Kris Aquino posts anonymous birthday greeting, possibly for QC Mayor Herbert Bautista

"I will always have this piece of my heart that smiles whenever I think about you," Kris Aquino sends message to someone, whom many of her Instagram followers believed to be QC Mayor Herbert Bautista.


Sa kabila ng naudlot na pagkakamabutihan nila, tila nagparating pa rin ng pagbati si Kris Aquino kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong araw, May 12.

Sa isang Instagram post ni Kris kagabi, May 11, isang birthday greeting ang ipinarating ng TV host-actress ngunit hindi niya tinukoy kung para kanino.

Ang post ay naglalaman ng quote na ito: "I will always have this piece of my heart that smiles whenever I think about you."

Sa caption naman nito ay inilagay ni Kris: "You admitted to me you still check my IG, so hereโ€™s hoping you do get to read this... You made my birthday extremely special & memorable just because you were there... I may not be around, and weโ€™ve distanced ourselves on purpose but nevertheless you do know how I continue to pray for your success, peace of mind & heart, and lasting happiness... Happy Birthday! #may122014 ๐ŸŽ‚๐Ÿ๐ŸŽˆ๐ŸŽ‰๐Ÿ’๐ŸŽ๐Ÿ˜˜"

Pagkatapos ay sinundan ni Kris ng mensaheng ito: "I just wanted to say... THANK YOU!"

At saka niya isinulat ang caption na ito: "For the effort, for the friendship & attention, for the intelligent, mature conversation & for being a gentleman... I couldnโ€™t go to sleep without saying THANK YOU for making time for me today. I appreciated it very much. Good Night. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‡"

May ilang followers ni Kris ang nagsabing ang mga mensahe niyang ito ay para kay Mayor Herbert dahil ngayong May 12 ang 46th birthday nito.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng publiko na noong nakaraang buwan lamang ay inamin ni Kris ang pagkakamabutihan nila ni Mayor Herbert.

Read: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista

Subalit tila hindi umusbong ang kanilang pagiging malapit sa isaโ€™t isa sa mas seryosong relasyon.

Sa Instagram post ni Kris noong April 22, inihayag niya na: โ€œWeโ€™re not a โ€™coupleโ€™ but we are the BEST OF FRIENDS."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya noon, "And in this uncertain world, weโ€™re sure to be FRIENDS FOR LIFE. Thatโ€™s actually what we started as, itโ€™s where we are most comfortable being, and for whatever tomorrow may still bring, true & lasting friendship is always the best foundation... May I quote my favorite song? โ€™Thanks to you for teaching me how to live, putting things in perspective. Teaching me how to give, and how to take, no mistake...โ€™ I grew up a lot this 2014 & he had a big role in what I am today. #noregrets #stillbelieveinlove #someday ๐Ÿ˜‡๐Ÿ’›๐Ÿ’›๐Ÿ’› GOOD NIGHT."

Read: Kris Aquino on relationship with Herbert Bautista: "Not a couple but best of friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN