Proud mom Jolina Magdangal constantly uploads her baby’s pictures on Instagram: “Kailangang updated ang Pele-serye!”

Jolina Magdangal on being a full-time mom to baby Pele: “Masarap sa pakiramdam. Pero ang pinakamasarap na feeling, kapag sinasabi na ang cute-cute ni Pele. Magti-three months na siya sa May 18. At kapag nakikita ko na marami ang natutuwa sa kanya, iyon ang mas kinikilig ako. Hindi ko ma-explain yung feeling. Hindi ko ma-explain talaga!”


Hindi raw talaga sanay si Jolina Magdangal na napapahiwalay siya sa baby nila ni Mark Estueta na si Pele.

Kaya ngayong balik-Sunday All Stars (SAS) na siya, aligaga at nagkukumahog siyang makauwi na kaagad pagkatapos ng airing nito.

Kagaya kaninang hapon, Linggo, May 11, pababa na sana siya sa basement parking area ng bagong building ng GMA Network nang maharang naming sandali para sa isang mabilisang interview.

Ayon kay Jolina, “Second Sunday ko na ‘to sa SAS.

“Mahirap sa akin na naiiwan ko si Pele.

“Yung first Sunday ko, sobrang nahirapan ako talaga. Kasi lagi ko siyang kasama 24/7.

“Tapos biglang… yung kalahating araw, para sa akin mahaba na ’yon ha! Hindi ako sanay.”

Paano ba ang pagsi-celebrate niya ng Mother’s Day ngayong isa na siyang ganap na ina?

Kuwento pa ni Jolens, “Hindi kami sasabay ngayon, e. Bukas kami magdi-dinner ni Mark.

“Maghahanap kami ng puwedeng… yung kakasya ang stroller. Kasi hindi pa namin talaga maiwan si Pele.

“First time! Parang hindi pa ako sanay.”

“Pero kapag nakikita ko si Pele, parang tumatalon yung kalooban ko kapag binabati ako ng Happy Mother’s Day!

“Masarap sa pakiramdam. Pero ang pinakamasarap na feeling, kapag sinasabi na ang cute-cute ni Pele.

“Magti-three months na siya sa May 18. At kapag nakikita ko na marami ang natutuwa sa kanya, iyon ang mas kinikilig ako.

“Hindi ko ma-explain yung feeling. Hindi ko ma-explain talaga!”

Proud mom nga si Jolina. Halos maya’t maya siyang nagpu-post sa kanyang Instagram ng pictures at updates tungkol kay Pele.

“Kailangang updated ang Pele-serye!” natawang biro niya.

“Kaya dapat laging may pictures.

“Kasi ang bilis niyang lumaki!

“Na… pagkatapos niyang matulog sa tangahli o sa hapon, paggising niya sinasabi ko… parang nagkalaman ka ba? Lumaki ka ba?

“Tapos meron siyang unan lagi. At saka meron siyang stuffed toy na kinukunan ko siya lagi every day na kasama ‘yon,” dagdag na naikuwento pa ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN