Claudine Barretto calls sister Gretchen "heartless"; claims Gretchen hurled below-the-belt insults at her

Claudine Barretto reveals alleged worst squabble with sister Gretchen Barretto: “The day that she started talking bad about my kids on the phone, on speaker, and Raymart [Santiago] was there. Raymart, bahala na siya sa Diyos niya. He was there when Gretchen started calling my children names. When she said na, ‘Wala ka nang career, baboy ka, lechon, wala ka nang power!’ Sabi niya, ‘You will never be back in this industry. Magpakamatay ka na lang, C


“She’s heartless. She has no heart.”

Ganito inilarawan ni Claudine Barretto ang estranged sister niyang si Gretchen Barretto.

Sa taped interview ng Buzz Ng Bayan noong Linggo, May 11, inihayag ni Claudine na nagsimula ang hidwaan nila ni Gretchen noong 2010.

Ngunit mas lumala ang sigalot sa pagitan nila dahil sa insidente kung saan pinalabasdi umano ni Gretchen na may drug addiction at sakit sa pag-iisip si Claudine.

ALLEGED MENTAL ILLNESS, DRUG ADDICTION. Ayon kay Claudine, taong 2010 nang magpadala si Gretchen ng ambulansiya sa bahay niya sa Loyala Grand Villas.

Noong mga oras na iyon ay wala sa bahay ang asawa ni Claudine na si Raymart Santiago. Ang tanging kasama raw ng aktres ay ilang mga malalapit na kaibigan.

Bukod sa pediatrician na sakay ng ambulansiya, mismong mga kapatid daw ni Claudine na sina Gretchen at Marjorie ang sapilitang nagpa-confine sa nakababatang Barretto sa isang ospital.

Lahad ni Claudine, “Kilala ko, pediatrician ‘to ni Gretchen.

"Pumunta ako sa gate nga, nakita ko nandoon si Marjorie, nandoon si Gretchen paglabas ko.

“Sabi ni Gretchen, ‘Can I please go in?’ And since kapatid ko naman siya, kahit hindi kami okay, pinapasok ko.

“Kasi I didn’t know what this was all about, bakit dumating si Marjorie, akala ko dadalawin lang ako.

“’Tapos lumabas sila. And then, pagpasok nila ulit, later dumating na yung pediatrician with the ambulance, and I think there were eight men inside,” panimulang kuwento ni Claudine kay Boy Abunda, isa sa mga host ng Buzz Ng Bayan.

Ikinagulat daw ni Claudine ang mga sumunod na pangyayari dahil wala umanong basehan ang pagpapadala sa kanya sa ospital at akusasyong ibinabato sa kanya ni Gretchen.

Patuloy na kuwento ni Claudine, “I asked my sister, I asked Gretchen, ‘What is this?’ Nakita ko kasi may straitjackets itong mga ito, e.

“And then I said, ‘What are you gonna get me for?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She just looked at her doctor and she said, ‘Do something!’

“I knew my rights, she was trespassing.

“Sabi ko sa kanila, ‘Saan, sa drug addiction or sa mental illness?’

“Kasi hindi ko alam. Hindi ko alam.

"And then, sabi niya, ‘Basta, Doc, nag-overdose iyan!’”

Noong October 2013, matatandaang kinumpirma ni Gretchen—sa isang open letter na eksklusibong ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment)—na makailang-beses nang ipinagamot si Claudine dahil sa sakit nitong may kinalaman sa “severe drug abuse” at hindi tamang “mental condition.”

Dito ay inihayag ni Gretchen na mismong ang ama nilang si Miguel Barretto ang may gustong ipasok sa basement si Claudine upang tuluyang itong gumaling.

Read: PEP EXCLUSIVE. Gretchen Barretto to parents Mike and Inday: "We hear Claudine’s cry for help. Why can’t you?"

Kaugnay ito ng naunang rebelasyon ni Raymart na diumano’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot si Claudine.

Ito ang tinukoy ng aktor na ugat ng ilang matitinding pag-aaway nila ni Claudine noon.

Read: Raymart Santiago claims wife Claudine Barretto is a drug user

Sa pagpapatuloy ng panayam ni Claudine sa Buzz Ng Bayan, inamin ng aktres na noong una ay nakaramdam siya ng galit dahil pinapalabas ng mga kapatid niyang mayroon siyang sakit sa pag-iisip.

Ngunit iginiit ni Claudine, ayon daw mismo sa kanyang psychiatrist, ang dinanas niyang sakit ay hindi matatawag na “mental illness” kundi “mental torture.”

Sabi niya, “Yes. Iba yung mental illness sa mental torture, e.

“I was diagnosed with Battered Wife Syndrome and it’s… mahirap yung mga pinagdaanan ko.

“Maraming lies, maraming deceits, maraming pagtatraydor.

“Sinasabi niyo na I’m not fit as a mother, and all that.

“But my children are doing well in school.

“And then my sisters and brothers will witness against me.

“’Tapos nasa Instagram sila nagki-Christmas party.

“Everything that will try to hurt and destroy me, they will do.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WORD WAR VS GRETCHEN, MARJORIE. Bandang April 2011 nang magpatuloy ang sigalot sa pagitan ng magkakapatid na Barretto.

Ito ay matapos makasagutan nina Marjorie at Gretchen ang isang basher na panay ang iwan ng negatibong komento sa kani-kanilang Instagram accounts.

Binuweltahan ng magkapatid na Barretto ang naturang basher dahil sa paninira nito sa anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Read: Sisters Gretchen and Marjorie Barretto confront mysterious Instagram user because of "her evil ways"

Bukod dito, mayroon pang hiwalay na mga insidente noong August 2013, kung saan may nakasagutan sina Gretchen at Marjorie na panibagong bashers sa kani-kanilang Instagram accounts.

Bagamat hindi nila direktang pinangalanan kung sino ang kanilang pinatutungkulan, base sa kanilang mga pahayag ay tila pinaniniwalaan nina Gretchen at Marjorie na si Claudine ang nasa likod ng mga mapanirang komento laban sa kanila.

Read: Gretchen Barretto involved in word war with Claudine Barretto on Instagram

Read: Marjorie Barretto refutes accusation that Tonyboy Cojuangco pays for her daughter’s tuition

Kontra-pahayag ni Claudine ukol dito: “They drew first blood and they were accusing me of so many things.

“I just kept quiet the whole time.

“They were just bullying and bullying, they did not stop. Ganito ba dapat ang ugali ng mga ate?

“Let’s say for example, if I’m mentally ill, lalong nakakasira ng ulo yung ginagawa nila. Anything that will put me down…

“Nakadapa na, tatapakan mo pa, duduraan ka pa.”

Dagdag pa ni Claudine, “Gretchen knows this. She’s heartless. She has no heart.

“What do you expect? If you cannot respect your parents and make stories about your parents?

“I’m not going to allow her to destroy my parents’ name anymore. Stop using our name.”



GRETCHEN’S INSULTS AGAINST CLAUDINE. Ang totoo, ayon kay Claudine, siya ang tumanggap ng katakut-takot na pang-iinsulto mula kay Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balik-tanaw ni Claudine tungkol sa isa mga matinding away nilang magkapatid: “The day that she started talking bad about my kids on the phone, on speaker, and Raymart was there.

“Raymart, bahala na siya sa Diyos niya. He was there when Gretchen started calling my children names.

“When she said na, ‘Wala ka nang career, baboy ka, lechon, wala ka nang power!’

“Sabi niya, ‘You will never be back in this industry. Magpakamatay ka na lang, Claudine!’

“You know, Gretchen, you swear on your child’s life if you did not say that. I dare you, because you are such a liar.”

Tila ito rin ang tinukoy na insidente ni Raymart na naging mitsa ng paghihiwalay nila ni Claudine noong March 2013.

Tumanggi kasi ang aktor na kasuhan si Gretchen dahil sa mga diumano’y mapanirang salita na binitawan ng nakakatandang Barretto laban kay Claudine.

Read: Raymart Santiago reveals final straw that did in his marriage to Claudine Barretto

Ipinagtataka rin ni Claudine kung bakit pumanig si Gretchen kay Raymart at boluntaryong tumestigo laban sa kanya.

Kaugnay ito ng reklamong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children Act (VAWC) na isinampa ni Claudine laban kay Raymart.

Sa taped interview ng Buzz Ng Bayan kay Gretchen noong January 2014, ipinaliwanag ng aktres na napilitan siyang tumestigo laban kay Claudine dahil mismong ang nakababatang kapatid ang nagdawit sa kanya sa kaso.

Read: Gretchen Barretto on testifying against sister Claudine: "I did not betray her."

Buwelta naman ni Claudine laban kay Gretchen, “She was never summoned by the court.

“Actually, in an interview, Raymart said na, ‘Hindi ko naman sila pinatawag, sila mismo ang nag-volunteer. Si Marjorie, si Gretchen, at si JJ. Sila ang nag-volunteer.’

“Sinasabi niya [Gretchen] brothers, sisters [decided on that matter].

“Ang sinasabi ko, ‘Talaga?’ Kailan lang sila naging okay ni Mito [older Barretto sibling]. Years silang naging magkaaway.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, nag-iwan si Claudine ng mensahe kay Gretchen kaugnay ng patindi nang patindi nilang hidwaan.

Sabi ni Claudine, “And also, isa pang pakiusap ko kay Gretchen, any question about me, stop answering.

“I don’t want to be affiliated with you because you are a shame to this family. I want you to stay away from me and my children.

“I want to know, at the end of the day, Gretchen, ano ba ang goal mo? Up to where? When are you going to stop?

"You say you’re happy? I don’t see that. With your face, all botoxed and all, I don’t see that."

RIFT WITH MARJORIE. Bukod kay Gretchen, inihayag din ni Claudine ang sama ng loob niya kay Marjorie.

“Sa lahat lahat ng tao, kay Marjorie ako pinakagalit kasi pinag-away kami ni Gretchen, e.

“I said some painful things to my sister which I will forever regret.

“I always made life easy for my sister, for Marjorie. But she killed me the day na tinanggal niya yung karapatan ko to see my nieces na pinalaki ko.

“Nakalimutan niya ako, yung ako talaga,” patuloy na pahayag ni Claudine.

Sa puntong ito, tinanong ni Boy kung alam ba ni Marjorie ang hinanakit niyang ito.

Sagot ni Claudine, “I don’t know. And I don’t know her anymore.

“You know, I grieved for her. Pinatay ko na siya sa buhay ko.

“I would never ever do anything to hurt my nieces.”

Sa kabila ng mga lumabas na intriga noong nakaraang taon, iginiit ni Claudine na wala siyang hangad para sa pamangking si Julia Barretto kundi ang magtagumpay ito sa larangan ng showbiz.

“[I want to tell Julia] that I love her so much—so, so much.

“Siya naman ang susunod sa trono ko, e. Matagal ko nang sinabi yun. I’m so proud of her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I just pray that they don’t forget—Dani, Julia, Claui, and Leon.

“I want to let them know that I tried so much during their birthdays, Christmas, Valentine’s.

“I tried my best [to reach out to the kids but] I couldn’t get through.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN