sagot niya—wala.

Pero, kumusta nga ba ang lovelife niya ngayon, happy naman ba?

Natatawa niyang sagot, “Everyday happy, ’di ba?”

Kung masaya naman pala, nangangahulugan ba itong meron na siyang lovelife ngayon?

“Hindi,” paliwanag ni Alex.

“I mean, life.

“Life siya [ang happy]. Love, ‘wag muna.”

Saka nito isinunod na, “Huwag niyo ‘kong i-pressure. Nakaka-pressure na nga ang mga kasama ko.

“I mean, kanina tinatanong ako kung ano ang nararamdaman ko na dalawa ang may asawa. Kaya nga ako kinuha rito, kasi single ako.

“Kung may asawa ako, hindi sana ako kasama sa show na ’to or isa sa kanila wala rito,” natatawa niyang sabi.

ON SID LUCERO. Bagamat iginiit niyang wala naman siyang lovelife, bakit nali-link kay Alex ngayon ang actor na si Sid Lucero?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Alex, “Alam niyo, tanungin natin si Ate [Assunta de Rossi] kung saan niya nabasa ang tsismis na ‘yan. Wala pa akong nababasang tsismis na ganyan although meron nga raw.”

Biro pa niya, “Hintayin niyo na kami naman ni Chef Boy [Logro] ang ma-link.”

Nagkasama sina Alex at Sid sa Legacy noon, at sinundan ito ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? at sa indie film na Mauban. Pero sa huling pagsasama lang nila yata sila na-link?

Ani Alex, “Siguro dahil may isang tsismoso roon na hindi alam. Siguro sa GMA, kilala na kung paano kaming dalawa, e. Magkaibigan talaga kami.”

Paano nga ba silang dalawa ni Sid kapag magkasama?

“Wala, palagi lang kaming magkausap kasi, nagkakaintindihan kami. At saka, sobrang tagal na naming friends,” dagdag pa niya.

May isyu pa na break na raw si Sid at ang girlfriend nito na ina ng anak. At nandiyang si Alex nga raw ang natuturong dahilan ng hiwalayan kaya mas magandang linawin nga niya.

“Ang laki na ng isyu agad!” bulalas niya.

“Hindi ako at hindi magandang tingnan.”

ALEX GETS ’REAL.’ Bukod sa Basta Every Day Happy, may primetime series din si Alessandra ngayon. Kasama siya sa Ang Dalawang Mrs. Real.

Siya ang gumaganap na ex-girlfriend ng leading man na si Dingdong Dantes sa serye.

Kuwento niya, “Hindi ako ang naging Mrs. Real. Muntik na.

“Kaibigan din ako rito ni Maricel Soriano na ex-girlfriend ni Dingdong. Pero ang sabi nila, may importante raw na mangyayari sa character ko.”

Siya pala ang orihinal na Mrs. Real?

“Hindi, dapat ako ang unang Mrs. Real, pero hindi natuloy.

“So siguro, masasabi ko ang line na ’Una siyang naging akin, inagaw mo lang,’” natatawang sabi niya.

Nasambit na ba niya ang katagang yun sa totoong buhay?

“Wit!” mabilis niyang sagot.

“Kung gusto mo, sa ‘yo na, hindi ako makikipag-agawan. Kahit sa anong bagay

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Day, kahit sa mga kapatid namin, kahit sa mga pagkain, kahit sa damit, sa ‘yo na ‘yan lahat.”

Dalawang beses pa lang naman daw siyang nakakapag-taping, pero, masaya naman daw siya.

Sabi pa niya, “Of course, masaya ’ko. Minsan two sequences a day lang ako.

“Of course, masaya ako. Buo ang bayad dun, pero sandali lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN