Claudine Barretto claims civil wedding to Raymart Santiago in 2004 was fake; discloses recent murder attempts against her

Claudine Barretto on the alleged fake civil wedding in Isabela in May 2004: “Hindi napasok ’yon sa Isabela nung 2004. Pinasok niya [Raymart] February 24, 2006, a month before the Tagaytay wedding, when I couldn’t say no anymore. I couldn’t back out.”


Si Claudine Barretto ang isa sa pang-Mother’s Day na kuwentong inilahad ng Startalk kaninang hapon, Linggo, May 11.

Sa one-on-one interview ni Ricky Lo sa aktres, inilahad niya kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya bilang ina sa dalawang anak niyang sina Sabina, na magsasampung taon na, at si Santino, na magpi-pitong taon naman.

Pahayag ni Claudine, “It’s not easy to raise two kids na single ka and at the same time, nabugbog-sarado ka sa lahat ng mga intriga at masasakit na mga sinasabi from your family, from your ex, and all that.”

Mabuti at nakakaintindi na raw ngayon ang mga bata sa mga pinagdaanan niya, at sila pa mismo ang nagpapalakas ng kanyang loob.

“They’re very smart and I try to talk to them as much as possible.

“Pinaiintindi ko sa kanila kung ano yung mga nangyayari, and sinasabi ko sa kanila.

"’Pag meron silang hindi naiintindihan, they can just ask me and, of course, nandiyan dapat palagi yung assurance na nandiyan ka.

"Kasi ang pakiramdam nila, naabandona sila, e,” pahayag ng 34-anyos na aktres.

Si Sabina raw ang minsang nakakaalam sa mga nangyayari, pero mabuti at hindi naman daw ito exposed sa social media dahil naka-focus naman daw ito sa pag-aaral niya.

SABINA’S EVENT. Ang isa raw mahalagang event na haharapin ni Sabina ay ang pagsali nito sa G-Force Kids, kung saan magkakaroon sila ng show sa Araneta Coliseum.

Pinadalhan daw ni Claudine ng tickets ang estranged husband na si Raymart Santiago, na idinaan sa abugado ng aktor, para maging bahagi naman daw ito sa malaking event na kinabibilangan ng kanilang adopted daughter.

Hindi raw niya alam kung pagbibigyan sila ni Raymart.

Sabi ni Claudine, “Ang pakiramdam ko na ano ’yan, e, big thing for Sabina.

"And also, kapag wala rin siya dun, mapapahiya rin si Raymart, kasi parang hindi rin maganda para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro parang sa araw na ’yon, sana truce muna.”



FAKE WEDDING? Sa likod ng “truce” na binanggit ni Claudine, isiniwalat niya na bago ang kasal nila ni Raymart sa Tagaytay noong March 27, 2006, nagkaroon muna sila ng civil wedding sa Isabela noong May 2, 2004.

Pero fake daw ito, ayon sa aktres, dahil hindi naman daw ito inirehistro ni Raymart.

Kung alam lang daw niyang hindi naman pala legal ang una nilang kasal, sana hindi na raw niya itinuloy ang pagpapakasal sa Tagaytay noong 2006.

Lahad nito, “Hindi napasok ’yon sa Isabela nung 2004.

"Pinasok niya [Raymart] February 24, 2006, a month before the Tagaytay wedding, when I couldn’t say no anymore. I couldn’t back out.

“From 2004, ikinasal kami sa Isabela... May 2, 2004 sa Isabela, akala ko... then nag-live in na kami, akala ko kasal kami the whole time.

"So, pati yung papers ni Sabina... bahala na siya, ’yon na ’yon."

Dagdag pa ni Claudine, “Dapat natuto na ako... na hindi na ako nagpakasal kay Raymart uli nung March 27, 2006, dahil hindi tunay yung kasal na ’yon.

“So, hindi lang ako ang naloko kundi buong Pilipinas.”

ATTEMPTED HOMICIDE? Ang isa pang rebelasyon ni Claudine sa interbyung iyon sa Startalk ay ang tangkang pagpatay diumano sa kanya.

Kuwento ng aktres, “Ilang beses nang nangyari.

“Actually, the other night lang, tatlong gun shots, and then another four gun shots.

“While I was at my balcony, I don’t know if it was the second... hindi, pangatlong attempt sa akin.

“That’s why lumalabas na rin ako para sabihin na hindi ako natatakot sa inyo, and I’m back.”

Dagdag naman ng legal counsel ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, “Documented ito, nandun yung may isang tao biglang pumasok na lang sa bahay niya nang walang pahintulot.

“Nakuha naman namin yung identity. Ito’y naka-police blotter and then yung mga nagpapaputok ng baril dun sa likod.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYMART’S LAWYER REPLIES. Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raymart Santiago upang kunan ng sagot sa mga pahayag ni Claudine.

Inamin niya ang tungkol sa kasal na hindi agad narehistro, pero mas mabuti raw ang abugado niyang si Atty. Ruth Castelo ang kunan namin ng detalye.

Ayon kay Atty. Castelo, ang totoong kasal nina Raymart at Claudine ay naganap noong May 2, 2004 sa harapan ng isang mayor sa Isabela.

Pagkalipas lang daw ng ilang buwan, narehistro na ito nina Raymart, kaya legal daw iyon at hindi raw fake.

Saad pa ni Atty. Castelo, “It was a Christian wedding, yung first wedding nila sa mayor sa Isabela.

"E, gusto ni Claudine, mag-church wedding, kaya sila nag-2006 [wedding].

“Ang narehistro talaga, yung sa 2004 sa Isabela. Hindi na yung sa Tagaytay, kasi meron na yung sa Isabela, e. Sa 2004.”

Dagdag pa niya, “Saka bakit sinabi ni Claudine na fake, e, nag-submit pa siya sa court ng kopya ng marriage contract nila?

“’Yon yung nag-file siya ng petition ng PPO [permanent protection order]. Naka-attach ’yon, ’tapos ngayon, sinasabi niya na fake.”

Pagdating naman sa pagtatangka diumano sa buhay ni Claudine, gusto ring malaman ni Raymart kung totoo talaga ito.

Kaya sinabihan niya kaming mas mabuting i-check namin ito kung naka-blotter ba sa guard ng subdivision.

“Yung shooting incident sa bakanteng lote, pakitawagan ang head of security ng LGV [Loyola Grand Villas] kung totoo ’yon.

“Pati yung sabi niyang may pumasok sa bahay na lalasunin sila,” bahagi ng text message sa amin ni Raymart.

Ibinigay rin ng aktor sa amin ang numero ng security doon sa Loyola Grand Villas.

Sinubukan namin itong tawagan, ngunit walang sumasagot sa kabilang linya.

Dagdag na pahayag naman ni Atty. Castelo, “Meron din yung sa poison na ’di ba, sinasabi niya [Claudine] na may nagbabanta sa family nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung sa poison na sinasabi niya, sinubmit namin ’yon sa court na pinapag-explain siya, hindi naman niya ma-explain.

“’Tapos itong baril, unless may NBI o police report siyang ipapakita, hindi natin alam kasi ang dami na niyang ganyang kuwento, e.

“Dapat may incident report din dun sa subdivision, ’di ba?

"Kung wala nun, e, di ibig sabihin, another one of the stories.”

Tinanong na rin ng PEP kay Atty. Castelo kung dadalo ba si Raymart sa event ni Sabina sa Araneta Coliseum, kung saan pinadalhan daw ng tickets ang aktor.

Sagot ni Atty. Castelo, “A-attend siya kung para sa mga anak niya. Pero pinag-iisipan pa niya kung ano ang intensiyon ni Claudine.

“Kasi ang daming private opportunites before na gustong makita ni Raymart ang mga anak niya, hindi niya nakikita.

"Ngayon, kung kailan sa Araneta, saka siya imbitahin, ’di ba?

"Iniisip ni Raymart kung bakit.”

Ang isa pang dagdag na impormasyong ibinigay ng abugado ni Raymart ay inaayos na raw ngayon ng aktor ang pagpa-file ng annulment.

“Hindi pa na-file, inaayos pa namin ngayon,” sabi ni Atty. Castelo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN