Julie Anne San Jose on issue with Alden Richards: “That’s so last year. Let’s just all move on.”

"Naging okay naman ako, naging nice naman ako. I just didn’t know what happened. That’s the least I can say.” Ito ang matipid na sagot ni Julie Anne San Jose nang kamustahin siya tungkol sa naging isyu nila ni Alden Richards.


Naging usap-usapan ang tila malamig na pakikitungo nina Julie Anne San Jose at Alden Richards sa isa’t isa.

“Siguro if ever man po na may mga tanong, I think it’s much better if siya na lang po sumagot,” sagot ni Julie Anne nang sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na alamin kung bakit tila naudlot ang pausbong na pagkakamabutihan nila ni Alden.

Palaisipan pa rin kasi sa marami kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang “falling out.”

Sinasabing nagsimula umano ito nang i-unfollow ni Alden si Julie Anne sa Twitter at Instagram.

Pero ayon sa young singer-actress, “Ako, there’s no problem with me, okay lang po ako.

"Naging okay naman ako, naging nice naman ako.

"I just didn’t know what happened. That’s the least I can say.”

Nakausap namin si Julie Anne sa White Cross Orphanage sa San Juan noong May 8, Huwebes.

Halos ganito rin ang sinabi niya nang makapanayam siya sa press conference ng endorsement niya kamakailan.

Pero idinagdag ni Julie Anne na bukas naman siyang makatrabaho si Alden.

Read: Julie Anne San Jose when asked about Alden Richards: “Next question please.”

Saad pa niya, “I know everyone is still wondering and still confused.

"Pero for me, wala na sa akin ‘yon, I’m okay.”

Kinumpirma naman ni Alden na nagkikita pa sila ni Julie Anne sa Sunday All Stars, ang Sunday musical-variety show sa GMA Network at civil sila sa isa’t isa.

Inihayag din ni Alden na ayaw na niyang magsalita tungkol sa isyu dahil baka “bumalik ang mga tumitira” sa kanya sa social media.

Read: Alden Richards still refuses to reveal why he chose to unfollow Julie Anne San Jose on social media

Nakiusap din si Julie Anne na mas makabubuti siguro kung huwag nang halungkatin pa ang isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta siya na lang po tanungin niyo, kasi wala naman po talagang problema sa akin.

"And that’s so last year, let’s just all move on, ’di ba?

“Nagbagong taon na, magbagong-buhay na rin po tayong lahat. It’s 2014,” sabi niya.

LOVE CAN WAIT. Napunta ang paksa sa usapang pag-ibig at pahayag ni Julie Anne tungkol dito, “I’m free, but I don’t think I’m ready."

Paliwanag ng aktres at Platinum singer, "Hindi naman sa hindi ko gusto pero I’m afraid pa, I’m afraid to commit.

"Baka hindi ko mapanindigan pa bilang marami pa akong priorities sa buhay.

"I have school, I have work… ang dami-dami nang nangyayari, I’m a busy person din.

“Time will come, love takes time.”

Aminado siya na may mga nagpaparamdam sa kanya, pero paano niya tinatanggihan ang mga ito?

“I don’t know if I turn them down, parang for me, hindi ko pa iniisip ang mga gano’ng bagay.

“I have this attitude na parang set aside muna, ‘Diyan ka lang, basta chill tayo, okay tayo.’

“I entertain them as friends, but not yet suitors," ani Julie Anne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN