(UPDATED) Gretchen Barretto says sister Claudine is "hallucinating" and "suffering from severe mental illness"

Kahit nasa Thailand ngayon si Gretchen Barretto, nagbigay pa rin ito ng pahayag sa mga patutsada ng nakaalitang kapatid na si Claudine Barretto. Aniya, nagha-hallucinate lang at may sakit sa pag-iisip ang bunsong kapatid.


Kahit kasalukuyang nasa Chiang Mai, Thailand si Gretchen Barretto, nakarating pa rin sa kanya ang mga bagong patutsada ng bunsong kapatid na si Claudine Barretto.

Sa taped interview ni Claudine sa Buzz Ng Bayan ng ABS-CBN noong Linggo, May 11, tinawag niyang "heartless" si Gretchen.

Idinetalye rin ni Claudine sa nasabing panayam ang diumano’y masasakit na salita na binitawan sa kanya ng nakatatandang kapatid.

Read: Claudine Barretto calls sister Gretchen "heartless"; claims Gretchen hurled below-the-belt insults against her

Mula sa Thailand, nagpadala si Gretchen ng kanyang official statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kagabi, May 12, sa pamamagitan ng text, upang sagutin ang mga pahayag ni Claudine laban sa kanya.

Pahayag ni Gretchen, “How do I debate with one who is clearly hallucinating & is under the influence of drugs & is suffering from severe mental illness.

“I am not one who would utter words such as ‘baboy, lechon, laos, & magpakamatay ka na.’

"I never spoke ill or cursed Sabina nor Santino."

Sina Sabina at Santino ang dalawang anak ni Claudine sa estranged husband nitong si Raymart Santiago.

Patuloy niya, “I have yet to hear Claudine & her mother & father speak the truth for once, their current situation & lost relationships should speak volumes of the kind of character & attitude they possess."

ALLEGED THREATS. Nagbigay rin ng pahayag si Gretchen tungkol sa kanyang mga magulang na sina Inday Barretto at Miguel Barretto.

Matatandaang umabot na sa sukdulan ang hidwaan nila noong 2013 pagkatapos sabihin nina Miguel at Inday na tanggalin na ni Gretchen ang apelyido nitong Barretto sa kanyang pangalan.

Sabi ni Gretchen, “To the public, it shames me to say that Mrs. Inday Barretto is the kind of mother that I don’t wish anyone would have.

“She has been our greatest pain & nightmare.

“She has taught us to stay away from her as far as possible in order to be safe & sane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May kasabihan na, ‘Ang kapatid ng magnanakaw ay sinungaling.’

“Mr. & Mrs. Barretto has threatened that if they don’t receive the amount of money they require of me (sisirain kita sa publiko, pupulutin ka sa kangkungan).

“They have desperately tried to ruin me & my siblings.

“They have said a mouthful, they can no longer threaten me, or try to extort money from me. I release myself from them.

“They just handed freedom from their plot to destroy.”

NOT AIRED IN FULL Ang statement na ito rin ang ipinadala ni Gretchen sa primetime newscast ng ABS-CBN na TV Patrol kagabi, May 12, ngunit hindi nila inere nang buo.

Ayon sa isang PEP source, ang dahilan kung bakit hindi inere nang buo ng TV Patrol ang statement ni Gretchen ay dahil sa pagbabantang ginawa diumano ni Mrs. Inday Barretto sa Kapamilya Network.

Ipinadala raw ng TV Patrol kay Inday Barretto ang statement ni Gretchen, sa pamamagitan ng text, upang kunin sana ang kanyang panig tungkol dito.

Ngunit sa halip na magbigay ng kanyang panig, tumawag daw si Inday Barretto sa ilang top executives ng network at nagwala.

Nagbanta raw ang Barretto matriarch na kapag inilabas nang buo ng TV Patrol ang statement ni Gretchen ay sila ang sisisihin nito kapag may nangyaring masama sa kanyang mister na si Miguel Barretto, na may karamdaman ngayon.

Bukod kasi kay Inday, may sinabi rin si Gretchen laban sa kanyang estranged father.

Sa huli ay nagdesisyon ang TV Patrol na huwag nang iere nang buo ang statement ni Gretchen.

Hindi naman nagustuhan ni Gretchen ang desisyong ito ng TV Patrol at ng network.

Ayon sa PEP source, nananahimik daw kasi si Gretchen sa Chiang Mai, Thailand, nang bigla siyang kunan ng reaksiyon kaugnay ng mga pahayag ni Claudine laban sa kanya.

Nagpaunlak naman si Gretchen at nagbigay ng kanyang statament, ngunit nadismaya ang aktres nang hindi ito inere nang buo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



GRETCHEN’S FULL STATEMENT. Narito ang buong statement ni Gretchen na ipinadala niya sa PEP at sa TV Patrol:


“How do I debate with one who is clearly hallucinating & is under the influence of drugs & is suffering from severe mental illness.

“I am not one who would utter words such as ‘baboy, lechon, laos, & magpakamatay ka na.’

“I never spoke ill or cursed Sabina nor Santino.

“I have yet to hear Claudine & her mother & father speak the truth for once, their current situation & lost relationships should speak volumes of the kind of character & attitude they possess.

“To the public, it shames me to say that Mrs. Inday Barretto is the kind of mother that I don’t wish anyone would have.

“She has been our greatest pain & nightmare.

“She has taught us to stay away from her as far as possible in order to be safe & sane.

“May kasabihan na, ‘Ang kapatid ng magnanakaw ay sinungaling.’

“Mr. & Mrs. Barretto has threatened that if they don’t receive the amount of money they require of me (sisirain kita sa publiko, pupulutin ka sa kangkungan).

“They have desperately tried to ruin me & my siblings.

“They have said a mouthful, they can no longer threaten me, or try to extort money from me. I release myself from them.

“They just handed freedom from their plot to destroy.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN