Carmina Villarroel "clueless" about tax issue: "Kami pong dalawa ni Zoren ay nagbabayad ng buwis.”

Carmina Villarroel says she and husband Zoren Legaspi (inset) pay their taxes regularly and clarifies that the BIR issue stemmed from a mere oversight on their part.


Umpisa pa lamang ng Buzz Ng Bayan kahapon, May 11, kasabay ng Mother’s Day ay binigyang-linaw na ni Carmina Villarroel ang lumabas na isyu sa mister na si Zoren Legaspi noong isang Linggo tungkol sa diumano’y pagkukulang nito sa pagbabayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Nagulat daw talaga siya nang lumabas ang isyung yun.

“Korek, pati ako naloka,” lahad ni Carmina.

“Thursday, it happened, ‘di ba?

"Lumabas yung intriga, I mean, hindi intriga, lumabas yung isyu.

"So, that day, naguluhan din kami ni Zoren.

"Hindi rin namin alam kung ano ang nangyari, what went wrong because nagbabayad kami ng buwis ni Zoren.”

PANICKY. Bago lumabas ang isyu, wala bang anumang indication na may problema na pala sila sa BIR?

“Wala, wala talaga. That’s why we we’re clueless.”

Sabi naman ng co-host niyang si Boy Abunda, usually raw kasi, may sumusulat muna, may negosasyon, at bibigyan sila ng pagkakataon na magpaliwanag.

Tugon naman ni Carmina, “Wala, wala talaga, Tito Boy.

"That’s why kami… nagpa-panic… anong nangyari?

"Kasi, malinaw sa amin. Alam namin talaga nagbabayad kami.

“So, noong Friday, pumunta ang sister-in-law ko, who is our secretary also and our accountant, to BIR.

"At nagpapasalamat ako sa lahat ng nga tumulong sa amin, mga taga-BIR, they are very accommodating.

“So ngayon, naiintindihan na namin kung ano ang mga pagkukulang sa parte ni Zoren na, ’Ah, ito pala yung…’

"Kaya tomorrow morning [Monday, today], babalik ulit doon ang accountant ko and assistant ko, si Maggie, my sister-in-law, to present our documents, our papers.

"Kasi, yun lang naman ang gusto nila, gusto nilang makita yung mga papeles na meron kami.

“We just need to comply.”

OVERSIGHT. Ayon sa isa pang co-host ni Carmina na si Janice de Belen, sa tulad daw nilang nagbabayad ng tax, dapat daw talagang maintindihan ang kung anumang mga binabayaran, at hindi lang talaga basta nagbabayad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes,” pagsang-ayon naman ni Carmina.

“Kasi minsan, ayaw mo nang intindihin sa sobrang hirap intindihin, but you really have to know.

"Kahit gaano kahirap intindihin, kailangan talagang intindihin mo para alam mo kung may nakaligtaan.”

Dugtong pa ni Carmina, “Sa kaso ni Zoren, meron yata siyang hindi nabayaran.

"Hindi ko masyadong sure that’s why bukas, pupunta sila ulit dun just to make sure and clarify everything.”

Binigay naman na ehemplo ni Boy na bilang mga product endorsers sina Zoren at Carmina, gayundin ang mga anak nila.

Minsan daw, nagkakaroon ng confusion pagdating sa talent fee na natatanggap nila dahil pamilya sila. Hindi na ito nabibigyang-pansin minsan.

Pag-amin ni Carmina, siya pa naman daw, “I hate numbers.

“Pero siyempre, kahit na ayaw natin, it’s our responsibility. So, kailangan naman talaga magbayad.

"Yun po ang gusto kong linawin na kami pong dalawa ni Zoren ay nagbabayad ng buwis.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN