Derek Ramsay reminds Kris Aquino: “Be careful and be a little bit choosy.”

Derek Ramsay’s advice to Kris Aquino about lovelife: “I just told her to be careful and be a little bit choosy. Be choosy. I just don’t wanna see a friend get hurt.”


Sa kabila ng intriga sa pagitan nina Derek Ramsay at Kris Aquino, hindi naman daw naapektuhan ang pagiging malapit nilang magkaibigan.

Kamakailan lang, sabi ni Derek ay nakausap niya si Kris tungkol sa pelikulang dapat sana ay pagsasamahan nila pero hindi na matutuloy.

Sabi niya, “Kris is good to me and my family. I called her to say hi.

“She thought I was calling because I found out na hindi tuloy ang movie.

“Sayang. But maybe in the future, we don’t know.”

Bukod dito, nagkaroon din daw ng pagkakataong mapag-usapan nilang dalawa ang tungkol sa lovelife ni Kris.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Derek sa ginanap na Ad Summit Pilipinas noong Huwebes, May 8, sa Subic, Zambales.

Dito, sinabi ni Derek na nabanggit sa kanya ni Kris ang tungkol sa naunsiyaming pagkakamabutihan nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“She confided to me her situation.

“But I don’t think I was the first person to know.

“When I finally found out about it, I gave her my advice.

“If it comes to what I’m gonna say about their relationship, I think it should come from her.”



“BE CAREFUL.” Nang tanungin kung ano ang payo na binigay niya kay Kris, sabi ni Derek, “I just told her to be careful. Take her time. Be careful.

“She’s been in and out of relationships. She’s been hurt.

“So, as a friend, you don’t want seeing your friend get hurt.

“So, I just told her to be careful and be a little bit choosy. Be choosy.

“I just don’t wanna see a friend get hurt.”

Dagdag niya, “Parang I really don’t wanna believe in Maria Clara-effect. But, parang ganoon, na parang pa-hard to get.

“Just because naramdaman mo na, you jump in there? That’s what I mean by being choosy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkatapos ay inulit niya ang mensahe para kay Kris: “Take your time, be smarter. Guide your heart with your mind.

“You don’t have to rush naman. If yung tao na nangliligaw is really serious about you, maghihintay iyon.”

Matapos daw niyang sabihin ang mga ito kay Kris, sumagot daw ang TV host-actress ng: “Tama.”

Para kay Derek, na kay Kris na ang desisyon kung ano ang dapat niyang gawin tungkol sa kanila ni Mayor Herbert.

Sabi pa niya, “I both know them very well. Basta ako, kung saan siya masaya, doon ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN