Winwyn Marquez gets backing from aunt Melanie Marquez for her beauty-queen aspiration

At home na at home na si Winwyn Marquez sa role nitong kontrabida sa fantaserye ng GMA Network, ang Kambal Sirena. At wala raw kaso sa kanya kung ma-typecast man siya sa mga maldita o salbaheng roles.


Gusto sana ni Winwyn Marquez na makasama nilang magkakapatid ang kanilang inang si Alma Moreno nitong nakaraang Mother’s Day, pero nataon na nasa out of town ang dating aktres.

Abala kasi si Alma, na ngayon ay konsehal ng Parañaque City, sa pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa bilang pangulo ng League of Councilors of the Philippines.

Sabi ni Winwyn, “Pagbalik na lang niya. Quality time together with her, okey na sa amin.

“Pero binati ko naman siya and I said, ’I love you, Mom!’

"Nag-text ako sa kanya nang mahabang-mahaba. Nag-thank you ako sa kanya.

"’Tapos nag-reply din siya na pagkahaba-haba na parang nobela!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Winwyn sa Sunday All Stars noong Linggo, May 11.

Sa mga nakaraang Mother’s Day ba, paano nila ito isine-celebrate?

Ayon kay Winwyn, “Dinner together lang. ’Tapos after, nakahiga na kami sa kama at nag-uusap.

“Gano’n lang. Bonding lang kami.

“Magkakasama naman kami sa bahay, kaya lang busy nga siya lagi.

“Walang definite date kung kailan siya uuwi.

"So, kung kailan siya mag-text na babalik na sa Manila, dun kami nagkakasama.

“Last term na niya [bilang councilor ng Parañaque]. I’m happy and sad.

“Sad dahil alam kong masayang-masaya ang mom ko sa politics.

“Pero at the same time, makukuha na namin ang atensiyon niya!

"Sa amin na siya ulit nang buung-buo ngayon!” tawa ni Winwyn.



NO TO POLITICS. Hindi ba siya naeengganyong pasukin din ang pulitika?

Sabi ni Winwyn, “Never say never, ’di ba? Pero ngayon, hindi.

“Nag-SK chairman na ako dati. But now, never say never, ’di ba?”

May nabanggit si Alma sa isang interview na parang si Vandolph—anak ng aktres sa yumaong Comedy King na si Dolphy—ang nakikitaan nito ng interes at kakayahan na sumabak sa politics.

Ano ang masasabi ni Winwyn dito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Hindi pa namin alam, so... sana! Sana.”

Naramdaman siguro ni Alma na sa pag-aartista at pangarap na maging beauty queen, at hindi sa politika, ang interes ngayon ni Winwyn.

“Oo, dito sa showbiz na lang muna ako,” pagsang-ayon ng Kapuso talent.

“Kasi dito, nagagawa ko ang passion kong sumayaw.

"Nagagawa kong umarte at nakaka-portray ako ng iba’t ibang roles.

“So, dito na lang muna talaga ako.”



YES TO BEAUTY CONTEST. Totoo bang may go signal na si Alma hinggil sa plano niyang sumali sa beauty pageant?

“Oo, si Daddy [Joey Marquez] na lang. Si Daddy na lang!” natatawang sagot ni Winwyn.

Importante rin daw na may consent ang kanyang ama bago siya tuluyang sumali sa beauty pageant.

“Abangan na lang po natin. Hindi ko pa po kasi masabi kung next year na ba o ano.”

But definitely, naghahanda na siya para rito?

“Uhm… hindi ko masagot!

“Wala pa. Hindi ko pa masabi kung next year.

“Pero nag-usap na kami ni Jonas [Gaffud ng Mercator] na sana mag-start na kaming mag-training.”

Kumbinsido ang ina ni Winwyn na may potensiyal siyang maging beauty queen.

After all, may pagmamanahan naman daw si Winwyn dahil
dalawang tiyahin niya ang naging beauty queen—ang mga kapatid ng daddy niya na si Via Hoffman at ang Miss International 1979 na si Melanie Marquez.

Sabi ni Winwyn, “Pinag-uusapan pa po ang tungkol sa pagsali ko sa beauty contest.

"Ayoko pa pong magsalita kasi baka ma-preempt.

“Nagkausap na nga kami ni Tita Melanie nung nagkasabay kaming mag-guest sa Eat Bulaga.

"Tinanong niya ako, ’Uy, sasali ka pala!’

“’Tapos sinabi niya, mag-train daw ako sa kanya.

"Tawagan ko raw siya… ganyan.

"Pero as of now, i-enjoy ko muna kung ano ang meron ako ngayon.

"So, let’s just see kung kailan po talaga.”

KONTRABIDA. Samantala, sa patuloy na pag-ere ng fantasy series ng GMA na Kambal Sirena, marami ang nakakapansin sa markadong performance ni Winwyn bilang kontrabida sa relasyon ng mga karakter nina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Winwyn, “Thank you, sobrang thankful po ako.

“’Yon lang po ang masasabi ko—thank you!”

Mayroon na ba siyang nae-encounter na haters dahil nga sa salbaheng character niyang iyon?

Tugon niya, “Opo. Kasi may mga bata nang nagsabi sa akin, bakit ko raw laging inaaway si Perla [isa sa kambal na character ni Louise].

"Kung totoo daw ba na masama ang ugali ko.

“Nagugulat ako at natatawa na lang ang mommy ko… gano’n.”

Ibig lang sabihin, effective talaga siyang kontrabida.

Sabi naman niya, “Siguro, may mga nakaka-appreciate din ng mga ginagawa ko.

"Kaya mas nai-inspire akong gawin higit na okey pa, at i-push ko pa yung sarili ko.”

Okey lang na ma-typecast siya sa mga maldita o salbaheng roles?

“Okey lang naman po... kung ano ang ibigay,” sagot ni Winwyn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN