Aiko Melendez involved in minor car accident

Malaki ang pasasalamat ni Aiko Melendez na ligtas siya sa minor car accident na sinapit niya noong Miyerkules, May 7. Tinakbuhan daw siya ng nagmamaneho ng nakabangga sa kanya kaya nanawagan siya sa may-ari ng sasakyang may Supreme Court sticker na humingi ng paumanhin sa kanya.


Nasangkot sa iang minor car accident ang aktres na si Aiko Melendez noong Miyerkules, May 7.

Galing sa isang meeting si Aiko nang magitgit ang kanyang sasakyan ng isang puting Pajero.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, inanunsiyo ng dating Quezon City councilor ang insidente kung saan sinabi niyang tinakbuhan siya ng nakabangga sa kanyang sasakyan.

May dalawa siyang posts na nagpakita sa gasgas ng kanyang sasakyan:

Sabi ni Aiko, “XDL 909 who has a Supreme Court sticker white pajero. Sana po ma pagsabihan nyo po driver nyo na ang tumakas at di man lang makipag usap sa amin dhl kyo po ang bumangga sa amin eh di tama.. Kame po ay mahinahon na tao na makikipag usap po sa inyo pero ung takasan kme ay di tama. Kame eh sumusunod sa batas sana po kng sino man me ari nito kng tlgang tagang Supreme Court po kayo pakisabihan po driver nyo. Baka po kayo eh walang kinalaman ung driver nyo lang po.”

Kasunod niyang panawagan, “Simple kng tutuusin yang ginawa nyo sa kotse ko eh pero ung takbuhan ung kasalanan nyo po eh di tama. So kng nasaktan ako at ang driver ko ngayon ano po kaya ang explanation nyo sa 2 anak ko na iniintay ako sa bahay ngayon?!... God is still good im safe!! Thank you Lord God im safe XDL 909 i wonder how can you just get away with that just like that?!! Alam kaya ng boss mo na me Supreme Court seal ang pajero nyo na puti ang ginawa mo?”

“AN APOLOGY IS ENOUGH FOR ME.” Kalaunan, nag-post muli si Aiko ng note kung saan nakasulat na rito ang pangalan ng may-ari at address ng sasakyang nakabangga sa kanyang kotse.

Caption niya dito: “Napaka liit po ng pilipinas sana po makipag usap nalang po kayo sa akin :) mahinahon akong tao sir! Pero me mali po na dapat itama dito. Kng ksama ko po anak ko ngayon ano po kaya mararamdaman nyo?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasunod nito ang panawagan ni Aiko sa media para matawag ang atensiyon ng may-ari ng nakabanggang sasakayan.

Saad pa niya sa caption: “Salamat din sa pagbigay ng info cuz. Wont name names here para wala ng madamay na iba :) Gusto ko lang itama ang isang mali. Paano kng sa ordinary na tao nangyari na walang Instgram or twitter nasagasaan nyo tatakbo nalang kayo ng ganun lang? An apology is enough for me.”

Sa huli, nagpasalamat si Aiko na ligtas siya sa nangyaring aksidente.

Saad niya, “Thank You Lord God for keeping me safe i can now smile :) im still blessed im not hurt at all :) thank you for all your prayers!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN