Heart Evangelista never thought of greeting estranged mom on Mother’s Day

Heart Evangelista expresses a daughter’s lament, "Not everybody will understand how complicated it is. And ayaw kong maka-offend, ayokong magsalita ng masama ng tungkol sa magulang ko kasi mahal ko sila.”


Dumaan ang Mother’s Day na hindi man lang daw sumagi sa isipan ni Heart Evangelista na batiin ang kahidwaang ina nitong si Cecile Ongpauco.

Diretsahan kasing tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart pagkatapos ng Startalk kahapon, May 11, kung sa paggising nito nung araw na iyon ay naisip niyang batiin ang ina para sa Mother’s Day.

Saad ng Kapuso actress-TV host, “Actually, hindi ko naisip.

"Kasi yung parte ng buhay ko is sensitive talaga yun, e.

"So, I guess, yung brain ko, sina-shutdown na hindi na ako mag-iisip, kasi I have to go on with my life.

"I cannot always be sad about the situation.

"And you know, siyempre bilang anak din, you can only do so much to make them happy."

Pero sa udyok ng mga kasama niya sa Startalk sa show nila kahapon, Mother’s Day, ay bumati naman ang aktres sa kanyang ina ng isang matipid na: “I wish her well.”



TEARFUL. Hindi naman napigilan ni Heart na maluha nang mapag-usapan ang tungkol sa hidwaan nila ng kanyang ina.

Inamin niyang nakaka-relate siya sa kuwento ng Barretto family dahil hindi pa rin nga naaayos ang hidwaan nila ng kanyang pamilya, lalo na sa kanyang ina.

Saad ni Heart, “Si Tito Joey [de Leon] nga na walang pinagdadaanan, what more kung medyo nakaka-relate ka with family problems?

“But, of course, you know, ayaw mo din naman mag-complain kasi maganda din naman ang buhay ko, maganda din naman ang mga nangyayari.

"But, you know, deep inside, you feel that time is running, but there’s only so much you can also do.”

Sinabi rin ni Heart na iniiwasan niyang pag-usapan ang isyu sa kanyang pamilya dahil napakakumplikado pa rin daw ng sitwasyon hanggang ngayon.

Pahayag ng 29-year-old actress, “Complicated lang yung sitwasyon, the reason why I don’t want to comment about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But you know, magulang mo sila, not everybody will understand how complicated it is.

"And ayaw kong maka-offend, ayokong magsalita ng masama ng tungkol sa magulang ko, kasi mahal ko sila.”

Pero nami-miss daw niya ang kanyang mga magulang at buong pamilya, kaya nandiyan pa rin ang pag-asang maayos ang lahat at maibalik ang dating samahan nila.



NO COMMENT. Ayaw na ring magkomento ni Heart sa narinig na balita ng PEP na pinigilan daw ang dalawa niyang kapatid na dumalo sa opening ng one-woman exhibit niya sa Ayala Museum noong Huwebes, May 8.

Read: Heart Evangelista holds successful art exhibit in Ayala Museum

Hindi lang matiyak ng PEP kung ang ina nga ba ni Heart ang pumigil sa mga kapatid ng aktres.

“I guess they couldn’t make it,” pakli niya.

“Parang napaka-bless na, na maraming magagandang nangyari sa
exhibit, para magreklamo pa ako.

“Madami namang tao ang nagpunta. So, hindi ko naman puwedeng ibalewala yung mga nagmamahal sa akin na nagpakita ng suporta.

“So, just smile about it and really pray that everything will fall into place.

"Hindi puwedeng pilitin ang mga bagay-bagay,” pahayag pa ni Heart, na tila napilitan lang ngumiti.

NO MALICE. Ayaw na ring lagyan ng intriga o malisya ni Heart ang pagsoli ng kanyang ama ng isang malaking painting na gawa niya.

Saad ni Heart, “Nasa beach house kasi yun kaya pinasabi niya sa kapatid ko na baka masira lang dahil sa salt water, so pinabalik na lang niya sa akin.

“Pero, you know, whatever it is, okay na lang din sa akin.”

Kaya isinama na raw niya ang naturang painting sa exhibit at kaagad namang nabili.

“Kasi sayang din naman, e, parang this is part of my heart na this
thing is for a good cause.

"Mas maa-appreciate siya at mas mamahalin siya sa ibang bahay siguro,” sabi ni Heart.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labing-siyam na paintings ni Heart ang nasa exhibit at masaya niyang ibinahagi na labimpito rito ang nabili na at ang dalawa ay ipangreregalo niya.

Ang malilikom sa mga nabentang paintings ay ibabahagi raw ni Heart sa paborito niyang charitable institution, pero ayaw na niyang sabihin kung saan.

“Hindi kasi yung tipong sabihin ko pa kung saan ko ibinigay,” pahayag ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN