Alden Richards still refuses to reveal why he chose to unfollow Julie Anne San Jose on social media

Alden Richards on why he decided to unfollow Julie Anne San Jose on social media: “Bakit ko siya in-unfollow? Siguro po, meron akong personal reason na sa akin na lang yun and I’m sure, hindi rin po nila maiintindihan. At kung sabihin ko po ang rason ko, baka bumalik lang ang mga tumitira sa akin.”


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nahihiwagaan kung ano nga ba talaga ang nangyari sa pausbong na sanang pagkakamabutihan noon ng Kapuso stars na sina Alden Richards at Julie Anne San Jose.

May usap-usapang nagsimula ang isyu sa kanila at hindi nila pagkikibuan dahil sa diumano’y in-unfollow ni Alden si Julie Anne sa social media.

Nang si Julie Anne naman ang tinanong tungkol dito, ang sagot nito ay si Alden na lang ang tanungin at "civil" naman sila sa isa’t isa.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng Carmela noong nakaraang linggo, tinanong namin siya kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanila ni Julie Anne.

Paliwanag ni Alden, “Siguro, ako kasi, pinili ko talaga na huwag na lang pag-usapan regarding doon sa mga nangyari in the past.

“Kasi maganda naman ang kinalabasan.

"Nakita ko naman po na mas naging okay ang career ko. Siya, I’m sure, mas naging okay ang career niya.

“Siguro, wala naman po akong dapat i-explain sa isyung yun.”

Pero bakit nga ba niya biglang in-unfollow sa Instagram at Twitter si Julie Anne?

Sagot ng Kapuso heartthrob, “Bakit ko siya in-unfollow? Siguro po, meron akong personal reason na sa akin na lang yun, and I’m sure, hindi rin po nila maiintindihan.

“At kung sabihin ko po ang rason ko, baka bumalik lang ang mga tumitira sa akin.”

Nasaktan niya ba si Julie Anne?

“Hindi po,” mabilis na sagot ni Alden.

Napaasa niya ba ito?

“Wala pong pinaasa, wala pong sinaktan. Yun po ang sigurado,” diin niya.

Kumusta silang dalawa ngayon?

“Okay naman po kami, parang civil lang.

"But since nangyari yun, hindi po kami nagkausap. Walang communication at all.”

Sinabi ni Julie Anne sa isang interview na walang problema sa kanya kung sakaling maisipan silang pagtambalin ng Kapuso Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Alden ba ay papayag din kung magkasama sila sa isang proyekto?

“Open naman po ako, pero nasa sa kanya pa rin po yun,” sagot niya.



RESPECT FOR MARIAN. Aminado si Alden na nagsisimula pa lamang noon ang primetime series ng GMA Network na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw ay naghahanda talaga siya sa mga eksenang gagawin niya.

Kahit noon pa man, kabado siya kapag iniisip pa lamang ang gagawing kissing scene nila ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Nang makuhanan at maipalabas na nga ang eksena nilang iyon, isa ito sa pinag-usapan.

At kahit alam ng lahat na may real-life boyfriend si Marian sa katauhan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, marami pa rin ang kinilig sa kissing scene ng aktres kay Alden.

Ayon kay Alden, “Hindi ko ini-expect na papayag sa akin si Yan [palayaw ni Marian] na magpahalik nang ganun.

“Si Marian kasi, pihikan pagdating sa mga ganoong klase ng eksena.

"Kaya nang pumayag, ang suwerte ko pala na nabigyan ako ng chance sa ganoong klase ng istorya.”

Kinausap din daw niya si Marian bago nila ginawa ang eksenang yun.

“Tinanong ko siya, sabi ko kung puwede ba akong mag-all out dito.

"Sabi naman niya, ’Gawin mo na kung ano ang gusto mong gawin.’”

Patuloy niya, “Si Yan kasi, kitang-kita niya ang respetong ibinigay ko sa kanya since hindi pa nag-i-start ang Carmela.

"At noong nag-i-start na ang Carmela, mas tumindi ang respeto.

“Siguro, in that way, nakita niya talaga na mapagkakatiwalaan naman ako, hindi ako magte-take advantage, kaya binigyan niya ako ng ganoong blessing.

“At the same time, pumayag din si Direk Dom [Dominic Zapata] kaya ganoon ang kinalabasan.”

MORE RESPECT FOR DINGDONG. Madalas din namang mabanggit ni Marian na nakikita nito ang respeto para sa kanya ni Alden, at higit pang respeto para kay Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobra po, sobra po,” pagsang-ayon naman ni Alden.

Sabi pa niya, “Sa kanila pong dalawa.

“Actually, kung meron man talaga ako na... kasi silang dalawa talaga ang mag-partner na tinitingnan ko rito sa GMA.

“Si Kuya Dong, nagkatrabaho kami, nakilala ko siya as a person, as an actor, as everything.

“Si Yan, as a person, as an actress, kaya wala akong karapatan para hindi igalang at humingi ng pasintabi.”

Malapit nang magwakas ang Carmela. Pero pagkatapos nito, magpupunta muna raw sa Amerika si Alden at doon ay makakasama pa rin niya si Marian para sa isang event.

Magiging work at bakasyon daw kay Alden ang pag-alis niya ngayong June.

“Mag-e-extend ako ng one week. Kikitain ko ang tita ko dun at itu-tour daw niya ko sa San Francisco.

“Kaya sabi ko, kailan pa mangyayari ‘to, after five years?

"Mas gusto ko kasing nagtatrabaho kesa sa nagbabakasyon,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN