Celebrities share their fondest mommy moments

Marian Rivera on her mom: “Siguro, masasabi ko na masaya ako na pinalaki ako ng lola ko na ganito ako. Na minamahal ko kung ano ang meron ako at pinapahalagahan ko ang mga mahal ko sa buhay, higit lalo ang mga magulang ko.”

Dingdong Dantes shares: “Ang Mommy ko, very consistent na magmula noong bata ako, talagang she really took care of all of us. Yung consistency ng kanyang pagmamalasakit, pag-aaruga, e, isang bagay na hinding-hindi mab


Ilang oras na lang at opisyal nang magwawakas ang natatanging Araw ng mga Ina.

Ang pagiging nanay ay isang tungkulin at karakter sa tunay na buhay na walang katapusan.

Ilan sa mga artista natin ang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila pinaplanong ipagdiwang ang Mother’s Day kasama ang kanilang mga natatanging ina at kung ano ang mga natatanging bagay na hindi nila makakalimutan tungkol sa mga ito.

DINGDONG DANTES. Ayon kay Dingdong, “Wala kasi ang Mommy ko ngayon, nasa Amerika siya at medyo matagal pa siyang babalik, pero siyempre, mami-miss namin siya.

“Ang maganda kasi, palagi siyang... hindi siya memory na isang pangyayari lang.

“Ang Mommy ko, very consistent na magmula noong bata ako, talagang she really took care of all of us.

“Yung consistency ng kanyang pagmamalasakit, pag-aaruga, e, isang bagay na hinding-hindi mabubura sa isipan namin.

“At isang nanay lang ang maaaring makagawa nun kaya ang Mother’s Day, parang isang araw na pagbibigay pasasalamat sa mga ginawa niya sa amin.

“Siyempre, hindi naman kami malalagay rito, lalaki ng ganito kung hindi dahil sa kanilang pag-aaruga.”

MARIAN RIVERA. Ayon naman sa Kapuso Primetime Queen, “Siguro ibibigay ko yung importansiya sa Lola ko at sa Mama ko.

“Kasi, Lola ko ang nagpalaki sa akin. Although, nandiyan si Mama para mag-gabay sa akin.

“Siguro, masasabi ko na masaya ako na pinalaki ako ng Lola ko na ganito ako. Na minamahal ko kung ano ang meron ako at pinapahalagahan ko ang mga mahal ko sa buhay, higit lalo ang mga magulang ko.

“Kahit na broken family kami, hindi sumagi sa aking isipan na maging rebelde talaga. May plano kasi akong gawin sa umaga. Pero sa afternoon, magkakasama na kami ng Lola at Mama ko.”

ANGELU DE LEON. “A simple dinner with our whole family and my Mom, and siyempre dapat may gift na siguradong magugustuhan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marami kami masyadong memories ni Mommy, good and bad, kaya masaya mga kuwentuhan namin ngayon,” kuwento naman ni Angelu.

SUNSHINE CRUZ. “I will be in ASAP and Buzz ng Bayan, pero uuwi ako agad. My mom lives in Parañaque kaya malapit sa house.

“It’s either I cook for her and kids or dinner with my kids, my mom and sister. Mom has always been supportive and loving.

“Super maasikaso sa amin ng siblings ko and my Dad. I always wanted to be like her. I have one funny incident/memory of Mom.

“Naka-bridal gown na ako. Iyak siya nang iyak. Sabi niya puwede pa akong mag back out. I can really say, Mother knows best!” natatawang kuwento ni Sunshine.

GLADYS REYES. Pahayag naman ni Gladys, “Actually, in-advance na namin ang Mother’s Day.

“Kasi, kaming family, kasama ang Mama ko, ang Papa ko rin, nagpunta kami sa Batangas and we stayed in a hotel sa Malvar, Batangas at the same time, we taped an episode for Moments.

“Kaka-60 year old kasi ng Nanay ko, so ako, savoring each moment with her. Happy celebration din ’yon kasi, ang Mama ko, remission from breast cancer, di ba?

“So, it’s been how many years din na free siya [from cancer], kaya thankful tayo sa Panginoon.”

ALESSANDRA DE ROSSI. Ayon naman sa dekalibreng drama actress na si Alessandra, “Si Mommy ay nasa Italy. Malamang tatawagan ko siya.

“Pero siyempre, kapag may problema ka, ang nanay mo naman talaga ang gusto mong makausap.

“Kapag may nang-aapi sa ‘yo, di ba? Kapag sobrang sakit na, Mommy naman talaga ang lalabas sa bibig mo. Kahit na anong mangyari, Mommy…”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN