The PEP List: Julie Anne San Jose gives back on her 20th birthday: "Sobrang sarap ng feeling pag tumutulong ka din."

Sa kanyang ika-20th birthday sa May 17, ang wish ni Julie Anne San Jose ay "more blessings to come para mai-share sa ibang tao."


Isang magandang regalo para kay Julie Anne San Jose ang pagkapanalo niya bilang overall Female Teen Star of the Year ng first-ever PEPsters’ Choice ng The PEP List.

Tatlong araw bago ganapin ang awards night para sa The PEP List sa Solaire Resort and Casino, Parañaque City, sa May 20, magseselebra ng 20th birthday ang Kapuso singer-actress.

"May mga birthday wishes ako na natupad. Kahit di ko birthday, ramdam ko na marami talaga akong blessings na natatatanggap, from simple things hanggang sa achievements, accomplishments, kaya sobrang malaking bagay, sobrang malaking blessings na sa akin ’yon," sabi ng Kapuso singer-turned-actress nang ma-interview siya noong May 8, kung saan nag-charity work ito sa White Cross Orphanage sa San Juan.

Dugtong pa ni Julie Anne, "Paggising mo sa umaga, blessing na sa akin ’yon.

"Yung andiyan yung pamilya mo to support you, to guide you every time, I’m really, really grateful na andiyan sila parati para sa akin."

At dahil lubos-lubos ang kanyang pasasalamat, ang wish niya ay "more blessings to come para mai-share sa ibang tao."

At siyemre, bilang toxic ang kanyang trabaho, "...good health and I just wish true peace and happiness in life. More success [sa career]."

GIVING BACK. Bilang feeling blessed ang dalaga, naisipan niyang dalawin ang mga bata sa White Cross, isang bahay ampunan.

Aniya, pangalawang beses na raw niyang nagpunta sa naturang orphanage.

"Hindi lang po siya every birthday ko siya ginagawa, sa mga special occasions din like Christmas...

"As much as possible talaga, I really do charity work."

Ayon pa kay Julie Anne, marami siyang sinusuportahang welfare institutions, at ito raw ay simpleng paraan niya para magpasalamat.

"Sobrang sarap ng feeling pag tumutulong ka din.

"Every year nagbi-birthday tayo and we ask for more blessings to come, we might as well share yung blessings na natatanggap natin to other people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Personally, I’m really grateful na natatanggap ko ang blessings na ito, sobrang sarap lang ng feeling pag tumutulong ako, especially people like them, sa mga kids kasi mahilig talaga ako sa mga bata."

TRIP ABROAD. Ibinahagi rin ni Julie Anne na balak niyang pumunta sa U.S. para magbakasyon. Bale, regalo na rin niya ito sa sarili.

"Kasi I have a godmother who lives there, sa California.

“I’m planning to go to New York din.

"Alis ko is May 25 to June 7. I think nasa Kuwait po ’ata ako ng June 13 for a commitment.

"Maraming travels, parang treat ko na rin sa sarili ko ’yon."

Nang usisain siya kung ano ang mga balak niyang gawin sa kanyang trip abroad, pahapyaw na sagot ng dalaga: "May mga nakahanda na akong itinerary, basta wag po muna. Medyo confidential pa po, pero we’re cooking up something."

Wala ba siyang balak na tingnan kung may window para sa international career?

"Actually, yun nga po ang sinasabi ko kanina, we’re cooking up something... I wanna try a different field, like, for example, Broadway kasi iba ang atake talaga niya."

Sundot na tanong kay Julie Anne, may karanasan ba siya sa theater?

"Nung high school ako, nag-role ako ng Kim [sa Miss Saigon play]... parang periodical sa school. Yung mga songs talaga challenging siya, ’tsaka hindi biro ang role ng Kim.

"Sobrang ganda lang talaga ng kuwento."

Inilahad din niya na noong nagkaroon ng audition sa Pilipinas para sa muling pag-i-stage ng Miss Saigon sa London, plinano rin ni Julie Anne na mag-audition subalit may nangyari kaya hindi siya natuloy.

"I tried to audition, but unfortunately I got sick. I got ill.

"May call slip na nga. May call slip na, audition na the next day, ay grabe, I got ill.

"It was not meant for me."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nasabing audition, ang nakapasok ay si Rachelle Ann Go para sa role na Gigi.

Inisip na lang daw ni Julie Anne na may darating pang oportunidad.

Pero sa ngayon, thankful si Julie sa lahat ng dumarating na biyaya sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN